NATASHA POV
Napakagat labi ako ng makitang napalunok si Miguel dahil sa sinabi ko. Tinitigan ko siya habang may ngiti sa aking labi at natawa ako ng umiwas siya ng tingin.
"Maaari ko bang parusahan siya kapag nakagawa siya ng mali" seryosong tanong niya sa kuya ko kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
"Yes bro.Ikaw ang magbabantay sa kaniya kaya nararapat na ikaw din magbigay ng parusa sa kapatid ko" seryosong sagot din ng kuya ko kaya napaawang ang labi ko.
"Hello excuse me,kung pag-usapan niyo ang parusa ko parang wala ako dito ah" sarkastikong saad ko sa kanilang dalawa pero hindi nila ako pinansin bagkus ay tinalikuran nila ako at naunang lumabas.
"Nay tignan mo naman yung dalawang yun,kung pag-usapan ako parang hindi nila ako kasama.At Nay tama bang may parusa ako ,my god I'm turning to 19 years old dapat hindi na ako pinaparusahan" nakangusong reklamo ko kay Nanay Dolores pero tinatawanan niya lang ako.Pshh isa pa itong matanda na ito eh .
" Kung yun ang magpapatino sayo iha deserve mo" nakangiting wika ni Nanay Dolores kaya nanlaki ang mga mata ko. Wala man lang akong kakampi dito.
"Nay alis na po ako, bisita po ako dito every Saturday" nakangiting saad ko at yumakap sa kaniya bago ako lumabas.
Dahil mahangin sa labas at nakalugay ang buhok ko ay hinahangin ito at saktong pagtingin ko sa kotse ay ang pagtama ng mga tingin naming dalawa ni Miguel.Bigla na lamang kumabog ng malakas ang puso ko na parang may tumatambol sa aking dibdib. Ako na ang unang umiwas ng tingin ng mapansin kong pinasadahan niya ako ng tingin.
"Bunso ano pa ba ang ginagawa mo diyan?Mali-late na ako sa flight ko" iritableng wika ni kuya kaya agad akong lumapit sa kanila.
"ihahatid niyo muna ako ng kaibigan ko bago kayo magtungo sa condo" sambit ni kuya kaya napatango ako.
Ramdam ko ang titig sa akin ni Miguel pero hindi ko pinapansin dahil naiilang ang sa tingin niya. Sumakay na si kuya kaya naiwan kaming dalawa ni Miguel sa labas kaya naman bubuksan ko sana ang pinto ngunit sabay namin itong nahawakan.Nanlaki ang mga mata ko at agad tinanggal ang kamay ko ng may maramdaman akong parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan namin.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Tumingin ako kay kuya at busy siya sa kaniyang cellphone. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana ng makasakay si Miguel sa driver seat.
Wala akong imik sa likod habang nag-uusap silang dalawa ni kuya Noah. Ngunit naagaw nila ang atensyon ko ng may banggitin si kuya.
"Kamusta na kayong dalawa ni Sophia, hindi pa ba kayo magpapakasal" tanong ni kuya kay Miguel at parang may nagbara sa lalamunan ko dahil sa aking narinig.
"We broke up ng malaman niyang bumalik ako sa Pilipinas" seryosong sagot ni Miguel at hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nabuhayan siya ng loob.
"I know Sophia well bro, babalik at babalik iyon sayo" nakangising wika ni kuya kaya napangiwi siya.
"Pwede ba akong sumali sa usapan niyo kuya hehe" nahihiyang saad ko pero sinamaan niya lamang ako ng tingin.
"Hindi pwedeng sumali ang bata sa usapan namin" seryosong saad ng kuya ko.
"oh well gurang ka na pala kuya kaya ayaw mong sumasali ang mga bata sa usapan ng matatanda hahaha" tumatawang wika ko pero napatigil din ako ng tumikhim si Miguel.
"Sabi ko nga po tatahimik na lang ako dito sa gilid eh hehe" nakangiwing sambit ko at nag cellphone na lamang.
Lumabas na ako sa kotse ng nakarating kami sa NAIA TERMINAL 1 at patuloy pa rin ang pag-uusap nilang dalawa habang ako ay nagbabasa lang.
"Kung ayaw na kasi sa relasyon ay wag niyo ng ipilit.Kung sinuka na kayo, ay wag niyo ng hayaang kainin ulit kayo.My god tumikim kayo ng ibang putahe wag puro adobo" mahinang saad ko habang nakatingin sa aking cellphone.
"What the hell are you talking about Natasha" galit na tanong ni kuya kaya inosente akong napatingin sa kaniya.
"Po?kuya binabasa ko lang naman po yung chat ng kaibigan ko sa gc namin eh, broken po kasi" inosenteng sagot ko sabay pakita sa kaniya ng proof ko.
"I'm sorry bunso" malambing na wika ni kuya pero nginitian ko lang siya.
"it's okey kuya.take care of yourself there ah, wala ako dun kaya hindi kita mapagsasabihan na i stop mo na yung work mo,pero I will make naman po na tatawag ako sayo everytime para icheck kung nag-almusal ka na ba, nag-lunch ka na ba or nag-dinne" nakangiting saad ko kay kuya at yumakap sa kaniya.
"Kahit may pagkabaliw ka bunso alam ko naman sweet ka din" nakangising wika ni kuya kaya inirapan ko siya.
" Bro ikaw na ang bahala sa kapatid ko" nakangiting saad ni kuya Noah kay Miguel na tumango lamang.
"Take care bro" seryosong wika nito kay kuya.
" I'm gonna miss you kuya" malungkot na saad ko.
"Mamimiss din kita bunso.I love you always my little sister" malambing na saad ni kuya kaya yumakap ako sa kaniya.
" I love you too kuya" mahinang saad ko at hinalikan niya ang noo ko bago siya pumasok sa loob ng airport.
Ng hindi ko na siya makita ay humarap ako kay Miguel kaya nanlaki ang mata ko na nakatitig pala siya sa akin.
"Tss" singhal niya sa akin at tinalikuran ako.
Hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto.Gwapo nga masungit at ungentleman naman.Wala ako sa mood na sumakay sa likod ng kotse niya at nagtataka ako kung bakit ang sama ng tingin niya sa akin.
"May ginawa po ba akong mali?" mahinang tanong ko sa kaniya.
"Do I look like a driver" malamig na tanong niya sa akin kaya tinitigan ko siya.
"hmm hindi naman pero masasabi kong hot na gwapong driver" nakangising wika ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Seat beside me" seryosong saad niya kaya hindi ako nagdalawang isip na agad lumipat sa passenger seat.
"Ayan lumipat na ako sa tabi mo kaya wag ka ng magalit ah Daddy Mo Miguel" nakangising wika ko sabay kindat sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin?" takang tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinasagot.
"Bakit ka pumayag na ikaw ang magbantay sa akin kung pwede ka namang tumanggi?" tanong ko ulit pero hindi pa rin siya sumagot.
"Pshh binigyan tayo ng Diyos na bibig para magsalita tapos ikaw parang naka-zipper yang labi mo" nakakunot ang noong wika ko,medyo nakakaramdam na ako ng inis kasi parang nakikipag usap ako sa hangin eh.
"Siguro magsasalita ka lang kung bubuksan natin yung bibig mo noh" nakangiting wika ko at napahagikgik ng may naisip na kalokohan.
"Alam ko na kung ano ang magpapabuksan ng bibig mo,ang sagot diyan ay ang labi ko . Bubukas yan kapag dumampi ang labi ko sa labi mo" nakangising dagdag ko at natawa ng sobra dahil nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.