NANINGKIT ang mga mata ni Charlie nang makita si Mandy na palabas ng interrogation room. Gusto niya itong suntukin pero nagtimpi siya pero ang ina niya ay sinugod ito at hinila ang buhok. Mabuti na lamang at nakaposas si Mandy kung kaya hindi ito makalaban. Inawat niya na lamang ang ina at baka mapagalitan pa sila ng mga pulis. Kanina pa nga sila sinasaway ng mga ito. Inilayo niya ang ina kay Mandy bago niya ito nilapitan. “Anong kasalanan ng kapatid ko sayo para patayin mo?” tanong niya kay Mandy. Galit na galit siya rito. Sinisisi niya ang sarili niya dahil kung hindi niya ito nakilala sana ay wala sila sa ganitong sitwasyon ngayon. “Hindi ako ang pumatay sa kanya. Lahat ng ebidensya ay planted lang. Maniwala ka naman sa akin. Hindi ba sabi ko sayo na kinuha ng holdaper ang bag at pera

