bc

Written Between The Lines

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
office/work place
like
intro-logo
Blurb

When your life becomes your manuscript... Can you still choose your own ending?

chap-preview
Free preview
KABANATA I
She was known for writing stories with sad endings. Love was never meant to stay in her pages. When her publisher challenges her to write an erotic romance—something completely out of her comfort zone—she finds herself stuck, uninspired, and afraid of failing. Until one wedding night changes everything. A stranger. One unexpected night. And a story she never planned to live. What begins as inspiration slowly turns into reality, as she writes every stolen moment, every growing feeling—unaware that the line between fiction and life is fading. This time, she’s not just writing a love story. She’s living it. But when your life becomes your manuscript… Can you still choose your own ending? -- KABANATA I "Look what you've done, Junella! Halos mapuno ng negative comment ang librong sinulat mo at biglang bagsak ng rating dahil sa ending na ginawa mo. Hindi ba't napag-usapan na natin 'to? Na gagawin mong happy ending ang project sa pagkakataon na 'to?!" Umuusok ang ilong na sermon ni Bossing—ang manager ng publishing house kung saan ako nagsusulat. Kung siguro 'y nasa labas kami ng opisina ay kanina niya pa 'ko nasapok sa sobrang inis. "Sinabi niyo nga po pero hindi ako nangako at pumayag sa gusto niyo." Paglalaban ko sa sarili at sa librong katatapos palang kagabi. "Kung babasahin niyo ang gawa ko ay puro red flag ang male lead kaya hindi niya deserve ang happy ending—and besides, sir, maituturing na happy ending ang gawa ko dahil sa wakas ay natutunan ng female lead na bumitaw at mahalin ang sarili niya. That's part of her character development." "At ang male lead, he's just a part of development. Hindi naman kailangan ng happy ending na ikakasal ang dalawang main character—" Sarkastiko akong napatawa at iiling-iling. "—Happy ending, ikakasal sabay magiging battered wife ang female lead... Saan ang happy ending doon?" Mariin ipinikit ni Bossing ang mata, hinilot ang sentido na sa sobrang stress sa nangyayari. May point naman ako, hindi ko lang ma-gets kung bakit hindi nila maintindihan ang pinupunto ko. "Pero libro 'to, Junella. Ang gusto ng mga readers ngayon ay happy ending—mga battered wifes, habulan at taguan ng anak! Bat mo ba masyadong sineseryoso ang librong sinusulat mo na para bang totoong may buhay sila?!" "Dahil gusto ko magsulat ng hindi lang basta 'libro'." Wala akong kapangyarihan, simpleng tao lang ako na malawak ang imahinasyon at masasabing may talent sa pagsulat. At ito lang ang magagawa ko, ang gamitin ang pagsusulat ko para buksan ang isip ng hindi lang sa kababaihan—kundi sa lahat na deserve nila ng mga tao na kaya silang tratuhin ng tama. Para malaman na kaya nilang gawin ang mga bagay na sa tingin nila ay hindi nila kaya. "Paano mo sasabihin sa mga readers mo 'yan aber?" Pagsuko niya. "At paano mo aayusin ang gulong pinasok mo?" Nagkibit-balikat ako. "Bossing, hindi ito ang unang beses na nangyari 'to. Kung inaalala na walang magbabasa sa susunod kong isuuslat, hindi mangayayari 'yon—hindi ganon kababaw ang mga readers ko. At kung ganon nga—sana ay matagal ng walang nagbabasa sa gawa ko." Pagpapakalma ko sa kaniya. "Paano ang rating at negative comments?" Nakataas ang kilay niya. "Lilipas din ang mga negative comment..." Sunod-sunod siyang bumuntong hininga bago iiling-iling. "Bantayan mo ng maayos ang 'yan alaga mo, Zeny." Baling nito sa editor ko na kanina pa tahimik sa tabi ko. "Opo, sir." "Oh s'ya, lumabas na kayo at gagawan ko pa ng paraan ang ginawang kalokohan ng isang 'to." Tukoy niya sa akin. "Kung hindi ka lang best seller ay sisipain na kita palabas dito." Ngumiti ako ng pagkalaki-laki. "Maraming salamat, bossing!" "Che!" Inirapan niya 'ko. "May meeting mamaya, siguraduhin mong hindi ka tatakaa." "Opoo." Malambing na sang-ayon ko at nagpadala sa paghila ni Editor Zen palabas ng opisina. TUMAHIMIK ang palagid ng makalabas ako ng opisina ni Bossing, ang mga nag-uumpukan sa gilid ay natigil sa pag-uusap habang ramdam ko ang mga tingin nila na nakasunod sa akin—mga nag-aabang sa susunod kong gagawin. "Dumito ka muna at may gagawin pa 'ko." Paalam ni Editor Zen na may nagbabantang tingin. "H'wag na h'wag kang tatakas, Junella." dagdag pa niya. "Hindi talaga." Tinaas ko ang kanang kamay. "Pangako." Hindi siya sumagot at iniwan ako sa kinanatayuan. Lumakad ako sa bakanteng mesa, inilabas ang laptop at isa-isang binasa ang sunod-sunod na pagpasok ng mga comments sa huling parte ng libro ko. 70-30 70% Puro negative at 30% na medyo positibo. Ganito madalas ang nangyayari, kahit gaano kaganda ang gawa at na-justify lahat kung hindi nila nagustuan ang ending ay bash ang aabutin. Hindi na 'to bago sa akin, katulad nga ng sabi ko kanina ay matagal na 'tong nangyayari. Maraming hindi makaintindi na writer ako—susundin ko ang plot at kung ano ang nasa imahinasyon ko. Kung susundin ko ang sinasabi ng iba, mawawalan ako ng kalayaan at ang boses na ginagawa ko sa bawat sinusulat kong libro. Kung gusto pala nila ng happy ending, bakit hindi na lang sila ang magsulat 'di happy ang lahat! Tahimik akong nakatalumbaba sa mesa, hindi pinapansin ang tingin ng bawat dumaraan sa akin. Siguradong nakarating na sa kanila ang nangyari. Siguradong ako rin ang usap-usapan ngayon ng mga opisina. "Junella, hindi mo sinabi andito ka na pala!" Bungad ni Kristine ng makalapit bago nakipagbeso. "Sa dami ng mata nakasunod sa 'kin mula pa kanina, impossibleng hindi nakarating sa iyo ang balitang kanina pa 'ko andito." Sa chismosang katulad niya... Sobrang impossible. "Heto naman, sobrang seryoso!" Mahina siyang natawa. "Ano na ang nangyari sa 'yo? Siguradong katakot-takot na sermon ang inabot mo kay bossing... Pero malakas ka doon kaya nakakasigurado ako na palalampasin niya lang 'to." Bumuntong hininga ako. "Ayun, pinagpipilitan ulit sa akin ang happy ending na gusto niya." "Sabi na nga ba!" Mahina siyang natawa na tila nang-aasar pa. "Ikaw kasi, sissy, bat ayaw mo ba ng happy ending?" "Hindi babagay ang happy ending sa sinusulat ko." Diretsong sagot ko. Totoo... "Bale sa lahat ng sinulat mo, niisa sa mga 'yon ay hindi bagay ang happy ending?" Tumango ako. Bumuntong hininga siya at iiling-iiling. Hindi na ulit nagtanong sa nangyari dahil wala siyang mapapala--katulad ng dati ay ganon pa rin. "Bat ka nga pala andito?" Tanong ko. Bilang isang writer, hawak namin ang oras ng trabaho--kung kailan kami magsusulat at aalis sa harap ng laptop. Hindi pwedeng madaliin ang update, hindi rin pwedeng patagalin na kulang na lang ay amagin. At dahil doon, malaya kaming nakakagala sa kahit anong oras pero syempre para lang 'yon sa mapera... Katulad ni Kristine na hindi mapirmi. "Nag-email si bossing kagabi. May importanteng announcement raw sa lahat ng writers at editor." Nakangusong sagot niya habang inilalabas ang laptop sa bag. "Siguro ay may pagbabagong gagawin." "Pagbabago?" Nagtataka kong tanong. Teka, bakit parang wala akong alam sa nangyayari... Anong pagbabagong mangyayari? "Hindi pa naman 'to 100% sure. Ang balibalita kasi ay mag-eexplore ng bagong genre na ipupublish sa app at hardbound." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Anong genre naman 'yan?" "Ayun ang hindi ko sigurado..." Kibitbalikat niyang sagot bago dinugtungan ang sinasabi. "Kasi ang napapansin ko, nag-iiba na ang panlasa ng mga mambabasa... Gusto nila steamy, yung pagbuklat, ungol agad." "Huh?" Nakangiwing reaksyon ko. "Ay ewan ko sayo. Ang hirap mong kausap!" Reklamo niya. "Saan mo ba nakukuha ang mga bagay na 'yan?" Itong babaeng 'to. Napakaraming alam! "Naririnig at napapansin ko lang," ani niya hindi inaalis ang tingin sa laptop. "Alam mo, sissy, katulad ng presyo ng bilihin ay nag-iiba din ang panlasa ng tao sa mga binabasa nila." "Dati, mas bet nila ang teen fiction, billionaire romance at taguan ng anak. Ngayon, mas bet nila ang Dark Romance--yung tipo na may sakitan nangyayari. At syempre, steamy scene." Dagdga pa nito. Hindi ako nakaimik. Sakitan at steamy scene? Doon pa nga lang sa sinaktan ng male lead ang female lead, hindi ko na binigyan ng happy ending... Paano pa kaya ang steamy scene? Baka isang chapter pa lang ay lupaypay at himatayin na 'ko. "Oh, medyo delikado ka sa part na 'to dahil hindi mo genre 'to." Komento ni Kristine na tinaas na ang tingin sa akin. "Pero kung bibigyan ka ng ganitong project, wala kang magagawa..." Tama.. Hindi ko forte ang mga nabanggit niya. Sana lang ay hindi mapunta sa 'kin ang ganon genre--sana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
317.7K
bc

Too Late for Regret

read
350.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.8M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
148.7K
bc

The Lost Pack

read
461.8K
bc

Revenge, served in a black dress

read
157.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook