TAHIMIK lamang na nakatingin si Kendra sa mga kasama niya sa van. "Natitiyak ko mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin,"wika ni Gio na ngiting-ngiti sa tabi niya. "Tama siya Selina magugustuhan mo ang dagat,"pakikisali naman sa usapan ni Aziel. "O-oo,"matipid lang na ani ni Kendra. Saka muli niyang ibinalik ang pansin sa lalaking nagmamaneho. Walang iba kung 'di si Mavy o Timothy. Kahit ano man ang pangalan nito ay maliwanag naman na ito ang mahal niyang asawa. "Masaya ako at magkasundong-magkasundo kayong apat,"wika naman ni Vivian na inayos-ayos ang suot na antipara sa mata. Lihim na naiinis si Kendra sa pasimpleng paghawak-hawak lang naman ng babae kay Mavy! Kaya isang ideya ang naisip niya para kahit paano ay makaganti sa kalandian nito. "May tao!"biglang tili ni Kendra. Kaya upang m

