SI JOHANNA mismo ang tumawag kay Eunice. Mataman niyang pinag-isipan ang naging pasya. She had to know. Hindi sa nagdududa siya sa pag-ibig ni Garrett. She just wanted to tie some loose ends. Sinabi ni Johanna kay Garrett ang plano niyang gawin. Nagpasalamat siya nang hindi siya pinagbawalan ng nobyo. Tinanong siya nito kung importante iyon sa kanya. Pinagbigyan na siya nang sabihin niyang oo. Hindi na gaanong nagulat si Eunice nang magpakilala siya bilang nobya ni Garrett. “I’m happy he found someone,” anang babae sa sinserong tinig. Napagkasunduan nilang magkita sa isang coffee shop na malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Eunice. Nalaman ni Johanna na isang taon na palang nakauwi ng Pilipinas ang mag-asawa. Hindi masukat ang kanyang kaligayahan nang malamang kasal pa si Eunice

