NATASHA POV
"Shasha gising na, kanina pa naghihintay ang kuya mo dun sa baba para ihatid ka sa condo ng kaibigan niya" paggising sa akin ni Nanay Dolores kaya papikit pikit akong bumangon.
"Bakit naman po kasi ang aga Nay, sabado naman ngayon eh" nakangusong wika ko at kinusot kusot ang aking magagandang mata ( wag na kayong kumontra ) .
"Shasha may trabaho ang kuya mo at siya lang ang nakakaalam kung saan ang condo ng kaibigan niya kaya bumangon ka na diyan at maligo" mahinahon na sambit ni Nanay Dolores.
"Asan po mga gamit ko Nay?" nagtatakang tanong ko
"Kinuha na ng kuya mo at dinala sa kotse niya. Ikaw na lang talaga ang hinihintay. Dalian mo iha kung ayaw mong magalit na naman sayo ang kuya mo" mahinahon na wika nito sa akin kaya umalis na ako sa kama.
"Nay ako na po ang bahala maghanao ng damit ko. Pipiliin ko yung sexy para akitin ang kaibigan ni Kuya haha" natatawang wika ko kaya pinandilitan ako ng mata ni Nanay Dolores.
"Ikaw na bata ka puro kalokohan nasa isip mo. Diyos ko iha mag-nineteen ka pa lang samantalang ang mga kaibigan ng kuya mo ay nasa 30 plus na" kunot noong sambit ni Nanay kaya natawa ako, mukhang na-stress dahil sa sinabi ko.
"Nanay age is just a number noh haha and besides malay mo sa pagiging sexy ko maakit ko yung kaibigan ni Kuya haha" natatawang sagot ko kay Nanay Dolores.
" Diyos kong bata ka, isusumbong kita sa kuya mo" kunot na kunot ang noo ni Nanay kaya humagalpak ako ng tawa.
"Si Nanay hindi mabiro" natatawang wika ko.
"Maligo ka na ngang bata ka, andami mong sinasabi eh" nakangiting saad niya kaya napanguso ako.
"Sige po Nay" nakangiting sambit ko bago pumasok sa aking sariling banyo.
Si Nanay Dolores ay matagal na naming kasambahay.Sabi ni Mommy ay hindi na siya nakapag-asawa dahil sa pagiging loyal niya sa pamilya namin.Inaalagan ni Nanay Dolores ang Daddy ko at hanggang ngayon ay inaalagaan pa rin kami kaya Nanay na ang tawag namin sa kaniya.
Ang magulang ko ay nasa States inaasikaso ang kompanya namin habang ang Kuya kong si Noah ay may sariling pamilya niya.Dalawa ang kuya ko at ako ang bunso nila.
Dahil sa sobrang pagdaldal ko ay hindi ko na nasabi na nakaligo na ako kaya naman agad akong lumabas sa banyo at dumiretso sa aking closet. Nilagay ko muna sa aking kama ang paborito kong damit na ,ito ay ang blue floral sleeveless fitted dress. Saka ko niblower ang aking mahabang buhok na blonde. Pagkatapos ay naglagay ako ng light make up sa aking mukha at hinayaan ko ang buhok ko na nakalugay.Sinuot ko na ang napili kong damit at sinuot ang 2 inches wedge sandal ko.Siguro curious kayo sa height ko noh, well 5'6 ang tangkad ko .And I have a size 36 A boobs,25 waistline and 36 hips.
"Perfect" nakangiting wika ko ng makita ko ang perfect kong katawan at ganda.
Kinuha ko ang pouch at cellphone ko bago ako lumabas sa aking kwarto.
"Inunahan ka pa ng pagong sa kilos mo Natasha" seryosong saad ni Kuya sa akin kaya natawa ako.
"Nagagalit na naman ang gurang kong kuya,ganyan na ba kapag tumatanda na kuya" nakangising wika ko at tumatawa na humalik sa pisngi niya.
"Wow ang kapal mo bunso 31 pa lang ang kuya mo tapos sasabihan mo ng gurang" hindi makapaniwalang saad niya kaya mas lalo akong natawa.
"Oh sige gwapong gurang na lang den oh ano kuya payag ka na" nakangising sambit ko at hindi ko napaghandaan ang mabilis na galaw niya at binatukan ako.
"Aray naman kuya masakit eh" nakangusong saad ko at napatigil ako sa lalaking tumikhim sa likod ko.
"hey bro sorry for disturbing you,ang tagal kasi ng kapatid ko kaya nagtext ako sayo na ikaw na lang ang susundo sa kaniya" nakangiting wika ni Kuya at dahan dahan akong humarap sa kaibigan ni kuya.
Muntik na akong mahimatay dahil siya lang naman si Lance Miguel Smith,ang childhood crush ko,na naging puppy love ko.Correcion hindi naging kami ah,ganito kasi yan nung 12 years old ko siya unang nakita at sobrang gwapo niya parang prince ba kaya naging crush ko siya ng sobrang tagal so sabi nila kapag crush mo daw ng sobrang tagal ay ibig sabihin mahal mo na siya,hindi naman ako naniniwala doon.At nung nakita ko muli siya nung 15 years old ko saktong birthday ko yun ay naniwala na ako na hindi lang ang paghanga ang naramdaman ko kay Miguel,mas malala pa doon.
"Hello po good morning" nakangiting bati ko at nakita ko siyang napalunok.
"Who is she" seryosong tanong nito kay kuya kaya napaawang ang labi ko at sarkastikong natawa.
"Hindi mo na ba siya maalala, she's our little sister before but she's a lady now" nakangiting wika ni kuya at parang wala lang ito sa kaniya.
"I see. Siya ba ang babantayan ko" kaswal na tanong niya sa kuya ko.
"Yes bro.I think sayo lang makikinig yan. Remember she had a huge crush to you before" nakangising wika ng kuya ko kaya nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Kuya.
" Seriously kuya? Kailangan bang sabihin yun?" nakangiwing saad ko at nahihiyang ngumiti kay Miguel.
"I don't know that she had crush on me before bro, would you listen to me now even you don't have a crush on me?" seryosong tanong niya sa akin kaya natameme ako.
"It depends to the situation" nakangiwing saad ko kaya kumunot ang noo niya.
"Hindi yan ang inaasahan kong sagot mo Natasha" maotoridad na wika niya kaya napalunok ako.
"Sabi ko nga po makikinig ako sayo" nakangiting sagot ko at narinig kong mahinang natawa si kuya.
"Call him kuya Lance or kuya Miguel , bunso" seryosong wika ni kuya kaya napangiwi ako.
"I prefer call him Daddy . Halatang seryoso sa buhay at mas strikto kay Papa kaya nababagay na Daddy Miguel ang tawag ko sa kaniya,kuya" nakangising sambit ko habang nakatitig kay Miguel bago tumingin kay kuya.
"Puro ka talaga kalokohan Natasha" umiiling na wika ni kuya sa akin.
"Anong mas gusto mo po, Daddy Miguel or kuya Lance" nakangiting tanong ko dito pero hindi niya ako sinagot.
"I'm sorry bro for what my sister's saying, I don't know what she ate and she seems to be going crazy" nakangiwing wika ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kuya ang bad mo naman sa akin eh. Pinapipili ko lang naman si Daddy Miguel kung anong gusto niya at dahil hindi niya sinagot ang tanong ko, ako na ang magdedesisyon kung anong itatawag ko sa kaniya, right Daddy"nakangising saad ko habang nagpapacute pa sa kaniya at nakita kong gumalaw ang adams apple niya.
"Ang gandang pagmasdan ng adams apple mo na gumalaw" natutuwang saad ko kaya sinita ako ni kuya habang si Miguel ay namumula ang tenga niya kaya napangisi ako.