Nag-alala si Charlie kung bakit tahimik ang asawa niya. Nagsimula lang yon pagkagaling nila sa simbahan. “Baby, napagod ka ba gusto mong magpahinga?” “No! Saka huwag mo nga akong kausapin!” napa kunot noo siya sa sagot ni MC. “Nagagalit ka ba sa akin, baby?” “Umalis ka nga sa aking harapan at ayaw kitang makita!” niyakap niya agad ito ayaw niya ng ganito sila. “Sabi ko umalis ka sa harapan ko bakit mo ako niyayakap?” “Baby, gusto kong malaman bakit nagagalit ka sa akin?” “Nakikipag ngitian ka sa mga babae doon sa simbahan! Kaya simula ngayon ako na lang mag-isa ang magsisimba!” “Ha?” “Anong ha? Nakikita kita, panay linga mo sa paligid at nakangiti pa, babaero ka talaga!” natawa siya sa asawa kaya sa halip na bitawan niya ito ay pinatong ang baba sa balikat nito. “Ikaw lang ang

