PUNO ng hinagpis ang puso ni Charlie nang makita niya ang kapatid sa morgue. Under docomposition na ang katawan nila dahil dalawang araw na itong bilad sa araw. Muntikan niya na ngang hindi makilala ang kapatid. Hindi kinaya ng kanyang ina na makita ang kalunos-lunos na sinapit ni Danica kung kaya nahimatay na ito. Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa sakit ng pagkamatay ni Danica. "Sir," pukaw sa kanya ng pulis.. Pinunasan niya ang kanyang luha bago tumingin dito. "Anong balita? May lead na kayo kung sino ang may gawa nito sa kapatid ko? Kailangan niyang magbayad," wika niya pa sa mga pulis. "Maliban po sa katawan niya at ilang id's ay wala ng ibang gamit pa sa paligid niya. Maging ang wallet niya at cellphone niya ay hindi namin nakita sa lugar kung saan natagpuan ang kan

