CHAPTER 4

1104 Words
PAGPASOK niya ng kusina ay naabutan niya ang kanyang Mommy Kendra at si Kayla na nag aalmusal na, kaya masaya niyang binati ang dalawa. “Good morning, Mom.” bati niya sa kaniyang mommy sabay halik sa pisngi nito. “Good morning iho, bakit parang masaya yata ang binata ko ngayon?” nakangiti na tanong nito sa kanya. “Kuya Kian, si Ate Yza ba why masaya ka ngayon?” maarte na tanong ni Kyla sa kanya. Napangiti siya sa tanong nito. Kagabi pa siya hindi masyadong makatulog dahil sa babaeng iyon. Hindi mawala sa isipan niya ang ginawang pagduro at pagtataray nito. “Oo nga iho, siya ba ang dahilan ng mga ngiti mo na 'yan?” nakangiti na tanong ng kanyang mommy. “Mom, natatawa lang ako sa kamalditahan niya.” maikling sagot niya rito. “Anak, bakit hindi mo siya imbitahin dito para naman mas makilala namin siya.” ani ng kanyang mommy Kendra. “Oo nga kuya, gusto ko siyang maka-bonding. Dalhin mo siya dito kuya, Please?” pakiusap na wika sa kaniya ni Kayla. Napakamot siya sa kanyang batok, “I can't promise na maisasama ko siya dito. Sobrang mahiyain kasi siya bunso pero try ko,” wika niya sabay hawak sa batok. Paano ba niya makaka-usap ang babae na 'yon. Eh, hindi nga niya alam kung taga-saan ito. At mukhang mahihirapan siya na kausapin ito dahil napakamaldita. “At saka anak, gusto ko siya para sa iyo. Kasi mukhang mapapabago ka niya.” turan pa ng kanyang mommy. Magaling talaga pumili ang kanyang mommy pagdating sa babae. Kahit isang beses lamang niya itong nakita, gusto na agad para sa kanya. Samantalang, kay Irish Critine kapag dinadala niya rito sa bahay halos hindi maipinta ang mukha ng kanyang mommy. Pero pagdating sa maldita na babaeng iyon mukhang nagustohan agad ito ng kaniyang mommy. Napa-iling na lamang siya. “Mom, gusto na ninyo siya para sa akin? Eh, kahapon n'yo lamang nakita siya, ah.” nagsisiguro na tanong niya sa kanyang Mommy Kendra. “Kasi mukhang may pagkamaldita siya anak. Pero nababasa ko sa kanya na mabait siya. Siya ang tipo ng babae na magpapabago sa iyo anak.” wika nito sa kaniya na para bang sigurado ito sa sinasabi na mapapabago siya. “Kaya anak dalhin mo siya dito.” “Mom, hindi ko nga maipapangako dahil sabi nga ninyo may pagkamaldita kaya mukhang mahihirapan akong kumbinsihin siya.” turan niya sa mommy niya. Kaya naman nagtataka na tumingin ito sa kanya. “Bakit anak, takot ka sa kanya?” natatawang tanong nito sa kanya. “Ikaw na isa ding babaero na kagaya ni Geo, takot sa isang malditang babae?” lalo tuloy itong tinawanan siya. Kaya napakamot siya sa batok niya. “Mom, hindi sa ganoon. Kung alam n'yo lamang ang ginawa niya sa akin kahapon.” wika niya sa kanyang mommy. Sinabi niya sa kaniyang mommy ang nangyari sa kanila ng babae na 'yon. “So, hindi totoong nililigawan mo si —” “Si Ate Yza, Mommy,” sabat na wika ni Kayla. “Si Yza, pero gusto ko pa rin siya Kian. Kaya dalhin mo siya dito.” utos na wika nito sa kanya. “Pero, Mommy ni hindi ko nga alam kung saan siya dito nakatira at kung saan ko siya hahanapin.” reklamo niya na wika sa ina. “Maliit lamang ang isla natin Kian kumpara sa America kung saan ako hinanap ng daddy mo.” sermon na wika ng kanyang mommy. “Susubukan ko, Mom.” mahina niyang wika dito dahil ang totoo hindi niya alam kung saan hahanapin ang malditang babae na 'yon. “Si Daddy pala bakit hindi natin kasabay na nag-almusal?” tanong niya sa ina sabay higop ng kape. “Maagang umalis at may problema sa hardware natin.” sagot nito sa kaniya. Kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagkain. “Kailangan ko ng umalis may pasyente pa ako sa hospital.” paalam na wika ng kanilang Mommy Kendra. Kaya tumayo na ito at umalis. “Kuya, puwede ba akong sumama sa'yo sa office mo?” tanong ni Kayla sa kanya. Nakangiti siyang tumingin dito. “Okay, magbihis ka na at tayo'y aalis na. Pero huwag kang malikot doon, ha.” wika niya sa kapatid niya. Labing isang taon pa lamang ito. Malaki ang agwat ng kanilang edad. Kaya spoiled ito pagdating sa kanya. Lahat ng gusto nito ay binibigay niya. Agad din silang umalis pagkatapos mag- almusal. Tahimik na nagmamaneho siya, hinayaan niya lamang si Kayla na buksan ang stereo ng sasakyan niya. “Kuya, di ba si ate Yza 'yon?” wika ni Kayla sabay turo sa dalawang babae na nakatayo sa may waiting shed. Itinigil niya ang sasakyan sa tabi malapit sa waiting shed. Ibinaba niya ang salamin ng kanyang sasakyan. Kita niya si Yza na busy sa ka- ce-celphone kaya bumusina siya dahilan para magulat ito at nabitawan ang celphone. Pinulot nito ang celphone at galit na umangat ang ulo nito. Nagulat pa ito ng makita siya kaya lalo tuloy hindi na maipinta ang mukha na lumapit sa kanya. “Ikaw na naman antipatikong mayabang! Hindi mo ba talaga ako titigilan!” galit na wika nito sa kanya. Kaya napatawa siya sa hitsura ng mukha nito. Halos maglabasan lahat ng ugat sa leeg dahil sa galit. Nagulat pa siya ng hampasin ang kanyang sasakyan. Pilit naman na pinipigilan ng kanyang kasama ito. Pero ayaw papigil. “Bumaba ka nga diyan?” malditang utos nito sa kanya. At umiling-iling siyang bumaba ng sasakyan. Napakamaldita talaga nitong babae na 'to at mukhang matapang pa. “Ano na naman ang kailangan mo sa akin antipatiko! Araw-araw mo ba talaga akong aasarin? Tingnan mo nga ang ginawa mo sa celphone ko. Nasira ng dahil sa iyo,” nanlilisik ang mata nito na wika sa kanya. “Kahapon muntik mo na kaming mabangga ngayon naman itong celphone ko ang sinira mo. Alam mo ba na ilang buwan ko itong pinag- iponan bago ko mabili tapos ikaw lang ang makakasira. Antipatiko.” galit na galit na wika nito. “Oi, sissy, tumigil ka na. May mga tao ng nakatingin sa atin, oh. Mapapahiya si Vice.” wika ng isang babae na katabi nito. Na patingin siya sa paligid may mga tao na nga nakatingin sa kanila. “Wala akong pakialam. Kasalanan niya kung bakit galit ako ngayon. Bayaran mo itong cellphone ko.” mataray na pagkakasabi nito sa kanya. Napapangiti siya dahil kahit galit ito ay lumalabas pa din ang taglay na ganda nito. “Napakaingay mo.” isang mapusok na halik ang binigay niya sa babaeng talak nang talak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD