NATASHA POV
"Arayyy" angil ko ng mauntog ako sa dashboard ng kotse niya dahil sa biglang pagpreno nito.
"Bakit ba bigla kang nagpepreno diyan? Nauntog tuloy ako" reklamo ko sa kaniya.
"Kasalanan ko bang hindi mo nilagay ang seatbelt mo?" angil niya sa akin.
"Ikaw maglagay, nahihilo ako" kunwaring seryosong saad ko at ewan ko ba kung namamalik-mata lang ba ako dahil nakita kong may pag-alala ang nasa mata niya kanina.
"Masakit ba?"mahinang tanong niya sa akin kaya napalunok ako.
"Ahh eh hehe okey na pala" nahihiyang saad ko ng akmang titignan niya ang noo ko na nakatakip sa kamay ko.
"Are you sure? Baka magsumbong ka sa kuya mo na hindi kita inaalagaan kahit ang totoo ay lampa ka mismo" seryosong saad niya kaya napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Ako? Lampa? Sino kaya ang biglang nagpreno matapos lang marinig ang sinabi ko" inis na saad ko dito pero hindi na siyang umimik kaya bumuga ako ng hangin.
Wala kaming imik na nakarating sa isang magarang hotel at sumunod lamang ako sa kaniya. Pag-open niya ng elevator ay halos puno na at isa na lang ang pwedeng pumasok kaya nagkatinginan kaming dalawa.
"Get out all of you" malamig na wika niya at dali daling umalis ang mga nakasakay dito.
Pumasok siya kaya naman nasa labas lang ako .Baka pati ako sabihan niyang get out eh,mapahiya lang ako.
"What are you waiting for" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
"Bakit sasabay ba ako diyan sayo?Hindi mo ba ako papalayasin" inosenteng tanong ko sa kaniya.
"Can you just f*****g get inside" asar na wika niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pwede mo namang sabihin ng maayos, hindi mo kailangang magsalita ng f*****g f*****g na yan eh" inis kong saad .
"Ang daldal"inis na bulong niya sabay hila sa akin sa loob.Hindi ko napaghandaan ang kaniyang mabilis na galaw kaya naman nabangga ako sa dibdib niya.
"Noo ko na naman" inis na wika ko at doon ko narealize na magkadikit pala ang katawan namin kaya agad akong lumayo dahil baka marinig niya ang t***k ng puso ko.
Hindi niya ako pinansin at mabilis na umalis sa elevator ng bumukas ito. Akmang lalabas ako ng maalala ko na hindi ko pala dala ang mga gamit ko kaya naman sinarado ko ito.
Pagkarating ko sa first floor ay agad akong lumabas at nagtungo sa parking lot pero kamalas malasan nga naman oh hindi ko pa hiningi ang susi ng kotse niya kaya paano ko makukuha sa compartment ang gamit ko.
"This is the worst day of my life" inis kong saad at nagpapadyak.
"You should act like a woman Miss Gorgeous" baritonong sambit ng isang lalake sa likuran ko kaya agad akong napaharap dito.Hindi ko maipagkaila na hindi nalalayo ang itsura niya kay kuya Noah at Miguel pero masasabi kong mas makisig si Miguel.
"and you should also ignore me kaysa punain ang action ko" mataray kong saad dito pero tinawanan niya lang ako.
"Such a brat" nakangising wika niya pero inirapan ko lang.
"Calm yourself,wanna have a coffee with me" magiliw na tanong niya sa akin.
"Hindi ako sumasama sa hindi ko kakilala" masungit kong wika dito at nilampasan siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako pinaharap sa kaniya.
"Ano ba?" sigaw ko dito.
"Oppss sorry, I just want to be friends with you" sinserong sambit nito sa akin.
I'm not interested" seryosong wika ko pero ng makita ko ang pagtamlay ng kaniyang mga mata ay nakonsensya ako.
"My Dad is died just now and I just want to divert my attention just to forget for a bit" malungkot na wika niya at pait na ngumiti sa akin.
"I'm sorry" nakokonsensya na saad ko pero nginitian niya lang ako.
"No , it's okey.Kahit naman sinong babae kapag ganun ang ginawa ko malamang magagalit" mahinang wika niya kaya napalunok ako.
"Anyways I'm Asher,nice to meet you Miss Gorgeous" nakangiting pakilala niya sa akin.
"I'm Natasha,nice to meet you and condolence to you" mahinang wika ko dito.
"Can I invite you to have coffee with me?" magiliw na tanong niya sa akin.
"No.She won't go with you" malamig na wika ni Miguel sa aking likuran kaya napalunok ako at kinabahan.
"Ash next time na lang ah" nahihiyang wika ko sa kaniya.
"No worries.I will wait" nakangiting saad niya at nagpaalam na ito sa akin sabay kindat kaya napapikit ako at napamura sa aking isip.
Napadaing ako ng hinawakan ni Miguel ng mahigpit ang kamay ko. Pakiramdam ko ay mababali na ang buto ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Hinila niya ako matapos niyang kunin ang mga gamit ko.Hindi na lamang ako nagsalita dahil baka magalit siya at magsumbong kay kuya.Pero parang mas nakakatakot siya kaysa kay kuya kung magalit eh.
"aww" mahinang daing ko sabay kagat ng labi ko.
Hinila niya muli ako at napapasunod na lamang ako dahil mas lalong humihigpit ang hawak niya. Napatingin ako sa aking kamay at namumula na ito ng sobra.
"aww it hurts" maiyak iyak na wika ko kaya napatingin siya sa akin ngunit walang emosyon ang mukha nito.
Tinitigan niya ako kaya umiwas ako ng tingin at tinago ang kamay ko.
"From now on homeschool ka lang" seryosong saad niya at tinalikuran ako.
Napangiwi ako ng makitang nagkaroon ng pasa ang kamay ko dahil lang sa paghawak niya ng mahigpit. Kinuha ko ang mga gamit ko at dinala sa isang kwarto kung saan tabi nito ang kwarto ni Miguel. Binuksan ko iyon at napangiti ako dahil pinaghandaan niya ang magiging kwarto mo. Favorite ko ang blackpink kaya yun ang theme ng aking kwarto.
Inayos ko muna ang mga gamit ko. After 1 hour and 30 min ay natapos na din ako kaya naman natulog muna ako saglit. Naalimpungatan ako ng kumalam ang tiyan ko at saka ko lang narealize na hindi pala ako nag-almusal. Kaya naman nagpalit muna ako ng maikling short at malaking t-shirt ,saka ko inipit ang buhok ko na messy bun.
Pagkalabas ko sa aking kwarto ay dumiretso ako sa kitchen at pinakealam ang mga laman nito. Well, pinanganak man akong may ginto sa bibig pero alam ko lahat ng gawaing bahay at pagluluto. Binuksan ko ang reft at napangiti ako ng makitang nandoon ang paborito kong tocino,kumuha ako ng dalawa at niluto yun.Pagkatapos ay nagluto ako ng konting sinigang na baboy.Habang nagluluto ako ay inopen ko muna ang cellphone ko at nag-f*******: saka ako nagpost ng niluluto ko.Dahik famous ako ay marami agad nag comment at nagheart sa post ko.
"Pwede na tayong mag-live in" basa ko sa chat ni Zion kaya natawa ako.
"May ka live in na ako kaya maghanap ka na ng iba" natatawang reply ko at tinignan ang niluluto kong sinigang saka ako napangiti ng masarap ang pagkaluto ko.