HUMINGA muna ng malalim si Charlie bago siya kumatok sa opisina ni Joebbie. Kailangan niya itong makausap. Gusto niyang magkaayos na sila lalo na ngayon na wala na si Mandy. Wala na siyang dapat na isipin pa. Hindi niya lubos akalain na may mararamdaman pa rin siya sa kanyang asawa. Akala niya kasi nawala na ang pagmamahal niya sa asawa simula nang dumating si Mandy sa kanyang buhay pero nagkamali siya dahil nagseselos siya sa tuwing na kasama ng kanyang asawa si Wayne. Doon niya napagtanto na mahal niya pa rin ang babaeng una niyang minahal. "Come in!" sigaw nito sa kanya. Ibang-iba na talaga si Joebbie. Sabagay noon pa naman ay matalino na ito. Pumirmi lang ito sa bahay kaya hindi nakapagtapos at maging ang talento nito sa pagpipinta ay kinalimutan nito. Kontento na ito na asikasuhin si

