bc

The Billionaire’s Contract Bride

book_age18+
2.1K
FOLLOW
5.8K
READ
billionaire
stalker
arrogant
drama
lighthearted
icy
assistant
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG | R-18 | Mature Content | Rated SPG

Series 3 of 7 - Alizandro Miguel Chavez

Via Fuentes only dreamed of one thing — to work hard, earn honestly, and finally live free from the life she’s been stuck in for years.

But when she becomes the secretary of Ali Chavez, the infamous billionaire who could freeze a room with his glare, her life takes a turn she never expected.

He offers her a shocking deal—a six-month contract marriage worth two million pesos.

For Via, it’s a chance to pay her debts and finally be free.

But what happens when business turns to passion… and a fake marriage starts to feel painfully real?

© Miss Rayi 2025

ALL RIGHTS RESERVED

chap-preview
Free preview
Chapter 01
“HOY, Octavia! Bumangon ka na riyan! Anong oras na ‘oh?!” sigaw ni Toni sa kaniya. “Mamaya maunahan ka pa ni Senyora yari ka na naman.” Doon naman biglang napamulat ang mga mata niya. “Anong oras na ba?” Biglang nawala ang antok niya nang marinig ang huling sinabi nito. “Mag-aalas singko na kaya. Kanina pa nga kita ginigising pero para kang mantika kung matulog!” “Sorry, rumaket kasi ako as server sa bar kagabi. Alas tres na yata ako nakauwi,” paliwanag naman niya sa kaibigan pagtapos ay nagmamadali siyang pumunta ng banyo nila para maghilamos. “Ewan ko ba naman kasi sa ‘yo kung bakit kailangan mo pang rumaket, eh, sagot naman ng mga Saavedra ang lahat ng gastusin mo sa eskwelahan,” naiiling pa na wika nito habang sabay silang lumabas ng maid’s quarter. Yes, sa maid’s quarter siya natutulog dahil doon siya inilagay ni Senyora Ava. 13 years ago nang iwan siya ng Mama niya roon sa hindi niya malamang dahilan at mula nang araw na iyon ay inako na ng mga Saavedra ang pagpapalaki sa kaniya pati na rin ang pag-aaral niya. Pero ang kapalit noon ay magsisilbi siyang katulong sa mansion na iyon. At dahil wala naman siyang magawa at dala na rin ng walang ibang mapupuntahan ay sinunod niya ang lahat ng gusto ng mga ito. Kaya naman ang pinakatrabaho niya sa mansion ay siya ang taga-prepare ng breakfast bago siya pumasok sa school. “Alam mo, Toni, ayoko naman kasing iasa na lang sa mga Saavedra ang lahat ng pangangailangan ko. Bukod kasi sa tuition at baon siyempre may iba pa ‘kong mga gastusin sa school at nakakahiya naman kung sa kanila ko pa ‘yon hihingiin” “Oh, hindi ba sa susunod na linggo naman na ang graduation mo? Eh, di malapit ka nang makalaya?” excited na wika nito. “Asa naman akong makakalaya ako sa anino ng mga Saavedra,” malungkot na sagot niya habang nag-aayos na sila ng lulutuin nilang almusal. “Kaya nga secretarial ang pinakuha nilang kurso sa ‘kin ay para ako ang maging personal secretary ni Briella.” “Eh, bakit kasi pumayag ka?” “Sa tingin mo ba may magagawa ako, kung sila ‘yong magpapaaral sa ‘kin. Baka sabihin pa nang mga ‘yon hindi man lang ako magpasalamat sa tulong na ibinigay nila.” “Sabagay, may point ka nga naman, kung si Don Vino lang wala naman sanang magiging problema ang kontrabida lang naman diyan sa buhay mo ay ‘yang si Senyora Ava! Pasalama—” “Ano na namang huntahan ‘yan!?” sigaw ni Ate Merced na siyang mayordoma sa mansion na iyon. “Kaya wala kayong natatapos na trabaho dahil diyan sa mga kuwentuhan niyo! Ikaw Toni do’n ka sa dining area at mag-ayos ka na ro’n, maya maya lang ay bababa na ang Senyora!” “Opo!” At mabilis naman sumunod si Toni rito. “At ikaw, Via, bilisan mo riyan! Porke’t alam mong may pasok ka sa eskuwela ay kukupad-kupad ka riyan para makamenos ka ng trabaho!” Galit na bulyaw nito sa kaniya. Wala na nga yatang umaga na hindi siya binulyawan nito. “Saglit lang naman po ako sa school, Ate Merced, dahil graduation naman na po namin next week. May mga aayusin na lang po ak—” “Wala akong pakialam basta bilisan mo riyan!” putol naman nito sa sasabihin niya. “Opo!” mabilis naman na sagot niya pagtapos ay binilisan na niya ang pagluluto ng umagahan para sa mga amo nila. Nang makapagluto na siya ng fried rice, fried egg, bacon, hotdog at sausage ay hinihanda naman niya ang black coffee para kay Don Vino at Senyora Ava, samantalang kay Briella naman ay diet tea. Sa halos isang dekada na niyang nagtatrabaho sa kusina ng mga Saavedra ay kabisado na niya ang routine ng mga ito. “Via,” napatingin naman siya at nagulat siya nang makita si Don Vino roon. “Ay, Sir, bakit naman po pumunta pa kayo rito sa dirty kitchen?” nag-aalangang sabi niya sa Don. “Dapat po ipinatawag niyo na lang ako sa loob kung may kailangan kayo,” dagdag pa niya habang pinupunasan ang kamay sa apron na suot niya. “Don’t worry,” sabi naman nito pagtapos ay lumapit sa kaniya. “Narinig ko kasi na graduation mo na pala next week. May aakyat ba sa ‘yo sa stage?” “Po?” Parang gusto niyang matawa sa tanong nito. “Wala po, sanay naman na po ako na mula high school ay walang umaakyat sa ‘kin sa stage sa tuwing graduation o recognition ko.” Parang nalungkot naman ito sa sinabi niya. “Oh, ito regalo ko sa ‘yo, alam kong magagamit mo ‘yan,” usal naman nito pagtapos ay inabot sa kaniya ang isang maliit na brown envelope. Nagtataka man ay kinuha niya iyon. “Congratulation!” usal pa nito saka siya masuyong hinalikan sa noo niya. Sa sobrang gulat niya ay natigilan siya sa ginawa nito, lalo na nang pisilin nito ang balikat niya. “Dad, what are you doing here?” salubong ang kilay na tanong ni Briella sa ama at parang nagulat ito kaya mabilis itong lumayo sa kaniya. “Ah, ipapalabas ko lang sana ang almusal kay Via dahil maya maya lang ay pababa na ang Mommy mo,” tugon naman ni Don Vino saka muling bumaling sa kaniya. “Ilabas mo na rito ang mga pagkain para hindi ka na mapagalitan ng Senyora mo.” “O-opo,” naiilang naman na sagot niya pagtapos ay sumunod na siya rito at isa-isa niyang inilapag sa lamesa ang mga inihanda niyang pagkain. Samantalang si Briella ay nakatayo pa rin sa pintuan ng dirty kitchen. “Via, go to my room later. I have something to tell you,” utos nito sa kaniya pagtapos ay tinalikuran na siya. “Wait, Senyorita!” Pigil niya rito kaya tumingin naman ulit ito sa kaniya. “Pwede po ba na after school na lang? Kailangan ko po kasing makarating sa school ng 7 AM baka po hindi ako umabot,” nag-aalala namang pakiusap niya dahil nang tingnan niya ang oras ay mag-aalas sais na ng umaga. “Sure! Basta siguraduhin mo lang na pupuntahan mo ‘ko pagkauwing-pagkauwi mo,” mataray na wika nito. “Opo,” pagkasagot niya ay tinalikuran na siya ulit nito. Nagmamadali naman siyang bumalik sa maid’s quarter saka nagligo at nagbihis para pumunta ng school, may ilang mga clearance pa kasi siyang kailangang ipasa para sa nalalapit na graduation nila at may meeting pa rin daw sila with Mr. Hernandez. State University lang ang pinasukan niya at hindi naman siya nagbabayad ng tuition dahil 100% scholarship ang nakuha niya. Pinilit talaga niyang makuha iyon para kung sakaling bawiin ng mga Saavedra ang pagpapaaral sa kaniya ay kakayanin pa rin niyang mag-aral nang wala ang tulong ng mga ito. Paalis na siya nang maalala niya ang maliit na sobre na patagong ibinigay sa kaniya ni Don Vino. Kinuha niya iyon sa bulsa ng suot niyang pajama kanina at ng buksan niya iyon ay halos malaglag ang panga niya dahil isang bukos ng pera ang laman niyon. At sa estimate niya ay tingin niya’y nasa mahigit sampung libo iyon. Dahil sa takot niya na dalhin ang ganoon kalaking halaga ay itinago niya iyon sa ilalim ng drawer niya kung saan inilagay niya ang mga naiipon niya mula sa mga sideline na pinapasok niya. Balak kasi niyang mag-compute at bayaran sa mga Saavedra ang tulong na ibinigay ng mga ito sa kaniya kahit pa nga alam naman niya na pinagtrabahuhan din niya ang lahat ng iyon. At isa pa, gusto rin niyang hanapin ang Mama niya, kahit na hindi niya maintindihan kung bakit siya iniwan nito roon ay gusto pa rin niya itong makita o gusto niyang malaman kung nasaan na ito o kung buhay pa ba ito. “Oh, shít!” mura niya nang makita ang oras sa lumang bedside table niya. Halos patakbo siyang lumabas ng gate at nagulat siya nang paglabas niya ay nakatayo roon si Don Vino. “Via, ‘yong ibinigay ko sa ‘yo ay itago mo at huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino na ako ang nagbigay sa ‘yo ng perang iyon,” mahigpit na bilin nito sa kaniya habang may nakasubong sigarilyo sa bibig nito. “Opo. Huwag po kayong mag-alala, wala naman po akong pagsasabihan,” magalang pa ring wika niya kahit hindi niya rin alam kung para saan iyon. “Aalis na po ako,” paalam niya rito saka siya lumakad palayo at nang medyo malayo na siya ay tumakbo na siya hanggang sa makalabas sa gate ng subdivision na iyon, paglabas naman ay pumara agad siya ng tricycle at nagpahatid sa school nila. Pagdating niya sa gate ng school nila ay sinalubong agad siya ni Nyra. “‘Kala ko male-late ka na naman, eh, bi-bingo ka na talaga kay, Sir! Tara na! Tara na!” mabilis na hinawakan nito ang braso niya saka siya hinila at kahit na hinihingal pa siya ay wala naman siyang magagawa dahil talaga namang nagmamadali sila. Sakto lang naman ang dating nila at dahil malapit na ang graduation ay sobrang higpit sa kanila ng Prof nila, lalo na nitong si Mr. Hernandez. “Akala ko kahit sa last day ng meeting ay mahuhuli pa kayo, Ms. Fuentes at Ms. Perez,” pagtukoy nito sa kanilang dalawa ng kaibigan. “Sorry po, Sir,” paghingi naman niya ng paumanhin dito. Sa lahat kasi talaga ng Prof nila ay ito ang mahigpit. “Okay, class, this is the last day of our meeting as teacher and student. Pinapunta ko kayo ng maaga hindi dahil may ipapagawa ako sa inyo. Gusto ko lang na maging responsible kayo dahil kapag nagtatrabaho na kayo hindi na pwede ang petiks kayo at lalong hindi pwede na laging kayong late,” usal nito pagtapos ay pinanlakihan pa siya ng mata habag sinabi ang salitang ‘late’. Alanganin naman siyang napangiti rito. Saka itinaas ang kanang kamay bilang paghingi ng pasensiya. Kung sa ibang Prof nga lang siya napunta ay baka hindi siya pumasa dahil nga lagi siyang late sa unang klase niya. “But for today, class, I want to congratulate all of you officially,” pagtapos sabihin ni sir iyon ay nagpalakpakan na ang mga kaklase niya. Kahit siya ay walang paglagyan ang sayang nararamdaman niya. “At sa araw na ito ay official na ring natatapos ang pagiging estudyante ninyo.” “Thank you po, Sir!” halos sabay-sabay na sabi nila. “Okay, pwede na kayong magpakasaya at magpetiks. Siguradong matutuwa rin ang mga magulang ninyo. At sa huling pagkakataon na maririnig niyo ito… class dismissed,” binagalan pa ni sir ang pagkakabanggit ng huling salitang iyon at kasabay noon ay halos sabay-sabay na nagtayuan ang mga kaklase niya at nagtalunan sa tuwa kahit siya ay nahawa na rin. “Tara, celebrate naman tayo!” aya sa kaniya ni Nyra. “Ay naku! May raket ako mamayang gabi, eh!” tanggi naman niya rito. “Anong oras ba ang punta mo sa bar?” “Mga alas singko, sa opening kasi ako nagpalagay para naman hindi ako masyadong gabihin dahil nahihirapan akong gumising ng maaga.” “Oh, mamaya pa naman pala, eh. Tara gala muna tayo.” Napatingin naman siya sa relo na suot niya saka mabilis na ngumiti sa kaibigan. “Sige, tara!” Nang araw na iyon ay gusto munang pagbigyan ni Via ang sarili na mag-enjoy dahil alam naman niya na kapag nagsimula na siyang magtrabaho bilang sekretarya ni Briella sa Saavedra’s Group of Companies ay mahihirapan na siyang gawin ang mga gusto niya. Pero hindi pa man sila nakakalabas ng school ay natigilan siya nang magkakasunod na ring ng cellphone niya ang narinig niya at nang tingnan niya iyon ay nanlaki ang mata niya nang makitang si Briella iyon. “Oh, bakit? Sino ‘yan?” salubong ang kilay na tanong sa kaniya ni Nyra. “Si Briella!” “Sino? ‘Yan ba ‘yong spoiled brat mong amo?” taas-kilay na tanong nito. “Oo! Shemay, nakalimutan ko may pag-uusapan nga pala kami dapat. Teka lang, ha, tumahimik ka na muna,” pakiusap niya rito bago niya sagutin ang tawag na iyon. “Hel—” “Nasaan ka na ba, Via!? Hindi ba ang sabi mo ay saglit ka lang naman!?” bulyaw nito sa kaniya na hindi man lang hinayaang matapos ang pag-hello niya. “Ah, medyo napahaba kasi ‘yong meeting namin, pero pabalik na ‘ko.” “Bilisan mo lang at kanina pa ‘ko naghihintay! Nag-cancel ako ng lahat ng lakad ko para makausap ka!” “Sige po, pabalik na!” pagtapos ay pinatay na nito ang tawag. Bumaling naman siya kay Nyra. “Oy, pasensiya na, bawi na lang ako sa susunod. Kailangan ko ng bumalik sa mansion, eh!” “Hay naku! Daig mo pa si Cinderella na may two wicked stepsister! O, siya go! Baka ipalapa ka pa niyang amo mo sa alaga niyang American Bully!” “Thank you, Ny!” Patapos ay bumeso siya rito saka nagmamadaling pumara ng tricycle pabalik ng mansion. Pagdating niya sa mansion ay agad naman siyang sinalubong ni Toni. “Jusme, Via, bilisan mo at nagwawala na ang bruhilda!” Dumeretso naman siya sa kuwarto nito, huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa pinto. Nang marinig niya ang salitang ‘Pasok’ ay saka niya marahang binuksan ang pinto ng kuwarto nito. “Nandito na po ako,” magalang na wika naman niya rito na dala pa niya ang mga gamit niya dahil ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na ibaba iyon. “Halata ko nga, eh,” taas kilay na usal naman nito. “Isara mo ‘yang pinto at pumasok ka.” Sinunod naman niya ang sinabi nito. “Ano pong sasabihin ninyo?” Bigla namang nagbago ang expression ng mukha nito na ikinapagtaka niya. “Actually, I really need your help,” napatango naman siya, lagi namang mabait ito sa kaniya kapag may ipapakisuyo. Noong mga bata pa sila madalas ay siya rin ang gumagawa ng assignment nito. “Ano po ba ‘yon?” “I want you to seduce someone for my sake!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook