NAGULAT pa si Charlie nang madatnan niya sa kulungan ang kanyang ina. Nagwawala ito na pakawalan pero hindi pinapansin ng mga pulis. Hindi niya mapigilang hindi maawa sa ina. Nadamay pa ito sa kabaliwan ni Mandy. “Charlie, anak!” sigaw ng kanyang ina. Dinala siya ng pulis sa loob ng kulungan pagkatapos alisin ang kanyang posas. “Tatawagan ko ang abogado ko. Hindi pwedeng ikulong ninyo kami. Wala kaming kasalanan,” wika niya sa pulis. “Tawagan niyo na lang po ang abogado ninyo,” sagot pa sa kanya kaya wala siyang nagawa lalo na nang iwan sila. “Hayop talaga yang Mandy na yan! Siya pa ang may ganang magpakulong sa atin pagkatapos ng kanyang kababuyan. Hindi tayo pwedeng makulong. Tawagan mo nga rin si Danica. Sabihin mo sa kanya na nakakulong tayo. Hindi sumasagot sa mga tawag ko,” wi

