CHAPTER FIFTY-SEVEN MABUTI na lamang at naiihi talaga siya dahil kung hindi ay hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso habang pumapasok ng banyo. Pakiramdaman niya ay tinatambol iyon. Madali namang gustuhin si Wayne pero sa nangyari sa kanyang buhay pag-ibig ay tila ba natatakot siyang pumasok sa isang relasyon. Nakakadala rin kasing masaktan. Nakatapos na siyang umihi lahat-lahat ay hindi niya magawang lumabas ng banyo. Sigurado kasi siyang nasa sala pa rin si Wayne at naghihintay sa kanya. Hindi na talaga siya makakaiwas pa. Alumpihit siyang lumabas ng banyo. Hindi naman siya nagpoops pero pinagpawisan siya ng malapot dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Nagulat siya nang makita niya si Wayne na naghahanda ng pagkain. Palihasa kasi l

