MABUTI na lamang at naunang nahanap ni Wayne, James at June ang sasakyan ni Danica kung kaya mabilis nilang nailagay ang mga ebidensiya sa loob ng sasakyan. Nagtiwala lamang si Joebbie sa sinabi ni Wayne na palalabasin nilang ang mga ebidensiya ay sa sasakyan ni Danica makikita upang madiin si Mandy sa krimeng ginawa nito. Alam niyang malabong malusutan ni Mandy anag kasong pagpatay nito kay Danica dahil sa lahat ng ebidensya ay ito ang itinuturo. Magkasama silang lahat nang tawagan ni Mandy si James at gusto nitong makipagkita sa kanyang kapatid pero ang hindi alam ni Mandy ay alam na nilang pinaghahanap na ito ng mga pulis dahil nagtatago na ito. Ibinigay kasi ni James ang CCTV footage sa mga pulis sa nangyari sa coffee shop pero ayon sa mga ito ay hindi raw mahagilap ng mga ito si Mand

