Ilang araw ng nakakauwi si Cherry sa bahay nila at patuloy na nagpapahinga. Dinadalaw rin siya ng mga kaibigan paminsan-minsan. Habang si Tobby naman ay halos sa kanila na tumira. Natutuwa naman siya sa ipinapakitang pagmamalasakit at pag-aalala nito sa kaniya. Ngunit sa kabilang banda, nalulungkot pa rin siya sa isiping may kasintahan na ito.
Si RJ naman ay nanatiling kaibigan niya. Bago pa man mangyari ang insidenteng nagpabago ng buhay niya ay nag-usap na sila nito. Alam na rin nitong si Tobby ang mahal niya, kaya naman nagparaya na lang ang binata. Araw-araw rin kung dalawin siya nito. Pero napapansin niyang kapag nandoon si RJ ay umaalis si Tobby.
“Chubs, may dala akong biko gawa ni mommy!” Nilingon niya si Tobby na kapapasok lang ng kanilang bahay. Nasa sala siya ngayon at nagbabasa ng bagong labas na lifestyle magazine.
“Sige Tobby, pakisabi kay tita, thank you!” sabi pa niya rito saka ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng magazine.
Umupo naman ito sa kanyang tabi saka siya inakbayan at marahang yakapin nito. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nitong pagyakap sa kanya. Napakagat labi na lang siya dahil tila nagwawala ang kanyang puso, at gustong kumawala sa kanyang dibdib. Kakaibang sensasyon ang hatid nito sa kanya.
‘Tobby ano ba ‘yang ginagawa mo? Okay na eh moving on na ako sa iyo eh. Tanggap ko na ngang may jowa ka, kaya please lang ‘wag mo na akong pahirapan pang muli!’ kausap niya sa kanyang sarili. Pinilit niyang kumawal mula sa pagkakayakap nito. Pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.
“Can we just stay this way a little bit longer?” halos pabulong pang saad nito sa kaniya, habang nakadikit ang labi nito sa kanyang tainga. Nagdulot iyon ng kakaibang kilabot sa kanyang katawan.
“Tobby, puwedeng magtanong?” maya-maya’y naglakas loob siyang magsalita.
“Hmmm?” Para namang musika sa kanyang tainga ang pag-ungol nito.
‘Focus Cherry, ano ka ba? Hindi na nga puwede ‘di ba? Taken na kaya magtigil ka riyan!’ Pagalit niya sa kanyang sarili.
“Ahm, wala ka bang work ngayon? Or mas tamang tanong eh, may trabaho ka pa ba? Kasi parang halos dito ka na tumira eh.” Tiningala niya ito para makita ang itsura nito.
“Wala na,” maikling sagot nito. Nabitin naman siya sa sagot nito. Kaya naman tinaaasan niya ito ng kilay at tila sinasabing, explain further please.
“Wala na akong work simula nang ma-hospital ka. Kaya kasalanan mo!” nakapikit pang sagot nito sa kaniya.
Namilog naman ang kaniyang mga mata saka niya pinalo ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Nagmulat naman agad ng mga mata ito saka nakangising tiningnan siya nito.
“Bakit? I mean bakit wala ka ng work? Tinanggal ka ba nila?” nag-aalalang tanong niya rito. Tumawa naman ito saka pinisil ang kaniyang ilong. “Silly! Nag-resign na ako,” matipid pa ding sagot nito.
“Tobby Ryan, puwede bang pakihabaan naman ng explanation mo? Nakakabitin ang mga sagot mo eh! Nabibitin ako!” Umayos na ito ng upo saka tumatawang humarap sa kanya.
“Nag-resign po ako kasi hinihintay ko lang ‘yung pagsampa ko ng barko. Yes, Chubs, sasampa ako sa barko at doon magta-trabaho. Four months on, two months off. Mabilis lang naman ‘yun eh. ‘Wag kang mag-alala babalikan naman kita eh,” nakangising saad pa nito sa kanya.
‘Teka ano raw? Babalikan niya ako? Bakit? Ang gulo talaga ng lalakeng ito!’ sambit niya sa kanyang sarili.
“Alam ba ng girlfriend mo na aalis ka? Saka buti hindi ka no’n nami-miss, eh halos hindi ka na lumuluwas ng Maynila,” kunot-noong saad pa niya rito. Malawak naman ang mga ngiting sumandal ito sa sofa.
“Wala naman akong girlfriend eh.” Sinulyapan niya ito at tatawa-tawa lang ito habang nakatingin sa kanya.
“Ikaw talaga Tobby, puro ka kalokohan!” Hinampas pa niya uli ito. Mataman naman siyang tinitigan nito bago magsalita.
“Sa ngayon, wala akong girlfriend. ‘Yung taong gustong-gusto ko kasi, hindi naniniwala kapag sinasabi kong gusto ko siya. Manhid yata ‘yon eh!” Ngumiti pa ito sa kanya saka tumayo. “Chubs, uuwi na ako. Magpahinga ka na rin. Hindi ka pa dapat nagkikikilos masyado,” bilin pa nito sa kaniya, habang siya naman ay hindi pa nakakabawi sa mga sinabi nito.
Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Saka hinalikan siya sa gilid ng kanyang mga labi. Pinagdikit pa nito ang mga noo nila saka ngumiti ng nakakaloko.
“Bye Chubs. Babalikan kita pangako. Hjkjhlljhhkk.” Dahil sa pagkabigla hindi niya masyadong naintindihan ang mga sinabi nito.
Nang tumayo na ito ng maayos ay ngumiti lang ito saka siya kinindatan at naglakad nang palayo. Habang siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa naganap sa pagitan nila. Hinalikan nga ba siya nito sa gilid ng kanyang labi? Saka ano ba iyong huling salitang sinabi nito sa kanya? Gulong-gulo na ang kanyang isipan. Ginulo ni Tobby!
Tobby’s POV…
Nakapag-usap na kami ni RJ noong huling beses siyang dumalaw kay Cherry. Sinabi nitong wala akong dapat ipag-alala dahil magkaibigan lang daw sila ni Chubs. Tuwang-tuwa naman ako sa nalaman ko syempre. Wala naman pala akong dapat ipag-alala. Hindi ko pa rin kasi nasasabi kay Cherry ang totoong nararamdaman ko. Hindi dahil sa naduduwag ako, ayaw ko lang siyang biglain dahil kalalabas lang inya ng ospital.
Kaya naman araw-araw akong matyagang dumadalaw sa kanya. Una dahil na-miss ko ‘tong tabaching na ito. ‘Yun nga lang hindi na siya kasing flabby kagaya ng dati, dahil pumayat ito buhat nang ma-ospital siya. Pero masarap pa rin naman siyang yakapin.
Nagtanong siya kanina tungkol sa girlfriend ko, sinagot ko naman iyon ng buong katotohanan, at walang halong biro. Pero ewan ko ba kay Chubs, hindi niya ako pinaniniwalaan. Kaya tuloy nang magpaalam ako, hinalikan ko siya at sinabing babalikan ko siya. At mahal na mahal ko siya. Hindi ko lang alam kung narinig niya ‘yun. Kasi halos pabulong ko lang sinabi iyon. Hehehe. Iniwan ko siyang tulala sa kinauupuan niya. Sana ma-gets na niya ‘yung sinabi ko sa kanya.
Ewan ko ba naman kasi kung bakit napakamanhid ng babaeng iyon. Minsan nga iniisip kong nagkukunwari lang ito. Pero hindi eh, kapag sinasabi kong gusto ko siya ay tinatawanan lang ako. Hayyy, paano na lang kapag nagtapat na ako sa kanya? Baka pagtawanan lang niya ako. Nakakababa ng ego ‘yun ha. Bahala na nga, basta magtatapat din ako sa kanya soon. Kaya ‘wag kayong mainip.
Cherry’s POV…
Nakakaloka talaga itong si Tobby. Ninakawan na ako ng halik, ni hindi man lang nilinaw kung ano ‘yung huling sinabi niya. Tuloy ngayon mabaliw-baliw na ako sa kakaisip. Ang isa pang palaisipan, ay ‘yung sinabi niyang may gustong-gusto siya, kaso manhid yata at palaging inaakalang biro ang mga sinasabi niya.
Hindi kaya ako iyon? Kasi ganoon ako sa kanya eh. Pero imposible namang ako iyon. Pero sabi rin niyang babalikan niya ako eh. Nag-promise pa nga siya eh. Bakit naman niya ako babalikan? Eh bakit nga ba kailangan niya akong balikan? Kasi naiwan niya ako? Ehehehe, ang corny ko! Sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Kakapiranggot pa man din ang utak ko. Baka ma-over use patay na! Mag-malfunction bigla lalong magkanda-letse-letse.
Hayyy, nandyan lang naman siya sa katapat bahay. Aalamin ko na lang sa kanya kapag fully recovered na ako. Mahirap na baka hindi ko kayanin kapag ngayon ko siya tanungin tungkol doon. Haller? Syempre kakalabas lang ng ate niyo sa hospital. Pagaling muna tayo mga sis.
Saka na ang landi kapag kaya ng lumandi uli. In fairness naman sa pagkaka-ospital ng ate niyo, achieve ko na ang payat looks. Pero hindi pala maganda sa akin. I miss my flabby body. Kaso hindi na ako puwedeng lumamon sabi ni doc. Sabi niya dapat eat healthy raw. Syempre susunod tayo mga ate sa sabi ni doc at baka mapalo tayo sa puwet. Hehehe.