ISANG buwan na ang nakakaraan mula ng magkita sila ni Vice. Isang buwan na rin na hindi siya nito ginugulo. “Bakit kaya hindi na ako ginugulo ng mayabang na 'yon. Bakit parang hinahanap hanap ko ang presensiya niya? Nasaan na kaya siya?” tanong niya sa sarili.
Napasulyap siya sa cellphone niya basag ang LCD nito gawa nang mabitawan niya dahil sa pagkagulat ng dahil sa antipatiko na iyon. Mabuti at nagagamit pa niya.
Nasa ganoo'ng pag-iisip siya nang biglang hampasin ni Ivy ang lamesa.
“Si Vice ang iniisip mo, ano?” nakangiti nitong tanong sa kanya. Kaya naman tinaasan niya ito ng isang kilay.
“Namimiss mo ano? Huwag kang mag alala at bigla na lamang 'yong susulpot dito.” pag-aasar pa na wika nito.
Inirapan niya ito. “Ano bang pinagsasabi mo diyan? Hindi siya ang iniisip ko, ha.” Wika niya kay Ivy. “Iniisip ko lamang si Dion paano kung malaman niya na hinalikan ako ni Vice. Anong sasabihin ko?” pagsisinungaling niyang wika.
“Eh, di sabihin mo na, wala lang 'yon.”
“Maniniwala kaya siya. Sissy kilala mo si Dion. Kahit sino pinagseselosan paano kung malaman niya na dalawang beses na akong hinalikan ng mayabang na iyon?”
“Maysisa, kung talagang mahal ka niya makikinig siya sa paliwanag mo. At saka teka nga muna, bakit hindi ko nga pala siya nakikita?” nagtataka nitong tanong.
“Nasa bayan ng Odiongan nagtra-trabaho doon, sa tindahan ng kaniyang kuya. Noong isang araw pa umalis.” malungkot niyang wika. Tumango naman ito.
“Sissy may tanong ako bakit ka tinawag ni Gov noon? Tapos hindi mo man lang pinansin. May dapat ba akong malaman?” naalala niyang itanong dito. Para kasing may something sa kanila ni Gov.
Umiwas ito ng tingin sa kanya at saka tumayo. “Wala.”
“Oi, sissy magkwento ka naman." pangungulit niya rito.
“Huwag na natin siyang pag-usapan, sissy. At bumabalik lang ang sakit.” may lungkot na wika nito.
“So, tama nga ang hinala ko may nakaraan kayo ni Gov?” tanong niya kay Ivy. Nakikita na rin niya rito ang lungkot sa mga mata.
“Sissy, minahal ko naman siya, eh. Pero nagawa n'ya akong saktan.” naluluha nitong wika. Kaya lumapit siya rito saka niyakap. Yumakap ito ng pabalik sa kanya. Tuluyan na itong umiyak sa balikat niya. Hindi niya alam kung ano ang tunay na nangyari, pero ramdam niya na hanggang ngayon nasasaktan ang bestfriend niya.
Naputol ang kanilang pagdra-drama nang dumating na si Ma'am Lina. Ang kanilang midwife. Dumating na rin ang mga sanggol na tuturukan ng anti-pollio
Inasikaso niya ang mga bata na bibigyan naman ng vitamin A. Matapos niyang mabigyan ang mga bata bumalik siya sa loob para naman kuhanan ng blood pressure ang mga senior citizen.
“Lola, kumusta po kayo. Iniinom n'yo po ba ang inyong maintenance na gamot?” nakangiti niyang tanong.
“Okay, naman ako maysisa. Oo, iniinom ko ang aking gamot. Ako'y kuhanan mo ng BP at medyo masakit ang aking ulo.” ani nito sa kanya.
Kaya agad niya itong kinuhanan ng blood pressure.
“Lola, medyo mataas po ang BP ninyo. Baka naman po hindi ninyo iniinom ang gamot. Ano po ba ang ginawa ninyo ngayong umaga?” tanong niya rito dahil hindi normal ang BP nito.
“Wala naman akong ginawa ngayon, eh.”
“Magpahinga po muna kayo diyan at after 15 minutes kukuhanan ko ulit kayo ng blood pressure.” nakangiti niyang wika sa matanda. Binigyan niya ito ng tubig.
“Salamat maysisa.”
Bahagya siyang sumimangot. “Lola, Yza na lamang po ang pangit po pakinggan ang Maysisa.” nakangiti na niyang wika. Kaya ang matanda ay napatawa sa kanya.
Ewan ba niya sa kanyang ina bakit Maysisa pa ang pinangalan sa kanya? Samantalang ang dami namang puwedeng ipangalan sa kanya.
Alas onse na nang matapos ang kanilang ginawa. Umalis na rin si Ma'am Lina. Si Ivy naman ay umuwe na dahil biglang sumakit ang ulo nito. Naglilinis na siya ng may pumaradang sasakyan sa tapat ng center. Hindi niya ito pinansin, pinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
“Puwede ba akong magpakuha ng blood pressure?” malumanay na wika ng taong pumasok.
“Ay kabayong palaka.” nagulat niyang wika. At ang boses na 'yon ay kilala niya kaya humarap siya sa taong nagsalita sa likod niya.
Nakangiting mukha ni Kian ang nasa harapan niya. At ang antipatiko ang guwapo. Ngayon lang niya napansin na guwapo pala ito. Ang tangos ng ilong, at ang mga labi nito na dalawang beses nang lumapat sa labi niya. Bahagya pa siyang natulala dahil sa angking kaguwapohan nito.
“Napakaguwapo ko ba para matulala ka ng ganyan?” nakangising wika nito sa kaniya.
Nahampas niya ito sa braso at kinunotan ng noo. “Anong kailangan mo at bakit nandito ka. Mag-aasar ka na naman ba?” mataray na tanong niya sabay talikod para ipagpatuloy ang ginagawa.
Pero imbes na siya ay sagutin nito, umupo ito sa upoan. Narinig pa niya itong nagbuntong-hininga kaya napalingon siya. Anong problema ng lalaki na 'to?
“Masakit ang ulo ko puwede mo ba akong kuhanan ng blood pressure?” nakiki-usap na wika nito sa kanya.
Tinaasan niya lamang ito ng kilay saka pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.
“Vice, pumunta ka lang dito para lamang magpakuha ng BP? Samantalang malapit lang sa munisipyo ang center pati na rin ang hospital. Tapos dito ka pa nagpunta?” mataray na saad niya rito.
“Namiss ko 'yang kamalditahan mo,” nakangising turan nito sa kanya kaya lalo tuloy niyang sinamaan ito nang tingin. “Please.” pakiusap na naman na wika nito sa kanya.
Kaya wala na siyang nagawa kundi kuhanan ito ng BP.
Naiilang pa siyang hawakan ang kamay nito, dahil pakiramdam niya ay parang may kuryenteng gumagapang sa katawan niya.
“Ako ba ay pinagluluko mo. Sadya ba talagang masakit ang ulo mo. O, sadyang nandito ka para asarin na naman ako? Normal naman ang dugo mo, ah. 120 over 80.” inis na wika niya kay Kian.
Tumayo ito at humakbang papalapit sa kanya kaya bahagya siyang umatras.
“Ang totoo niyan, puso ko ang hindi normal. Dahil simula ng makita kita hindi na siya normal tumibok. Sapagkat ginulo mo ang puso ko at isipan.” seryoso nito na wika sa kanya sabay hawak sa pisngi niya.