HINDI pa naman nakakababa ng sasakyan si Joebbie nang nakita niya si Olga sa coffee shop ng kanyang kapatid. Mag-isa lamang ito na tila ba may hinihintay. Salamin ang buong paligid coffee shop kung kaya kita mo ang mga tao na naroon. Napatingin siya kay Wayne. Nakatingin din pala ito sa kanya. Alas otso na ng gabi sila nakarating ng Laguna. “She’s Olga… My bestfriend at kapatid ni Mandy.” Tumango si Wayne sa kanyang sinabi. “Mukhang ikaw ang pinuntahan niya rito,” wika pa nito kaya napakunot noo siya. “Ako?” “Wala namang iba.” Huminga siya ng malalim. Hanggat maari kasi ay ayaw niyang makita si Olga. Bestfriend niya ito at kahit pa galit siya sa babae ay naaawa siya sa sitwasyon nito ngayon. Hindi lingid sa kanya na lubog na lubog na ito sa utang. “Pwede bang kausapin ko siya?” tano

