Isang lingo na ang nakalilipas mula nang huli silang nagkausap ni Cherry. Naka balik na rin siya sa Maynila at nagkausap na rin sila ni Audrey. Naintindihan naman ng babae ang sitwasyon kaya naman maayos ang naging paghihiwalay nila.
Flashback…
Nakipagkita siya kay Audrey pagkadating na pagkadating niya sa Maynila. Gusto kasi niyang humingi ng tawad dito. Nagi-guilty siya sa kanyang nagawa. Alam niyang hindi pa naman ganoong kalalim ang kanilang relasyon, pero ganoon pa man, nakasakit pa rin siya ng damdamin ng iba.
“I’m really, really sorry Audrey. Ang gago ko lang talaga! Niligawan kita kahit pa alam kong may iba ng nagmamay-ari ng puso ko. Sana mapatawad mo ako.” Hiyang-hiya talaga siya sa nagawang kasalanan sa babae.
“Tobby, okay lang talaga ako promise! Mabuti nga at maaga pa lang na-realize mo na agad ang pagkakamali mo. Saka I’m happy na kahit hindi tayo, naging way naman ako para ma-realize mo ang isang napakaimportanteng bagay sa buhay mo. Sana maging masaya kayo,” Nakangiting saad nito habang gagap nito ang kanyang mga kamay. “Huwag kang mag-alala sa akin, makakalimutan rin kita. Makakahanap din ako ng isang kagaya mong loyal magmahal.” Napangiti naman siya sa sinabi nito sa kaniya.
“Thank you Audrey. I owe you a lot!” Tumayo siya saka niyakap ang dalaga.
Gumaan na ng husto ang kaniyang kalooban matapos ng pag-uusap nilang iyon ng dalaga. Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang lalamunan. Now what’s next?
End of Flashback…
Kaya naman ngayong maayos na ang lahat, haharapin na niya si Cherry. Sasabihin na niya rito ang tunay niyang nararamdaman para rito. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang kanyang nararamdaman. Ang bilis-bilis din ng kabog ng kanyang dibdib, na hindi niya maipaliwanag. Siguro dahil ito sa excitement na nararamdaman niya no’ng mga oras na iyon.
Pauwi na siya ngayon sa Zambales at hindi mapuknat ang kaniyang ngiti sa kaniyang mga labi. Excited na siyang mayakap at masabi kay Chubs ang kaniyang pagmamahal na kay tagal niyang inalagaan para rito.
‘Chubs, wait for me sweetheart. Ngayong araw, sisiguruhin kong magiging akin ka. Hindi ako papayag na hindi tayo magkaayos. Konti na lang sweetheart, nandyan na ako!’ Kinikilig pa niyang saad sa kanyang isipan. Hindi niya akalain na ang mga lalaki pala’y kinikilig din.
Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang ina, upang ipaalam ang kanyang pagdating. Hindi kasi niya sinabi sa mga itong uuwi siya ngayong araw. Napangiti naman siya nang makita ang kanyang ama’t ina na nag-uusap sa sala.
“Mom, dad, I’m home!” Malapad ang kanyang pagkakangiti na agad din namang napawi nang makita ang mga itsura nito.
“Oh, bakit parang namatayan yata kayo?” Umupo pa siya sa tabi ng kanyang ina.
“Tobby, anak—” malungkot na saad ng kanyang ina habang nakatitig sa kanya.
Tila katatapos lang din nitong umiyak. Bigla naman ang pagtahip ng kanyang puso na hindi niya mawari kung para saan.
“Nasa hospital si Cherry anak. Malubha ang kalangayan niya.” Napatingin siya sa kanyang ama at tila hindi makapaniwala sa narinig.
“H-hindi totoo ‘yan. S-sabihin niyong nagbibiro lang kayo,” nanginginig ang boses na sabi ni Tobby sa mga magulang niya.
“Tobby, anak totoo ang narinig mo. Critical si Cherry at nasa hospital siya ngayon.” Umiling-iling pa si Tobby habang pinakikinggan ang ina.
“No mom, hindi iyan totoo! Okay si Cherry—” Tumayo na siya at dire-diretsong lumabas ng kanilang bahay.
“Tobby!” narinig pa niyang sigaw ng kanyang mga magulang.
Ngunit hindi na niya ito pinakinggan pa. Ang tanging nasa isip niya ay ang mapuntahan agad ang dalaga. Agad siyang nagtungo sa hospital matapos marinig ang sinabi ng kanyang mommy. Hindi puwedeng iwan siya ni Cherry. Hindi pa niya nasasabi rito kung gaano niya ito kamahal. Kailangang magising ito.
‘Chubs, ‘wag na ‘wag mong susubukang iwan ako. Hindi ko pa nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Hindi mo ako puwedeng iwan na lang matapos mo akong paibigin babae ka!’ bulong pa niya sa sarili habang nagmamaneho patungong hospital.
Matagal na niyang alam na mahal niya ang kababata niya. Simula pagkabata, gustong-gusto na niya ito. Ilang beses na niyang sinubukang sabihin dito ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero hindi siya nito siniseryoso, at pinagtatawanan lang siya nito.
‘Lord please ‘wag mo munang kunin si Chubs. Mamahalin ko pa po siya eh. Alam kong mapang-asar akong tao pero mahal na mahal ko ‘yung tabaching-ching na iyon. Promise po magpapakabait na po ako magising lang siya.’ Dalangin niya sa Panginoon.
“Tobby!” Agad siyang sinalubong ng tita Lucille niya nang makita siya nito.
“Tita, how’s Chubs po?” nag-aalalang tanong niya sa ina ni Cherry.
“She’s in comma hijo. Sabi ng mga doctor, nagkaroon ng complication during the operation. Bakit ba naman kasi naisipan pa niyang magpa-opera? Okay naman kasi ang katawan niya eh,” naiiyak na saad ng ina nito.
‘Chubs naman bakit mo naman ginawa iyon? Sabi ko naman sa iyo ‘di ba mamahalin pa rin kita kahit na mataba ka?’ bulong pa niya sa kanyang sarili.
“Tita tahan na po. Magigising din po si Chubs.” Hinaplos niya ang mommy ni Chubs sa likuran nito.
‘Kasalanan ko ito eh! Kung hindi dahil sa akin baka hindi niya iisiping mag-undergo ng operation.’ Paninisi niya sa kanyang sarili.
Maya-maya’y nakita niya sina Jenny at Althea na humahangos. Agad niyakap ng dalawa ang mommy ni Cherry. Iyak din nang iyak ang mga ito habang humihingi ng tawad sa ginang.
“Tita, sorry po talaga! Kasalanan ko po ito eh. Kung hindi ko tinukso si Cherry at ipinakita ang picture ng ka-trabaho ko, hindi naman siya magpapa-lipo eh!” Humihikbing sabi ni Althea sa ina ng dalaga. Hinaplos naman ng ginang ang mukha nito at nginitian.
“Althea, tama na. Huwag ka ng umiyak anak, walang may gustong mangyari ito kay Cherry. Nangyari ang bagay na ito, dahil ginusto rin naman ng anak ko. Kaya ‘wag niyo ng sisihin ang mga sarili niyo okay?” mahinahong saad nito sa mga ito saka muling niyakap ang dalawang dalaga.
“Tita, kailan daw po ba siya magkakamalay?” tanong naman ni Jenny, matapos kumalas nito mula sa pagkakayakap ng ina ni Cherry.
“Sabi ng doctor, hindi raw nila masasabi kung kailan. Let’s just pray that she wakes up soon,” naluluhang sambit ng ginang.
“Tita, ‘wag ka na pong umiyak. Hindi gugustuhin ni Chubs na makita kang umiiyak,” pang-aalo naman niya rito saka inalalyan ng maupo ito.
Tanging dasal na nga lang talaga ang makapagliligtas kay Cherry. Nang lumabas ang doctor nito, sinabi sa kanilang makakatulong kung kakausapin nila si Cherry, kahit wala pa itong malay. Kaya naman iyon ang kanilang ginawa.
‘Lord, please heal my Chubs. Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala si Chubs sa buhay ko. Mahal na mahal ko po siya. Napakarami ko pang plano para sa aming dalawa. Please po Lord, heal her.’ Tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi pagkasambit noon sa kaniyang sarili.
Agad niya iyong pinahid at pilit nagpakatatag. Inisip niyang hindi ikatutuwa ni Cherry kapag lahat sila ay malungkot. Isa pa kailangan niyang ipakita sa magulang niya at sa mommy ni Cherry na matatag siya. Kahit pa ang totoo ay weak siya ng mga sandaling iyon.