6 MONTHS LATER. MALAKAS ang ulan at ayon sa balita may parating na bagyo. Ala-sais pa lamang ng hapon pero madilim na ang paligid. Naririto sila sa bago nilang bahay, last two months ago lang sila nakalipat. “Inday, ang sir Charlie mo, wala pa ba?” “Wala pa po, Ma’am Clarissa.” “Si Baby Richard tulog na ba?” “Opo, natutulog na, may ipag uutos ka po, Ma’am Clarissa?” “Paki-sabihin mo kay yaya, huwag iiwanan mag-isa sa kwarto si Baby Richard. Malakas ang kulog at kidlat, baka matatakot yon. Maya maya ay aakyat na rin ako hinihintay ko lang ang sir Charlie nyo.” “Opo, Ma’am Clarissa.” Hindi mapalagay si MC, kanina pa siya panay silip sa balconahe dahil anumang sandali ay babagsak na ang malakas na ulan. At kapag hindi agad nakauwi ang asawa ay baka ma-stranded iyon sa daan. Sinusub

