Chapter 8

1725 Words
“Huyyy! Tobby anong—” Hindi naituloy ni Cherry ang kanyang sasabihin nang bigla niya itong hatakin at takpan ang bibig. “‘Wag kang maingay Chubs, baka marinig ka ni Aileen!” Dahan-dahan na niyang tinanggal ang kamay sa bibig ng dalaga nang tumango ito. “Bakit mo ba kasi siya tinataguan eh mag-kaklase naman kayo? Baka mamaya may kailangan pala siyang itanong sa iyo about sa subjects niyo.” Pinagkrus pa nito ang mga kamay sa dibdib nito. “Wala! Nagpapasama kasi iyan sa akin. Eh ayaw ko siyang samahan, kaya sinabi kong aalis tayo. Ewan ko nga kung bakit pa siya nagpunta sa bahay. Daig pa niya ang girlfriend kung makapagbantay!” nayayamot na sabi niya rito. Tumawa naman si Cherry sabay upo sa sofa. “Halika na rito baka lalo ka pang mahuli riyan sa pinaggagagawa mo. Hindi ka naman siguro ibubuko ni tita Martha kay Aileen.” Nagbubuklat ito ng magazine nang tabihan niya ito sa sofa. Ilang buwan na siyang binubuntot-buntutan ni Aileen— at ang matindi, ipinangalandakan niya sa buong marine engineering na girlfriend niya ito. Kaya naman naiinis siyang lalo rito. Binabansagan tuloy siya ngayong ‘Pabling’ ng mga kaklase. Dahil ang pagkakaalam ng mga ito ay si Cherry ang girlfriend niya. Nagulat pa siya nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Mabuti na lang naka-vibrate mode ito, kung hindi mahuhuli talaga siya ni Aileen. Ang mommy niya ang tumatawag kaya agad nya itong sinagot. “Mommy, bakit po?” tanong niya sa ina. “Nandito sa bahay ang girlfriend mo raw. Sabi niya may usapan daw kayo.” Halatang hindi masaya ang kanyang ina sa tinig nito. “Mom, hindi ko girlfriend iyan. ‘Wag mo po akong ituturo ha. Kasama ko si Chubs, nandito kami sa bahay nila,” sagot niya sa ina. “Sinabi ko nga na kasama mo si Cherry at hindi ko alam kung saan kayo nagpunta. Pero sabi niya hihintayin ka raw niya rito,” tila nangungun-sumisyong turan ng kaniyang ina. “Mom, sabihin mo nagtanan na kami ni Chubs para umuwi na iyan.” Hinampas naman siya ni Cherry ng hawak nitong magazine. “Tita Martha ‘wag mo pong sundin itong si Tobby!”  singit ni Cherry sa usapan ng mag-ina saka pinadilatan si Tobby. “ Sira ulo ka talaga!” Tumawa naman ang kanyang ina sa kabilang linya. “Huh? Ano? Itinanan mo si Cherry? Sige anak magpakarami kayo. Ako nang bahala kay mareng Lucille. Ingat mga anak. Bye!” Rinig na rinig ni Cherry ang sinabi ng ina niya sa telepono. Kaya naman nakatikim na naman siya ng kurot at hampas mula rito. Hindi naman siya makapaniwalang seseryosohin ng ina ang sinabi niya. “Nakakainis ka talaga Tobby! Bakit mo sinabi ‘yon?” Agad niyang nahawakan ang mga kamay nito, at inipit ang mga iyon sa pamamagitan ng pagyakap dito. “Sorry na. Babawi na lang ako sa iyo promise,” malambing niyang saad dito sabay halik sa ulo nito. “Ang asim ng ulo mo Chubs. Maligo ka na nga!”  maya-maya’ y saad niya rito. Dahil sa sinabi niyang iyon, pilit na kumakawala ito mula sa kaniyang pagkakayakap. “Sino naman kasing may sabi sa iyong amuyin mo ‘yang ulo ko? Baliw ka talaga!” asik pa nito sa kanya. Saka ito tuluyang kumawala sa pagkakayakap niya. “Baliw sa iyo! Oh, ‘wag mo na akong bugbugin!” tatawa-tawa niyang sambit habang sinasalag ang mga hampas ni Cherry sa kanya. “Puntahan ko kaya si Aileen sa bahay ninyo ngayon para sabihing nandito ka?” Akmang maglalakad ito patungong pintuan, nang hilahin niya ito upang pigilan. Nawalan siya ng balanse kaya naman natumba sila at nadaganan siya ni Cherry. Ilang Segundo silang nagkatitigan lang. Maya-maya pa’y tinapik niya ito upang patayuin. “Chubs, tayo ka na ang bigat mo!” kunwa’y reklamo niya rito. Agad namang tumayo ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. Habang siya nama’y saglit na naupo sa sahig at nakayuko upang itago ang pamumula ng kaniyang mukha kay Cherry. “Ahm, Tobby, may masakit ba sa iyo? Tawagin ko na ba sila tita?” nag-aalalang tanong nito sa kanya nang hindi man lang siya kumilos. “No, okay lang ako. Ang bigat mo pala talaga!” nakangising saad niya rito para pagtakpan ang totoong nararamdaman niya. “Sure ka?” diskumpyadong tanong pa nito sa kanya. “Oo nga!” Tumayo na siya saka inakbayan ito at sabay na naglakad sila palabas ng bahay ng mga ito para magtungo sa kanilang bahay. “Uyyy, saan tayo pupunta? Baka nandoon pa si Aileen!” Nilingon niya ito at nginisihan. “Kaya nga tayo pupunta roon para mag-pakita kay Aileen. At dahil may kasalanan ka sa akin, magpapanggap kang girlfriend ko.” Saka ngiting-ngiting nagpatuloy sa paglalakad. “Huyyy, sira ulo ka talaga! Ayaw ko nga!” Sabay tanggal nito sa kanyang kamay na nakaakbay rito. “Chubs, hindi ka puwedeng tumanggi dahil may atraso ka sa akin. Ang bigat mo kaya!” sabi pa niya sa kababata at nag-inarteng masakit ang balakang. “Umaarte ka lang eh! Sabi mo kanina walang masakit sa iyo. Ngayon meron na?” nakabusangot na sabi nito sa kaniya. “Sige na Chubs. Hindi ka ba naaawa sa akin? Para tigilan na ako ni Aileen. Please?” nagpapa-awang sabi pa niya rito. Pinagsalikop pa niya ang mga kamay saka akmang luluhod ng pigilan siya nito. “Sige na nga! ‘Wag ka nang lumuhod baliw ka! Tara na nang lumayas na sa buhay mo si Aileen.” Agad nagliwanag ang kanyang mukha saka muling inakbayan ito. “Masaya ka ha! Sige lang sisingilin din kita balang araw, kala mo riyan.” Inirapan pa siya nito. “Thank you sweetheart!” bulong pa niya rito saka nakangiting ipinagpatuloy ang paglalakad nila patungo sa kanilang bahay.. Pagdating nila sa kanilang bahay ay inabutan pa nilang nakaupo si Aileen sa sofa, at mukhang katatapos lang nitong umiyak. Katabi nito ang ina na tila pinapatahan ito. Agad siyang dinaluhong nang yakap nito at tinabig pa si Cherry nang makita sila nito. “Babe, sabi ng mommy mo nagtanan daw kayo niyang matabang babaeng iyan. Sabi ko na at nagbibiro lang si Tita eh.” Pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito about Cherry. Kaya ngayon, seryoso ang kanyang mukha habang kausap ito. “Aileen, listen. Wala namang tayo ‘di ba? Sinabi ko naman sa iyong hanggang friendship lang ang mai-ooffer ko sa iyo, dahil may mahal na akong iba,” sabi niya rito saka nilapitang muli si Cherry at inakbayan. “Si Cherry lang ang mahal ko. Please sana maintindihan mo ‘yun,” mahinaho pa ring saad niya sa dalaga. “Nagbibiro ka lang ‘di ba Tobby? Paano mo magugustuhan ang isang katulad niya? Ang taba-taba niya at parang napabayaan sa kusina!” Panlalait pa nito kay Cherry. Nag-init naman ang ulo niya sa narinig niyang iyon. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, naunahan na siya ni Cherry. “Wow, grabe sa panlalait ha! Tumingin ka na ba sa salamin lately? Try mo gusto mo? May salamin dito sila Tobby eh, ‘yung full body mirror. Saan nga nakalagay ‘yun sweetheart?” kunwa’y tanong pa nito sa kaniya. “And for your information, hindi naman basehan ang physical appearance para magustuhan ka ng isang tao. Maganda ka nga at sexy pero bulok naman ang ugali mo, good luck naman sa iyo girl!” mahaba-habang litanya nito kay Aileen. Tila naman napahiya ang babae, kaya namumutla ang mukhang tumakbo ito palabas ng kanilang bahay. Dali-dali naman nila itong sinundan upang malaman kung umalis na nga talaga ito. Nang makita nilang wala na ito saka sila nag-appear ni Cherry. Nayakap pa niya ang dalaga na tila naman nagulat sa kanyang ginawa. Naputol lang ang pagyakap niya nang marinig niya ang palakpak ng kanyang ina. “Ang galing ninyo talagang dalawa! Puwede na kayong mag-artista. Pero palabas lang ba iyon o totoong kayo na?” mapanuksong tanong ng kanyang ina sa kanila. “Naku tita hindi po! Tinulungan ko lang po si Tobby para tantanan na siya ni Aileen,” atubiling sagot naman nito sa kaniyang ina saka naupo sa kanilang sofa. “Aysus! Totohanin niyo na kaya ng wala ng umeksena?” Hirit pa ng ina niya saka pasimple siyang kinurot sa tagiliran. “Mommy naman eh! Bugbog na nga ako sa hampas at kurot nitong si Chubs, pati ba naman ikaw makikikurot din?” kakamot-kamot sa ulong saad niya rito. Natawa naman ang kanyang ina sa sinabi niya saka siya muling kinurot nito sa kaniyang tagiliran. “Naku, mukhang kapag naging kayo ni Cherry, maa-under ka!” Pang-aasar pa ng ina sa kanya. “Payag naman ako mommy eh. Hinding-hindi ako aangal,” nakangising sagot naman niya sa ina sabay kindat kay Cherry. “Naku po, humirit ka na naman Tobby Ryan!” sabad naman ni Cherry sa usapan nila ng ina. Tumawa pa ang ina niya sa sinabi ni Cherry. ‘Naku rin Cherry kung alam mo lang,’ sabi naman niya sa kanyang sarili. Cherry’s POV… Sa mga nakaraang mga buwan, parang mas lumalalim na ang nararamdaman ko para kay Tobby. Kinikilig na ako sa mga simpleng banat niya na alam ko namang hindi seryoso. Sa simpleng ngiti at gestures nito ay kinikilig talaga ako. Palagi pa rin niya akong sinasabayan pagpasok kahit na hapon pa ang pasok niya. At palagi rin niya akong sinasabayan sa pag-uwi, kahit minsan ay late na akong natatapos. Kaya madalas kaming pagkamalang magkasintahan na hinahayaan na lang namin. Si Aileen lang talaga ang matibay ang sikmurang ipagkalat na mag-jowa sila. Kaya naman kanina naloka ako nang puntahan niya si Tobby sa bahay ng mga ito, at magpakilalang jowa siya ni Toby kay tita. Kaya naman napilitan kaming magpanggap ni Tobby. Ang bruhang babaeng iyon, nilait pa ako! Buti na lang mataas pa rin ang self confidence ko sa sarili. Though kapag si Tobby ang nagsasabing mataba ako ay napipikon ako paminsan. Ewan ko ba, hindi ko talaga siya mabasa. Basta ako, alam kong gusto ko siya. At masaya akong mag-panggap na jowa niya, kahit nga totohanin niya, I really don’t mind at all. Harot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD