NATASHA POV
Itinuro ko kung saan hotel ako tumutuloy at gaya ng nasa isip ko ay magtataka si Clark .
"Bakit dito ka?", tanong ni Clark sa akin kaya di ako makasagot.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya dahil sa oras na malaman niyang nakikitira ako kay Miguel ay malalaman ng lahat.
'Ano naman daw kung malaman niya?' tanong ng left mind ko.
'Kung nalaman niya baka sabihin o isipin niyang nakikipag live in ako' sagot ng right mind ko.
'eh diba gusto mo naman si Miguel,so anong masama kung ganun ang iisipin ni Clark' sagot ni left mind.
'hindi pa rin tama na mag-isip sila ng ganun sa akin.kahit gustong gusto ko si Miguel ay hindi pa rin yun isang dahilan para malaman ng iba nakikitira ako sa kaibigan ng kuya ko' saad ni right mind.
Napatango tango ako sa aking inisip ngunit nasapo ko pa rin ang aking noo dahil heto na naman yung dalawang isip ko na nag-aaway.
"woii babe,okey ka lang?Para kang tanga diyan na tumatango at umiiling " natatawang wika ni Clark sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko .
"May iniisip ako eh bat ba" nakangusong saad ko sa kaniya.
"So bat ka nga nakatira dito sa hotel" tanong niya ulit kaya wala na akong choicena sabihin ang totoo.
"Sinundan ko si Kuya,iniwan nya ako sa malaking mansyon na yun na ako at ang mga kasambahay lang ang nakatira" nakangusong wika ko sa kaniya.
"Bakit nga ba lumipat si kuya Noah" tanong niya ulit at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Ewan ko kay kuya,hindi naman niya sinabi sa akin" nakangusong sagot ko ulit at sinasabayan ang kaniyang paglakad.
"Anong floor mo?" tanong niya sa akin ng makasakay kami sa elevator at napatingin ako sa kaniya.
's**t naman nakalimutan ko kung anong floor kami at mas lalong nakalimutan ko kung anong room namin' wika ko sa aking isip.
"Bakit hindi ko man lang tinandaan?" tanong ko sa aking sarili.
"Anong hindi mo natatandaan?" nakakunot noong tanong ni Clark sa akin.
"Eh babe hindi ko alam yung floor at room ni kuya, kahapon lang kasi ako pumunta dito at sinusundan ang nilalakad niya kaya hindi ko napansin kung anong floor at room" nakangusong sagot ko at napasandal sa elevator.
"Babe lutang ka ba" tanong niya sa akin kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Pagtingin ko sa pumasok ay napalunok ako dahil si Miguel ito kaya nakahinga ako ng maluwag ngunit napalunok din dahil nagkatitigan silang dalawa ni Clark.
Pinindot ko ang stop at tinignan si Clark sa likod ni Miguel. Mas matangkad si Miguel sa kaniya at mas matikas si Miguel pero kung kaedad siguro niya si Miguel ay baka hindi nagkakalayo ang appearance nila.
"What are you staring at?You boyfriend will get jealous" malamig na wika ni Miguel kaya napalunok ako.
"Ahh Clark sa kaniya na ako sasabay ah, don't worry kaibigan siya ni kuya" awkward kong saad kaya napakunot ang kilay ni Clark.
"Ihahatid kita babe" matigas na wika niya sa akin.
"Please next time na lang Clark,sa ngayon tatandaan ko muna kung saang floor and room kami,sasabay na ako kay kuya Miguel " mahinang wika ko ngunit ang pagkakasabi ko ng kuya Miguel ay pinalambot ko.
"Fine.Take care of yourself babe" malambing na saad niya at napalunok ako ng hinalikan niya ang noo ko.
"Take care and drive safely " mahinang saad ko .
Ng makalabas siya ay wala na akong imik sa loob.Nakita ni Miguel ang ginawa ni Clark kaya mas lalong wala akong pag-asa sa kaniya.
"Did your brother knows that you have a boyfriend" tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot.
"I am talking to you lady" seryosong saad niya.
"May pangalan ako" mahinang wika ko sa kaniya.
"I can't remember your name" mabilis na saad niya kaya hindi na lamang ako umimik.
"Did your brother knows that you have a boyfriend" tanong niya ulit kaya huminga ako ng malalim.
"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin" malamig kong saad sa kaniya.
"So you want me to lie to your brother" tanong niya ay nauna ng lumabas.
"Hindi ka naman magsisinungaling kung hindi siya magtatanong.Kung magtatanong man siya wag ka na lang sumagot.Iba naman siguro yung maglihim sa magsinungaling noh" mahinahon na wika ko at sumunod sa kaniya habang.
Wala na akong narinig sa kaniya kaya hindi na lamang ako umimik.Room 0306 pala ang room namin.Pumasok na ako at dumiretso sa aking kwarto.
"Haysss nakakapagod" wika ko .
Tinignan ko ang oras at five thirty pa lang kaya nag set ako ng alarm clock. Natulog muna ako ng thirty minutes.
"Bakit ang bilis ng time" inis kong saad ng magising ako sa alarm clock ko.
Bumangon na ako at lumabas sa aking kwarto.Iniipit ko ang aking buhok at papikit pikit pang naglalakad.
"Anong gusto mong dinner Daddy Miguel?" tanong ko sa kaniya ng makita ko siya sa kusina.
"Just rest, I will cook" saad niya kaya napangisi ako.
"Panoorin na lang kitang magluto" nakangising sagot ko sa kaniya.
"It's your choice" mahinang saad niya.
Napataas ang kilay ko dahil mukhang nasa mood ang ating Daddy Miguel. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa may high tool chair.
"Anong lulutuin mo para sa akin" nakangiting tanong ko sa kaniya.
"It's not for you" saad niya kaya napangisi ako.
"Oo na lang" nakangising sagot ko at pinanood siya.
Grabe ang hot niyang magluto.Nageflex ang mga muscle niya.Hindi ko alam na magaling pala siya magluto.
"Mukhang masarap na ah",l natutuwang wika ko at napakagat labi ng tinikman niya ang kaniyang sariling luto.
"Can I taste too" nakangiting wika ko.
"What?" kunot noong tanong niya.
"Can I taste you lips" nakangising sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Please can I taste na kasi,yung niluluto mo" natatawang saad ko dahil ang sama sam na ng tingin niya sa akin.
"Yeheyy", natutuwang wika ko ng kumuha siya ng konti at pinatikim saakin.
Nanlaki ang mga mata ko ng matikman ko na ang luto niya.
"Grabe ang sarap" namamanghang wika ko .
Napahiyaw ako ng marealize kong isang kutsara lang ang gamit namin.
"Why are you shouting like an idiot" inis na tanong niya sa akin.
"We use one spoon.Its called indirect kiss"nakangising saad ko sa kaniya at mukhang kanina niya lang narealize din.
"I'm super duper happy" masayang saad ko samantalang siya ay nakatitig lang sa akin.
" Uyy Daddy baka matunaw ako" nang-aasar na wika ko sa kaniya.
"tsss" singhal niya lang kaya ngiting ngiti ako.
"Kaya pala ang sarap kasi labi mo at niluluto mo anv natikman ko" nakangising saad ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Will you please stop? you're so talkative" inis na saad niya pero ngiting ngiti lang ako.
"Indirect kiss to someone you like" post ko aking Insta.
"Why do you need to post it?" seryosong tanong niya sa akin.
"Bakit ba nagagalit ka?Hindi naman nila malalaman na ikaw yun" nakangusong wika ko at tumayo saka siya iniwan doon sa kusina.