NATASHA POV
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking cellphone kaya naman pikit mata ko itong sinagot kahit antok na antok pa ako.
"hello" inaantok na bati ko sa kung sino man.
"Wake up babe , let's shopping" mahinang wika ni Clark kaya agad kong minulat ang aking mata.
"Oh my godddd" masayang sigaw ko at nagpagulong gulong sa kama.
"I'll be there wait for me babe" masayang wika ko at pinatay ang tawag.
Napatingin ako sa aking pintuan ng biglang bumukas ito at dali daling pumasok si Miguel na para bang kagigising lang.
"Ahh good morning" nahihiyang bati ko at di makatingin sa kaniya dahil naka boxer lang siya.
"Why did you shout?" nakakunot noong tanong niya kaya kinabahan ako.
"I'm sorry ahh ano kasi may ipis kasi" nakangiwing sagot ko.
"Your are bigger than cockroach you can kill that" inis na wika niya ay bagsak na sinarado ang pintuan ko.
"Lumipad kasi yung ipis eh kaya paano ko mapapatay?" malakas na sigaw ko at nagulat ako ng biglang bumukas ulit pintuan ko.
"Bakit na naman ba?" nakangusong tanong ko sa kaniya.
"Baliw ka ba talaga? Bakit bigla kang sumisigaw?" inis na inis na saad niya sa akin kaya napalunok ako.
"Look woman, hindi ka na bata para pagsabihan pa kaya kung may isip ka, maisip mo sana ang tamang action na ginagawa mo" malamig na saad niya sa akin at pakiramdam ko ay natamaan ako dun.
"Sorry" paghingi ko ng paumanhin at dumiretso sa banyo.
Tinitigan ko ang aking sarili at pulang pula ako dahil sa kahihiyan. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Tinanggal ko na lamang ang aking mga damit at naligo. Binilisan ko ang pagligo ko pagkatapos lumabas na ako sa banyo. Pinatuyo ko ang aking buhok at naglagay ng light make up ang aking buhok. Pagkatapos ay kinulot ko ang aking buhok at sinuot ang white tube crop top ko at white high waist short and pinaresan ko ng black high cut boots with black sling bag.
Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito at nakita ko ang pangalan ni Clark kaya napangiti ako.
"Where are you babe" tanong niya sa akin.
"Nasa bahay pa lang pero papunta na ako" mahinahon na sagot ko sa kaniya.
"Sunduin na kita" wika niya sa akin.
"Naku hindi na magkita na lang tayo sa MOA" nakangiting wika ko.
Ng makita ko ng okey na ang ayos ko ay lumabas ako at nadatnan ko si Miguel na nakaupo sa sala at tumingin sa akin.
"I will wait for you babe" rinig kong saad ni Clark sa akin at hindi agad ako nakasagot dahil natutuliro ako sa presensya ni Miguel.
"Sure Clark.Bye" mahinang saad ko at pinatay ang tawag tsaka ako dumiretso sa kusina at uminom ng tubig.
Nanigas ang aking katawan ng maramdaman kong nasa likod ko si Miguel at kumuha ng tubig sa reft.Para tuloy nakayakap siya sa akin patalikod.
"Where are you going?" malamig na tanong niya sa aking tenga at halos manghina ako dahil sa kakaibang pakiramdam ng naramdaman ko sa aking katawan.
"Ahhh a-ano ,hmm punta ako ng MOA" kinakabahan na sagot ko at nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya sa likod ko.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan niya ang balikat at pinaharap sa kaniya.Nakasandal ako sa reft at sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa.
"With whom?" malamig na tanong niya habang titig na titig sa aking mata pababa sa aking labi at nakita ko ang kaniyang paglunok.
"Ahhh with Clark" napapalunok na sagot ko at akmang aalis na ng hinarang niya ang kaniyang kamay sa gilid ko kaya nakorner niya ako.
"Who is he?" malalim na tanong niya sa akin kaya napanganga ako.
"K-kailangan mo pang m-malaman yun". nauutal na tanong ko pero tinaasan niya ako ng kilay kaya napakagat labi ako.
"Ahhh-" naputol ang sasabihin ko ng tumunog muli cellphone ko kaya napapikit ako.
"ahh sagutin ko lang ito" mahinang saad ko at lumusot ngunit maling galaw ata ang ginawa ko dahil sa aking pagluhod ang siyang nakatapat sa pagkalalake ni Miguel.Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Miguel na nanlalake din ang mga mata niya.
"Damn it" mahinang mura niya at umalis sa kusina habang ako ay nanghihinang tumayo at nararamdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha.Pinapaypayan ko ang aking sarili at uminom muli ng tubig.
"What the f**k was that" bulong kong tanong sa aking sarili at napailing iling.
"Jusko nakakahiya naman" nakangusong saad ko at huminga ng malalim bago ako umalis.
Pagkarating ko sa mall of asia ay agad akong nagtext may Clark.
"Hi babe" malambing na bati ni Clark sa aking likod sabay halik sa aking pisngi kaya napangiti ako.
"Ang guwapo mo naman babe" nakangiting wika ko ng makaharap na ako sayo.
"I miss you" malambing na saad niya at hinalikan ako sa noo.
"I miss you too babe" malambing na saad ko at yumakap sa beywang niya.
Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami at dahil sa kwagapuhan ng kasama ko ay maraming nakatingin sa kaniy at ganun din sa akin.
"Grabe ang gwapo naman nung guy"
"Ang sexy at ang ganda din nung girl"
" bagay na bagay sila noh"
Yan ang mga bulong nila at marami pa silang mga sinasabi.Natawa na lang kaming dalawa ni Clark at napalunok ako ng hinalikan niya ang pisngi ko na siyang naghiyaw sa mga tao.
"Hala ang sweet nila"
"Nakakainggit naman"
"Ang sakit sa mata ah"
Wika nila kaya napailing iling na lamang kaming dalawa ni Clark.
Pumasok kami sa pandayan at doon nagtingin tingin ng mga gamit namin. Afer one hour na pagbili ng mga gamit namin ay nagtungo sa third floor at nagtambay muna doon. Bumili din kami ng couple shoes, couple shirt, couple cap at iba pa. Umupo muna kami sa ground at habang kumakain ng ice cream. Naisipan naming mag-cine muna kayo iniwan namin ang mga gamit namin sa taga bantay.
Ng nasa kalagitnaan na kami ng drama ay naiinis ako kay Clark dahail kanina niya pa ako pinagtatawanan . Pinagtatawanan niya ako dahil wala akong tigil kakaiyak sa mga linya ng babaeng bida. Nahahawa ao sa emosyon niya at kug paano siya mag-act. Pagkatapos ng napanood namin ay wala parin akong tigil kakayak dahil namatay yung lalakeng bida.
"Ano babe okey ka na" tanong ni Clark sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Let's go home, kailangan nating magpahinga ng maaga dahil bukas na bukas ay may pasok na tayo.
"Ready ka na ba a bagong buhay ng pag-aaral natin?Hindi na tayo senior high school ibang level na ito" wika ni Clark kaya napatingin ako sa kaniya.
"Handang handa na sapagkat ito na ang simula na tatahakin nating pangarap." nakangiting wika ko kaya napangiti siya.
"Tara" nakangiting wika ni Clark at tumango ako.