KULANG na lamang ay paliparin ni Charlie ang kanyang sasakyan dahil sa gigil na nadarama niya kay Joebbie. Gusto niya itong makausap. Gusto niyang malaman ang drama nito at kailangan pa siyang siraan sa harapan ng camera. Kulang na nga lang ay pagbintangan siya nito na pinagtangkaan niya ang buhay nito. Kailangan niyang makausap si Joebbie kaya nagmamadali siya upang maabutan ito. Alam niya naman kung saan ang voices of women kaya doon na siya dumiretso. Nagtiyaga siyang maghintay kay Joebbie kahit na napakarami tao. Sa labas ng gate ay nakabantay siya sa asawa. Aminado siyang nabigla siya sa pagbabago ng asawa pero mas nangibabaw ang takot niya na baka ipakulong siya nito. Hindi niya man aminin ang kanyang kasalanan ay alam niyang alam ni Joebbie na siya ang nagtangka sa buhay nito. Na

