Chapter 17

1550 Words
“Beshy, kumusta ka na? Baka mamaya bumuka ang mga sugat-sugat mo riyan ha!” tanong ni Althea sa kanya. Tatlong buwan na simula no’ng makalabas siya sa ospital. “Sira! Okay na ako sabi ni Doc,” natatawa namang sagot niya sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa park sa may bayan ngayon dahil nauuta na siya sa bahay nila. “So ibig sabihin makakabalik ka na sa work?” excited na tanong ulit nito sa kaniya. Magkasama na kasi sila sa restaurant kung saan siya nagta-trabaho dati. Nag-resign kasi ito sa dating pinapasukan dahil sa ilang issue. Knowing her friend, ayaw nito ng ma-issue sa buhay, kaya hangga’t maaari ay siya na ang umiiwas. “Kung ba tatanggapin pa rin ako roon eh. Ang tagal ko kayang nawala ‘no!” nakangiting sagot niya rito. “Gaga! Siyempre naman tatanggapin ka pa rin doon. Wala naman silang hinire na kapalit mo eh. Saka nami-miss ka na nila sa restauran,” sabi pa nito habang umiinom ng s**o’t gulaman. “Talaga? Sige babalik na ako bukas na bukas din!” nagbibiro niyang wika sa kaibigan. “Luka-luka! Basta bumalik ka roon para naman magkasama na tayo sa work.” Bahagya pa siya nitong hinampas sa kaniyang balikat, na ikinatawa naman niya. “Nasaan nga pala si Jen? Bakit parang hindi ko na napagkikita iyon lately?” tanong niya sa kaibigan nang mapansing wala si Jenny roon. “Ayyy, ewan ko nga sa babaeng iyon! Sabi niya kanina hahabol siya kasi may lalakarin pa raw siya. Ewan kung ano iyon, ang sabi lang niya basta raw.” Nagkibit balikat pa ito habang sinasabi iyon sa kanya. “Hmmm, ma-iba nga pala ako. Kumusta na kayo ng kababata mong si Tobby?” pag-iiba nito ng usapan. Agad naman siyang napasimangot at napabuntong hininga. Ikinuyakoy pa niya ang paa sa ilalim ng upuan. Tumingin siya sa malayo bago sagutin ang tanong ni Althea. “Ewan ko sa kulugong iyon. Pagkatapos niya akong banatan ng mga weird niyang salita, aba nilayasan ako! Ayun nasa barko ngayon. Lintek na lalakeng iyon! Ni hindi ko pa nga nalilinaw sa kanya ‘yung mga sinabi niya eh!” salubong ang mga kilay niyang saad sa kaibigan. “Ano ba kasi iyong sinabi niya sa iyo?” tanong naman ni Althea. Ikinuwento naman niya rito ang sinabi ng kababata bago ito nag-disappear. Tatango-tango na lang si Althea sa kanya. Naiinis talaga kasi siya kay Tobby, ni hindi nagpaalam ng maayos na aalis na pala siya, at iyon ang huling araw na magkakausap sila. Kung hindi pa siya nagpunta sa mga bahay ng mga ito, para isoli ‘yung tub na pinaglagyan ng biko ng mommy nito, hindi pa niya malalamang kaaalis lang nito patungong airport. Tandang-tanda pa niya ang naging reaksyon niya noon. Naiyak pa siya sa harapan ng mga magulang nito. Hindi naman niya ma-explain kung bakit siya umiyak no’n. Flashback… Napag-isipan ni Cherry na ibalik ang tub na pinaglagyan ng biko sa bahay nila Tobby. Magpapasalamat na rin siya ng personal sa mga ito. Noong hindi pa kasi siya nagigising ay dinalaw rin siya ng mga ito sa ospital. Mabilis siyang nag-ayos at nagpaganda para naman mapansin siya ni Tobby. At dahil pumayat na siya ng bongga, wala nang halos magkasya sa kanyang mga damit. Mabuti na lang at may mga naitabi pa siyang jogging pants na de garter at may tali. Kaya naman iyon na lamang ang kanyang isinuot at isang may kalakihang t-shirt. Pagdating niya sa bahay ng mga ito, tanging ang tita Martha niya ang nadatnan niya roon at walang Tobby sa paligid. Nagtaka naman siya dahil hindi rin naman ito dumaan sa bahay nila ngayon. Maliban na lang kung nagpunta iyon ng mas maaga. Tanghali na kasi siya bumangon eh. “Tita, isosoloi ko lang po itong tub. Maraming Salamat po sa napakasarap na biko!” nginitian pa niya ito ng ubod ng tamis. “Ay sus! Gusto mo pa ba? Mayoron pa ako rito.” Nakangiting inabot ng ginang ang tub mula sa kamay niya, saka siya nito ipinaghanda ng biko sa platito. “Ahm, tita si Tobby po?” kapag kuwan ay tanong niya rito. Tumingin naman ito sa kanya at parang nagulat. “Hindi ba siya nagpaalam sa iyo? Sabi niya kanina nagpaalam daw siya sa iyo kahapon, at kanina naman ay maaga siyang nagtungo sa bahay ninyo kaso tulog ka pa raw.” Nakakunot-noo naman siyang napailing habang ngumunguya ng biko. “Hindi po siya nagpaalam sa aking kahapon. Ang sabi lang niya—” Doon na siya naiyak. Sinabi nga pala nitong babalikan siya nito. ‘Ang daya mo Tobby! Hindi mo man lang sinabi sa akin na aalis ka na ngayong araw. Nakakainis ka talagang lalake ka!’ sabi niya sa kaniyang sarili habang pinapahid ang mga luha. “Oh, Cherry naku ‘wag kang umiyak anak. four months lang naman siya sa barko anak.” Nilapitan siya ng ginang at hinimas ang kanyang likod. “Ang daya naman kasi niya tita eh! Sinabi niyang hinihintay pa niya ang sampa niya, pero paaalis naman na pala siya!” humihikbing sabi niya rito. “Alam mo naman ‘yung anak kong iyon hija. Maski sa amin no’ng nakaraang linggo lang niya sinabing aalis na siya. Pasaway talaga ang batang iyon! Pero ano bang sinabi niya sa iyo?” curious na tanong ng ginang saka siya naupo sa tabi nito. “Sabi niya po babalikan niya ako. Nag-promise pa nga po siya eh. Tapos hindi ko naintindihan ‘yung huling sinabi niya.” Muli na naman siyang naluha. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya umiiyak. Nang lingunin niya ang ginang ay tila aliw na aliw itong pagmasdan siya, at tila nanunukso pa itong nakangiti sa kanya. ‘Luh, napa-praning na yata si tita!’ bulong pa niya sa kanyang sarili. “Cherry, anak, ang masasabi ko lang sa ’yo, magtiwala ka lang kay Tobby. Babalik din siya kaya ‘wag ka ng malungkot.” Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi. Hindi man niya naiintidihan ang pinagsasabi ng mommy ni Tobby, ay tinanguan na lang niya ito. Wala na rin naman siyang magagawa dahil nga nakaalis na ang binata. Hihintayin na lang niya ang muling pagbabalik nito. End of flasback… Bahagya pa siyang napapitlag nang pumitik ang daliri ni Jenny sa kanyang harapan. Kunot-noo pa niya itong pinagmasdan. Doon siya parang nagising sa malalim na pagkakahimbing. “Sows! Tulog naman pala itong kaibigan natin eh!” nakangising saad nito habang kumakain ng pizza. ‘Pizza? Saan galing ang pizza?’ tanong pa niya sa sarili. Agad din naman niyang natampal ang kanyang noo nang maalalang kararating nga lang pala ni Jenny at malamang na sa kanya galing iyon. “Kailan ka pa dumating?” takang tanong pa rin niya sa kaibigan. “Kanina pa mga hmmm, ten minutes ago?” sagot nito sa kanya habang ngumunguya. Ganoon katagal na siyang nakatulala at nagbabalik tanaw? “Ano ba kasi ang iniisip mo? Masyado ka yatang occupied eh. Ano ba kasing pinag-uusapan ninyo nitong babaeng ito habang wala pa ako?” Baling nito kay Althea na punom-puno ng pagkain ang bibig. “Hmmm, ngewan ko riyan. Tinanong ko lang naman kung kumushta na shila ni Tobby eh,” sagot nito habang hirap na hirap itong pagsabayin ang pagnguya at pagsasalita. “Bakit hindi pa ba kayo nagkakaayos ni Tobby? Akala ko ba kinausap ka na niya?” takang tanong naman ni Jenny sa kanya. “Okay naman kami ni Tobby. Medyo weird lang siya ng mga nakaraang araw bago siya umalis. May mga bagay siyang sinasabi at ginagawa na nakakapag-pagulo sa akin. Extra sweet, super clingy, and super pa-cute!” tugon niya sa mga ito habang pinapanood ang mga kaibigang kumakain ng pizza. “Wow, lakas maka-high school beshy!” tatawa-tawang saad naman ni Jenny. “Truth! Naku, bakit kasi hindi mo iyan nilinaw bago siya umalis ng hindi ka nagugulumihanan diyan ngayon?” singit naman ni Althea na wala ng laman ang bibig. ‘Anong magagawa ko eh sa nabigla ako sa kiss na ‘yon, ni hindi nga ako nakapag-isip at nakakilos kaagad ng mga sandaling iyon eh!’ sambit niya sa kanyang sarili. “Hay naku Cherry, huwag mo na munang isipin iyang si Tobby Ryan. Ito na lang ang paglaanan ninyo ng pansin. Listen up girls, balak kong magtayo ng isang coffee shop dito sa atin. Location is okay na, ‘yung pagpapagawa, may nakausap na akong carry ng budget. Now I need a business partners. Ang gusto ko sana kayo ang kunin ko kong partners. Since this is our dream ever since the world begun, right? Kaya nga HRM ang kinuha nating course eh. Game?” nangingislap ang mga matang tanong nito sa kanila. Agad naman silang na-excite ni Althea at sabay na napatango. “G na G! Wala ng isip-isip ‘yan beshy. Matagal na nating dream ito mga besh! Kaya let’s go for the goals!” impit na tili pa ni Althea. Natutuwa siyang sa wakas ay matutupad na nila ang kanilang dream café. Iiisang tabi na muna niya si Tobby. Saka na sila magtutuos nito pag-uwi nito sa kanila. Anyway, it’s just a month away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD