Pangungulila

1023 Words
CHAPTER 15 Tatlong araw na binurol ang lolo ni Yza sa kanilang bahay. Sa tatlong araw na 'yon hindi siya iniwan at pinabayaan ni Kian. Laging nasa tabi niya ito. Kahit sa pagtulog katabi niya ito. Ang sarap sa pakiramdam na may mga tao pa rin na nagmamahal sa kanya. Ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ni Kian. Matapos ilibing ang kanyang lolo nagkulong siya sa kanyang kuwarto at doon umiyak nang umiyak. Hinayaan muna siya ni Kian na nagkulong sa kuwarto niya. Hindi ito tumutol nang sabihin niya na gusto niyang mapag-isa. Humiga siya sa kama habang yakap-yakap niya ang litrato ng kanyang lolo. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Namimiss na niya ang kanyang lolo. Mula pagkabata hanggang sa lumaki siya ito ang kaniyang kasama. Lolo niya ang ng alaga sa kanya na dapat ay mga magulang niya. Lumaki siya na hindi niya nakilala at nakita ang kanyang mga magulang. Kahit kailan wala siyang nabalitaan sa mga ito. Pero sabi ng lolo niya, kamukha niya daw ang kanyang ina. Anak ni lolo Tonyo ang kanyang ina at kahit kailan hindi sinisi ni lolo Tonyo ang ina niya kung bakit iniwan siya sa kanya. Dahil ang katwiran nito ay anak niya ang kanyang ina. Mapagmahal at maalalahanin si lolo Tonyo niya. Kahit mahirap lamang sila, naibibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya. Napag-aral siya nito hanggang high school. Pangingisda ang tanging hanap-buhay ng kanyang lolo Tonyo. Kahit minsan hindi niya naranasan na saktan at paloin siya nito. Bagkus puro pagmamahal ang pinapadama nito sa kaniya. Ang kaniyang tita Amor ang nagpaaral sa kanya sa kolehiyo. Anak siya ni lolo isang mabuting guro at tita niya. Ito rin ang nagbibigay ng allowance nila ng kanyang lolo. Pero hindi sila umaasa sa kanyang tita dahil may pamilya na ito. Nag-aral at pumasok siya sa Romblon State University. Pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral para hindi nakakahiya sa kaniyang tita. Nagtrabaho din siya habang nag-aaral. Tindera sa isang grocery store, na pagmamay-ari ng kanyang tita Amor. Pagkatapos ng klase niya sa school daretso siya sa tindahan. Kahit na siya ay pagod dahil sa maghapon sa school wala siyang choice kundi magtrabaho pag-uwe. Para may pandagdag allowance siya. Nakakahiya kasi na umasa lagi sa kanyang tita. May mga anak din itong pinapaaral. Nagbibigay din ito sa kaniyang lolo. Nasa 4th years college na siya ng sabihin ng kanyang tita na hindi na siya kayang pag-aralin dahil nagkasakit ang asawa nito. Umiyak siya at ng makaawa dahil isang taon na lang at magtatapos na siya. Pero hindi siya napagbigyan ng kanyang tita. Sa kagustohan niya na makatapos ng pag-aaral lumuwas siya ng Manila para magtrabaho bilang isang factory worker. Sumama siya sa kanyang kaibigan at sila ay nagtrabaho sa Manila. Ngunit hindi pa siya nagtatagal sa Manila ng tumawag ang kanyang tita. Pinapauwi siya dahil may sakit ang lolo niya. Gustohin man niya na huwag umuwi pero hindi puwede dahil walang mag-aalaga at kasama ang kanyang lolo. Kaya umuwe siya ng Romblon. Ang pangarap niyang maging isang teacher ay isinantabi niya muna para sa kanyang lolo. Gumuho ang kaniyang mundo ng malaman niya ang tunay na sakit ng lolo niya. Halos hindi siya makakain at makatulog ng ayos. Lung cancer ang sakit ng kanyang lolo. Ginawa niya ang lahat, dinala niya ang kanyang lolo sa Batangas para doon ipagamot. Lahat ng naipon niya ay naubos para lamang gumaling ang kanyang lolo. Ngunit kahit anong gawin nila sadyang wala ng lunas ang sakit ni lolo Tonyo. Bumalik sila ng Romblon na malungkot. Araw-araw pinapakita ng lolo niya na malakas ito at walang nararamdaman. Pero kahit ganon ang pinapakita nito sa kanya. Hindi maalis sa isip niya na anytime ay puwede na itong mawala sa kanya. Patuloy sa pag-agos ng mga luha niya sa mata ng maalala ang kabutihan ng kanyang lolo at pagmamahal nito. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama habang hawak pa rin ang litrato ng kanyang lolo. Nasa gano'ng ayos siya ng bumukas ang pinto ng silid niya at bumungad doon si Kian. Nakangiti itong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Mataman siya nitong tinitigan sa mata at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi. “Hindi masaya si lolo kung saan man siya ngayon. Dahil sa nakikita niya sayo. Sa tingin mo matatahimik siya kung laging ganyan ka.” wika ni Kian sa kanya. “Hindi mo ako naiintindihan masakit sa akin na wala na si lolo dahil siya lamang ang pamilya ko at nagmahal sa akin. Pagmamahal na dapat ay sa mga tunay kung pamilya maramdaman pero hindi. Mahal na mahal ko si lolo, Kian.” patuloy na umiiyak niyang wika kay Kian. “Babe, nandito ako. Mahal kita at hindi kita pababayaan. Tutuparin ko ang pangako ko kay lolo Tonyo. Aalagaan kita at mamahalin hanggang kaya ko. Hindi kita iiwan dahil mahalaga ka sa akin at mahal na mahal kita.” seryoso at puno ng pagmamahal na wika ni Kian sa kanya. “Kian, wala na si lolo. Paano na ako?” nakayukong tanong niya dito. “Babe, hindi ka nag-iisa sapagkat maraming nagmamahal sa iyo. Kaya huwag kang mag-isip ng ganyan. Dahil mula ngayon kasama mo ako. Sasamahan kita sa lungkot at saya. Alam mo bang ginulo mo ang buhay ko mula noo'ng makita kita. Kaya ginawa ko ang lahat para lang makita kita kahit sinusungitan mo ako.” may ngiti sa labing turan nito sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Kian. Kaya naman hinawakan ni Kian ang kanyang pisngi at mataman din siyang tinitigan nito. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagmamahal. Pero sa ngayon hindi pa niya kayang sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman. Natatakot siya na baka katulad din ito ni Dion. Napapikit na lamang siya ng lumapat ang labi nito sa kanyang labi. Tinugon niya ang halik nito. Hanggang naging mapusok na ang halik nito. Naramdaman niya na unti-unting lumalapat ang likod niya sa kama. At ang mga kamay nito ay humahaplos na sa kanyang baywang. Napapikit siya ng mga mata nang pumatong ito sa kanya. Patuloy pa rin ang kanilang halikan. “Mahal na mahal kita, Yza.” bulong nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD