Chapter 15

1607 Words
Araw-araw siyang nagpapabalik-balik sa ospital upang dalawin ang dalaga. Kaya naman nang araw na iyon, tinungo niya ang kwarto kung nasaan ito upang silipin. Hinaplos niya ang mukha ng natutulog na si Cherry. Tumulo ang kanyang luha habang tinititigan ito. “Chubs, gumising ka na riyan please. ‘Wag mo na akong takutin. Pangako paggising mo riyan, hindi na kita aasarin kahit kailan. Kahit alilain mo pa ako papayag ako, basta bumangon ka na lang riyan. Nag-aalala na kaming lahat para sa iyo. Six months ka nang nakahilata riyan oh. Kita mo ang payat mo na. Hindi ka na masarap yakapin niyan.” Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha habang kinakausap ito. “Chubs, gising na. Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo na mahal na mahal kita. Ang daya mo naman eh. Walang iwanan, madami pa akong patutunayan sa iyo. Kapag, hindi ka pa gumising diyan, hahalikan kita. Hindi ako nagbibiro!” Napangiti pa siya saka pinahid ang mga luha. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha ng natutulog na si Cherry. Pumikit siya saka buong pagmamahal na hinalikan niya sa gilid ng mga labi nito si Cherry. Ilang segundo niya rin inilapat ang mga labi niya roon. Nagbabaka-sakali siyang parang sa fairytale, gigising ang prinsesa kapag hinalikan ng prince charming niya. “Mahal na mahal kita. Please wake up Sweetheart,” bulong pa niya rito habang hawak ang kamay ni Cherry, at nakadikit ang noo sa sintido nito. Napamulat siya nang pinisil nito ang kanyang kamay. Namilog ang mga mata niyang tiningnan ang magkahugpong nilang mga kamay. Pagtingin niya sa mukha ni Cherry gumalaw rin ang talukap ng mga mata nito. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. “Cherry? Teka sweetheart, tatawagin ko ang doktor mo,” natatarantang saad niya rito. Aalis sana siya upang tawagin ang doctor, ngunit hindi siya binitawan ni Cherry. Kaya naman ang intercom na lang ang kanyang ginamit, para papuntahin ang doktor sa silid ni Cherry. “Chubs, ‘wag kang pipikit please stay with me, darating na ang doktor mo.” Hinalikan pa niya ito sa noo habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Ilang saglit pa at pumasok na ang doctor. Doon lang siya dumistansya kay Cherry para matingnan ito ng doctor. Abot-abot din ang kanyang panalangin habang nakatingin kay Cherry. ‘Lord thank you po! Thank you sa pagdinig mo ng panalangin ko!’ Impit na dalangin niya. Biglang nagkagulo sa loob ng silid na iyon at agad siyang pinalabas ng mga nurses. Ang huling tagpong nakita niya, ay no’ng sinusubukang i-revive ng mga doktor si Cherry. Kinabahan siya nang makita iyon at agad nangilid ang luha sa kanyang mga mata. “Cherry!” tanging naisigaw niya. Kasabay noon ay nanghihinang napasandal siya sa pader habang umiyak. Isinara na ng mga nurses ang pintuan ng silid ng dalaga. “Tobby, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ng tita Lucille niya na humahangos na lumapit sa kanya. Agad niyang niyakap ito at doon ibinuhos ang kanyang nararamdaman. “Tita, hindi ko rin po alam eh. Nagising si Cherry tapos tinawag ko ang mga doktor. Then after that, pinalabas nila ako. Ang huli kong natatandaan ay nire-revive nila si Cherry,” humihikbing salaysay niya sa ginang. ‘Damn, kalalake kong tao kung makahagugulhol ako daig ko pa ang babae! Lakas makabakla!’ sambit pa niya sa kanyang sarili. “Tita, I’m scared. What if iwan na tayo ni Cherry? Tita hindi ko pa naaamin sa kanya na mahal ko siya.” Wala na siyang pakialam kung aminin man niya ngayon sa ina ng kababata niya ang tunay niyang nararamdaman para sa anak nito. “Tobby, huwag kang mag-alala, magiging okay rin ang lahat. Masasabi mo rin sa anak ko iyang nararamdaman mo,” nakangiting saad ng mommy ni Cherry kahit pa lumuluha na rin ito sa kanyang harapan. “Mrs. Vergara?” Sabay pa silang napalingon sa doktor na tumingin kay Cherry. “Doc, how’s my daughter?” agad na tanong ng ina ni Cherry nang makalapit sila rito. “Your daughter is doing fine. Na-revive na namin ang pasyente. I think nakatulong ang pagkausap ng binatang ito, sa anak ninyo Misis.” Malapad ang pagkakangiti ng doctor sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag at napapikit. ‘Thank you Lord, muli mong dininig ang panalangin ko sa inyo,’ niusal pa niya bilang panalangin. “Thank you po Doc!” Tila nabunutan naman siya ng tinik sa kanyang lalamunan. “Thank God! Thank you po doc!” Masayang nagpasamat din ang tita Lucille niya sa doctor ng anak. “You’re welcome. But no visitors muna, we still have to monitor her vitals within twenty four hours. Pero bukas, we can transfer her in a private room para mabisita niyo na siya,” nakangiting imporma ng doctor sa kanila saka ito nagpaalam. Dahil sa labis na katuwaan, nayakap niya ng buong higpit ang ina ni Cherry. Lubos ang kanyang kaligayang nadarama. Kaya naman, nagpaalam muna siya sa ina ng dalaga na uuwi’t ibabalita sa mga magulang ang kalagayan nito. Tinanguan naman siya ng ginang bago siya tuluyang umalis ng hospital. “Anak ang aga mo yata? Kumain ka na muna para hindi ka gutumin sa ospital,” turan ng kanyang ina nang makita siya nitong palabas sana ng kanilang bahay. Agad naman siyang lumapit sa ina at humalik sa pisngi nito. Niyakap pa niya ito nang mahigpit na ikinatawa naman ng kaniyang ina. Maya-maya pa’y bumitiw na rin siya rito saka hinarap ang ina. “Mommy, mamaya na ako kakain. Gusto kong ako ang unang makikita ni Chubs paggising niya eh,” nakangiting wika niya rito. “Ay sus! Baka naman bukas makalawa, ikaw naman ang dinadalaw namin sa ospital anak?” Nilapitan niya itong muli at niyakap. “Hindi po mommy. Ngayon pa ba? Eh gising na si Chubs!” nakangising saad niya sa ina. “Oh, siya sige. Kung talagang ayaw mong kumain sige. Sabihin mo na lang sa tita Lucille mo na dadalaw na lang kami bukas kay Cherry ha?” Hinalikan siya ng ina sa kanyang pisngi, bago siya tuluyang lumabas ng kanilang bahay. Masayang-masaya si Tobby nang dalawin niya si Cherry sa hospital. Ngayong magaling na ang dalaga, uumpisahan na rin niya ang panunuyo rito. Ngunit sa kanyang pagkabigla, pagpasok niya sa silid ng dalaga, ay may kayakap itong isang lalake. Parang tinadyakan ng sampung kabayo ang kanyang dibdib sa kanyang nakita. Lalo na nang makita niya kung paanong nagniningning ang mga mata ni Cherry ng mga sandaling iyon. ‘Hindi ito maaari. Pambihira ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang paghihintay ko!’ determinadong saad niya sa kanyang sarili. “Oh, Tobby, anong ginagawa mo riyan sa pinto? Halika na nga sa loob!” Si Jenny iyon na kararating lang din at may dala pang prutas. Hindi na siya nakaimik nang hilahin siya nito, lalo na nang tumingin sa kinaroroonan nila sina Cherry at ang lalakeng kayakap nito, na walang iba kundi si RJ. Tumikhim siya saka ngumiti kay Cherry. “Good Morning Chubs!” masiglang bati niya sa dalaga habang tinanguan naman niya si RJ.  Inilapag niya ang dalang mga bulaklak sa tabi ni Cherry, saka siya naupo sa kabilang bahagi ng kama nito. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga habang titig na titig siya rito. “Aherm, ‘tol, Cherry, mauuna na ako,” maya-maya’y pukaw ni RJ sa kanila. “Pagaling ka kaagad ha?” Kinindatan pa nito si Cherry bago ito tumalikod sa kanila. “Ahm, sige RJ. Thank you sa pagdalaw, ingat ka sa pag-uwi,” nakangiting tugon naman ni Cherry sa kaibigan. Selos na selos man ay nagtimpi na lang siya ng kanyang nararamdaman. Hindi kasi iyon ang tamang oras para sa kaniyang selos. Mas importante ang kumustahin niya si Cherry. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” masuyong tanong niya sa dalaga. “Eto medyo nanghihina pa pero so far okay naman na ako,” nakangiting saad nito sa kaniya. “Mabuti naman kung ganoon. Na-miss kita. Huwag mo na uling uulitin iyon ha? Tinakot mo ako Chubs.” Kinuha niya ang kamay nito saka iyon hinalikan. Nakatitig lang sa kaniya si Cherry habang hinahalikan niya ang kamay nito. Tipid itong ngumiti saka umiling. Masuyo niyang hinila ito at pinaloob sa kaniyang mga bisig. Miss na miss talaga niya ang dalaga. Cherry’s POV… My Goodness! Muntik na akong mategi dahil sa kagagahan ko. Mabuti na lang at hindi pa ako tinuluyan ni Lord. Paano na lang kung tinuluyan niya ako, eh ‘di bye, bye na sa earth? Hayyy ang jonget no’n, hindi ko man lang mai-spread ang kagandahang lahi ko.   Habang in comma ako, may isang boses akong narinig na kumakausap sa akin. Umiiyak siya at sinasabing mahal na mahal niya ako. Sinabi pa nga niyang hahalikan niya ako kapag hindi ako gumising. At mga sis, hinalikan nga niya ako sa gilid ng mga labi ko! Kaso paggising ko, tanging mga doctors and nurses na lang ang nakikita ko sa paligid. Wala na ang lalakeng kumakausap sa akin at kahawak ko ng kamay. Hindi ko alam kung sino iyong lalakeng umiiyak. Maaari kayang si Tobby iyon? Pero imposible kasi ‘di ba nga may girlfriend na siya? Kaya nga ako nagpakagaga sa liposuction na iyan eh. Kailangan ko ng ayusin ang buhay ko. Mukhang hindi kami ni Tobby ang para sa isa’t isa kaya hindi ko na iyon ipagpipilitan pa. Magiging masaya na lang ako para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD