Chapter 7

1525 Words
“Hi Tobby! Dito ka rin pala mag-aaral. Anong course mo?” Nilingon niya ang babaeng bumati sa kaniya. Si Aileen iyon, kaklase niya noong high school sila. “Uyyy, ikaw pala Aileen. Marine Engineering, ikaw ba?” nakangiting tanong niya rito. “Talaga? Pareho tayo ng course! Patingin nga baka magkaklase pa tayo.” Inagaw na nito ang schedule niya saka iyon tiningnan. Kitang-kita niya ang pagningning ng mga mata nito nang makita nito ang kaniyang schedule. “Wow! Ang galing magkaklase nga tayo!” tuwang-tuwang sambit nito saka umabrisyete sa kaniya. “Ahm, hehehe bihira sa babae ang kumukuha ng ganitong course ah.” Pasimple niyang tinanggal ang mga kamay nito sa kaniyang braso. Biglang naging uneasy ang pakiramdam niya dahil sa maharot na babaeng nasa kaniyang tabi ngayon. ‘Asaan ka na ba Chubs?’ bulong niya sa kaniyang sarili, sabay nagpalinga-linga pa siya upang hanapin si Cherry. Ayaw na niyang manatili kasama ng babaeng ito. As if on que naman ay nakita niya si Cherry na nagmamadaling maglakad patungo sa kinaroroonan nila ni Aileen. Bigla siyang nabuhayan ng loob nang makita ang dalaga. “Chubs!” Tuwang-tuwa siyang sinalubong ito at agad inakbayan. “Sorry, hinanap ko pa kasi kung saan ‘yung schedule namin eh.” Hinging paumanhin naman nito sa kaniya. Pareho pang nabaling ang atensyon nila nang tumikhim si Aileen. “Ayyy, Chubs si Aileen, natatandaan mo pa ba siya? Dito rin siya mag-aaral and you know what course?” kunwa’y tanong niya sa kababata. “Same as mine,” sabi niya rito. “Ayyy oo! Classmate mo siya ‘di ba no’ng highschool? Nice to see you here Aileen. Ang galing mo naman, bihira ang kumukuhang babae ng course ninyo nitong si Tobby.” Nginitian pa ni Cherry ang dalaga ng ubod ng tamis. “Oo nga eh. Destined siguro na dito rin ako nag-enroll.” Pilit ang ngiting ibinigay nito kay Cherry. Ngunit todo naman ang pa-cute nito sa kanya. “Chubs tara na?” Baling na lang niya sa kababata. “Bigyan mo ako ng copy ng schedules mo ha? Ibibigay ko rin sa iyo ‘yung schedules ko mamaya,” wika niya kay Cherry na tila walang Aileen na nasa paligid. Siniko siya ni Cherry para iparating na nasa harapan pa nila si Aileen. Binalingan naman niya ito saka tipid na ngumiti. Hindi niya kasi gustong makasama ang dalaga. Dahil alam naman niyang matagal na itong may gusto sa kanya. Saka isa pa, ayaw niya sa maarte. “Aileen, mauuna na kami ni Cherry ha? Nice to see you here!” saad niya rito saka akmang maglalakad na palayo nang magsalita itong muli. “Pauwi na ba kayo? Puwedeng pasabay?” Nagkatinginan muna sila ni Cherry saka sabay na sumagot. “Sure!” sabi ni Cherry, samantalang iba naman ang kanyang isinagot. “May dadaanan pa kasi kami.” Sabay napakamot na lang siya ng kaniyang ulo. “Ahm, Aileen, ibig sabihin ni Tobby, puwede ka naman naming isabay. ‘Di ba Tobby?” Nakangiting sagot ni Cherry saka pinandilatan si Tobby. “Ahm yeah, s-sure!” alanganing sagot na lang niya rito. “Yehey! Let’s go na!” maarte pang saad ng babae saka umabrisyete kay Tobby. Nagkatinginan muna sila ni Cherry saka siya nginisihan ng kababata. Alam nitong hindi niya gustong nahahawakan siya ng ibang babae maliban sa kanya. Matalim na tingin lang ang ibinigay niya sa dalaga, saka mas hinigpitan pa ang pagkaka-akbay niya rito Humagikhik naman ito sa kanyang tabi. Nang makasakay sila ng jeep, napagitnaan siya nila Cherry at Aileen. Nakasimangot na siya dahil sa pagkakalingkis ni Aileen sa kanyang braso. Nilingon niya si Cherry na humahagikhik sa kanyang tabi. Sinamaan niya ito ng tingin, at salubong ang mga kilay niyang pabulong na kinausap ito. “Ihuhulog kita riyan Chubs!” Pagbabanta niya rito nang hindi pa rin ito tumitigil sa katatawa. “Sige kapag ginawa mo iyon, maso-solo ka lalo niyang katabi mo!” bulong rin nito sa kanya. “Naiinis na nga ako eh. Help me please? Isang oras ko pang titiisin ito!” naiiritang saad niya kay Cherry. Kinindatan naman siya ni Cherry bago tumikhim. “Tobby, palit nga tayo please. Baka kasi mahulog ako rito eh,” kunway sabi ni Cherry sa kanya. “Sige, baka nga mahulog ka riyan mapagalitan pa ako ng mommy mo,” nakangising sagot naman niya rito.  Nagmamadaling tinanggal ni Tobby ang mga braso ni Aileen na nakalingkis sa kaniya— mabilis na nakipagpalit siya ng puwesto kay Cherry. Sa gulat ni Aileen ay wala na itong nagawa nang si Cherry na ang katabi nito. “May utang ka sa akin Tobby,” bulong pa nito sa kaniya nang sa wakas ay makawala siya kay Aileen. Sabay pa silang napabungisngis nang makita ang pagka-irita sa mukha ni Aileen. “Kahit alilain mo pa ako habang buhay hindi ako magrereklamo.” Sabay akbay niya ulit kay Cherry. “Sarap mo talaga yakapin. Parang unan ang lambot-lambot!” sabi pa niya dito, at pinisil-pisil pa ang mga braso nito. Agad naman siyang kinurot ni Cherry sa kaniyang tagiliran. “Tigilan mo iyang kaharutan mo Tobby, baka gusto mong kay Aileen naman ako makipagpalit para mamolestya ka niya ulit?” Pananakot nito sa kanya. “Huwag! Dito ka lang mas masarap ka katabi kesa sa buto-butong iyan!” Napabunghalit naman ito ng tawa sa sinabi niya. “Ang ingay naman! hindi ako makatulog.” Reklamo naman ng katabi nito. “Sarry!” maarteng sabi ni Cherry saka tumikhim. Hindi na sila muling nag-usap pa at pareho na lang nanahimik sa kanilang mga upuan. Maya-maya pa’y naramdaman na lang niyang bumigat ang kanyang balikat. Nang silipin niya si Cherry ay tulog na tulog na ito sa kanyang tabi. Napangiti na lang siya saka inayos ang pagkakasandal nito sa kanya. ‘Sige lang Chubs, sleep well. Gigisingin na lang kita mamaya.’ Nakangiti pa niyang hinaplos ang mukha nito. Nang malapit na sila sa kanilang bababaan, marahan niyang tinapik sa pisngi si Cherry. Pupungas-pungas naman itong napatingin sa labas saka bumalik sa pagkakasandal sa kanya. Natawa naman siya sa ginawa nito. “Chubs, gising na, malapit na tayong bumaba. Sige ka iiwan kita rito.” Pananakot pa niya dito. “Kaya mo?” tanong naman nito saka umayos na ng upo. “Siyempre hindi!” Nginitian niya ito saka kunwa’y pinunasan ang gilid ng mga labi nito. “Sobrang sarap ng tulog mo, TL ka pa!” nakangising sabi pa niya rito. “Hala, hindi nga?” namimilog ang mata nitong inagawa ang panyo sa kanya. Tinitigan siya nang masama nito nang humagalpak siya ng tawa. Akma itong mangha-hampas nang pigilan niya ito. “Oh, ‘wag mo akong hahampasin— nangangalay pa ‘yang braso ko. Ang bigat mo kasi eh!” saad pa niya rito kaya kinurot na lang tuloy siya nito. “Sadista ka!” angal pa niya saka pumara. Nauna siyang bumaba at inalalayang makababa si Cherry. Tatawa-tawa pa rin siya, habang naglalakad na sila patungo sa bahay nila Cherry. Nakabusangot namang tiningnan siya ni Cherry habang naka-agapay ito sa kanya. “Nasaan na ‘yong schedules mo? Akin na para ma-kopya ko na,” aniya rito habang nakalahad ang mga kamay sa harapan nito, nang nasa tapat na sila ng bahay nila Cherry. “Sa loob na lang. Halika na, para maayos mong ma-kopya at para makapag-miryenda ka na rin.” Nagpatiuna na itong maglakad papasok sa bahay ng mga ito. Pagpasok nila sa bahay nila Cherry, ay agad namang iniabot nito ang notebook, na naglalaman ng schedules nito. Agad niyang kinopya ang schedules nito. Saka kinopya ang schedules niya sa notebook nito. Pagbalik nito sa sala ay may dala na itong juice at sandwich. “Kumain ka muna. Makabawi man lang ako sa kabutihan mo,” sarkastikong sabi nito sa kanya. “Naks! Ang sweet naman! Baka lalo akong mahulog sa iyo niyan!” nakangiting wika niya sa kababata. “Tse! Tigilan mo ako ng mga banat mo Tobby ha?” Sabay irap nito sa kanya. “Okay lang pala Chubs kahit mahulog ako sa iyo,” nakangising saad niya ulit dito. “Tumigil ka na riyan!” saway naman nito sa kanya na may himig ng pagbabanta. “Kahit mahulog ako sa iyo okay na okay lang, kasi malambot ka naman eh. Tatalbog lang ako sa iyo!” Sabay takbo niya palabas ng bahay ng mga ito. “Bye Chubs! Sunduin kita bukas!” Sigaw pa niya nang nasa labas na siya ng bakuran ng mga ito. Narinig pa niya ang naiiritang tili ni Cherry. “Tobbyyyy!!! Buwisit ka talaga!” Kontentong siyang nakangiting naglakad pauwi sa bahay nila. Masaya siyang malaya niyang nayakap si Cherry kanina, habang natutulog ito. Napapangiti pa siya habang binabalikan ang pangyayari sa loob ng jeep. Napaka sarap pagmasdan ng dalaga habang natutulog ito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling haplusin at halikan ang pisngi nito. Kung hindi lang siya nag-aalalang magigising ito, malamang na nahalikan niya ito sa mga labi. Pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang maalala iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD