bc

My Fierce Cinderella - FREE (FINISHED)

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
family
fated
kickass heroine
gangster
heir/heiress
blue collar
drama
tragedy
sweet
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Buong buhay ni Brixianne Mish ay inilaan niya ang lahat para maging isang successful at makapangyarihan. Gusto niyang pabagsakin ang taong pumatay sa pamilya niya at sumira sa kinabukasan niya.

Isa na siyang sikat at tinitingalang newscaster sa bansa. At alam niyang isang salita lang niya sa publiko ay mapapabagsak niya ang taong kinamumuhian niya.

Pulido na sana ang mga plano niya laban dito na mataagl na niyang pinaghahandaan ng biglang sumulpot sa eksena si Dexter Satillan. Ang isa sa pinakamahusay na abogado sa bansa at ngayon ay naging tagapagtanggol ng taong kinasusuklaman niya. Matagal na siyang inis kay Dexter bukod pa sa kapitbahay niya ito sa Hermoso Avenue.

Ang binata ang laging dahilan para masira ang mga plano niya.

Bakit nga ba hindi? Dahil sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Dexter ay samu’t saring emosyon ang pinaparamdam nito sa kanya.

Hanggang sa matagpuan na lang niya ang sarili niyang umiibig sa binata.

Kaya nga ba niyang isakripisyo ang mithiin niyakapalit ng pag-ibig nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"OKAY! CUT!" Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng marinig niya ang mga salita na iyon galing sa floor director niya. Ini-relax na niya ang mga balikat niya ng masigurong naka-off air na siya. "Good job, Ms. Brix."ani nito sa kanya. "Mas magaling ka, FD."she said in polite tone. "Good job from all of us here."nakangiting sagot niya kahit na sa kabilang linya ang kausap niya. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at agad niyang tinanggal ang ear piece niya na nakakabit sa kaliwang tenga niya. Limang taon na siya sa industriya ng news at public affairs sa isa sa pinakakilalang istasyon sa bansa. Noong una ay nag-umpisa siya bilang isang field reporter at nagsusulat ng mga news sa tabloid. Sinikap niyang gumawa ng pangalan sa industriyang iyon at ilang taon lang ay naani na niya ang mga taon na pinaghirapan niya ng lubos. Nag-umpisang mag bloom ang kasikatan niya ng may isang pulitikong ibinunyag niya ang mga baho nito sa buong bansa. Kahit na alam niyang magiging buhay niya ang pwedeng kapalit ng ginawa niya ay iwinalang bahala niya ang bagay na iyon. Ginawa niya ang alam niyang tama. Walang takot na inilabas niya ang mga ginagawalang anumalya nito sa publiko. At doon siya umani ng simpatya at suporta sa mga tao. Mula noon ay binansagan siya bilang ‘Ms. Fierce Cinderella’ as reporter. At dahil nga sa nangyari ay maraming nagsulputan na mga networks ang gustong kumuha sa kanya. And of course, sino ba ang dapat na piliin?Kaya nga hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon ng isa sa pinakamalaking istasyon ang gustong kunin siya bilang isang news anchor. Ginawa niya ang one hundred and one percent niya para masigurong magtatagumpay siya sa mga plano niya sa buhay. Hindi dahil sa pangarap niya iyon. Kundi may isang malaking misyon siya na ilang taon niyang pinagpa-planuhan. Gusto niya kapag dumating ang tamang araw na iyon ay maging perpekto ang lahat ayon sa plano niya. Sa ngayon, ilang panahon nalang ang kailangan niyang hintayin para maisakatuparan ang mga plano niya. Ang kailangan lang niyang gawin ay maghintay nalang ng ilang panahon. Sumulyap siya sa wrist watch niya. Gaya ng inaasahan niya ay Ala-syete ng gabi natatapos ang show niya. Nasa prime time kasi ang palabas niya and so far ay isa iyon sa tinatangkilik ng mga tao at palabas na pinagkakatiwalaan nila pagdating sa pagpapahayag ng balita. Pagkapasok niya sa opisina niya ay agad niyang nasilayan ang tao na kanina pa niya hinihintay. Kampanteng nakatayo lang ito sa likod ng table niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang opisina kasi niya ay nasa ika-33th floor. Mas gusto niya kasi ang matataas na lugar kung saan niya nakikita ang buong syudad at napagmamasdan niya ang mga tao na baba. “You’re late, Xander.”ani niya pagkasara ng pinto. Saka lang siya nito binalingan pagkarinig sa boses niya. Agad itong ngumiti pagkatama ng mga mata nila. “No, I’m not late.”ani nito sabay lapit sa kinaroroonan niya. “I’m not referring now. I’m talking about yesterday. Late ka na sa usapan natin.” Sa sinabi niya ay humalakhak ang lalaki. “Brix, Brix. All work and no play makes you a dull girl. Haven’t you noticed that, Darling?” Imbis na mainis sa sinabi ng lalaki ay tinaasan lang niya ito ng kilay. Pumunta siya sa table niya at umupo doon. Sumunod naman ito sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. “Alam mo naman na wala akong dapat na aksayahing oras. And you know that too.”seryosong sabi niya sa lalaki. Ilang saglit lang siya nitong pinagkatitigan. Maya-maya lang ay naiiling na inilapag nito ang isang brown envelop sa harapan niya. Dahil kahapon pa niya hinihintay iyon ay wala na siyang inaksayang oras at agad niyang binuksan ang laman niyon. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya habang tinitignan ang larawang ibinigay ni Xavier. “Thanks, Xander.”ani niya habang binabalik ang mga litrato sa envelop. “Wala pa din katulad ang galing mo. You’re the best in this world.” “Your wish is my command, Darling. So, hindi naman pwede na ikaw lang ang makinabang dyan. What’s my price?” Sumandal siya sa swivel chair niya at pinagkatitigan ang gwapong mukha nito. Nakilala niya si Xander sa mga panahong kailangan na kailangan niya ng taong lalapitan at masasandalan. Anim na taon din kasi ang tanda nila sa isa’t isa bukod pa sa parang magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Sa ngayon, isa na ito sa tinitingala at isa sa magagaling na abogado sa bansa. Halos limang taon na silang magkaibigan at alam na niya ang ibig sabihin sa premyong tinutukoy ng lalaki. “Fine. Sino na naman ang gusto mong maka date na chicks na kilala ko?” He laughed. “No, I wasn’t referring for that, Brix. Anyway, saka ko nalang kukunin ang ‘kabayaran’ para dyan.” Tumayo ito at hinawakan siya sa pisngi. “You’re tired. You should go home and rest.” Maya-maya lang ay nagpaalam na sa kanya si Xavier. Hindi na rin niya pinilit na sabihin nito sa kanya kung anong premyo ang gusto nito. Mas nakatuon kasi ang atensyon niya sa mga larawan na hawak hawak niya ng mga oras na iyon. Muli ay inilabas niya ang mga pictures at isa isa niyang pinag-aralan ang mga iyon. Litrato iyon ni Congressman Benito. Isa sa pinakamasamang tao na kilala niya sa bansa. At isang matibay na ebidensya ang hawak niya ng mga oras na iyon. Mga larawan iyon ng mga babaeng menor de edad na inaabuso nito physically. The picture says it’s all. Wala ng dapat na ipaliwanag dahil mas malinaw pa sa sikat ng araw ang kabuluktutan na ginagawa ng taong iyon. Ikinuyom niya ng mahigpit ang mga kamao niya. Ramdam na ramdam niya ang pamilyar na galit na unti unting umuusbong na naman sa kaibuturan ng puso niya. “Simula pa lang ito, Benito.” AGAD niyang ipinarada ang kotse niya sa tapat ng The Slicery. As expected ay closed na ang store. Imbes kasi na direstong umuwi siya sa bahay niya ay nagpasya siyang tumuloy sa shop para dalawin ang kaibigan niya. At syempre, kumain ng pizza na especialty nito. Wala na siyang inaksayang oras at agad siyang pumasok sa loob. At tulad nga din ng inaasahan niya ay nasa favorite spot nito ang kaibigan niyang si Hasmin. Nang lumipat siya tatlong taon na ang nakakalipas sa isa sa pinakamaganda at exlusive subdivision sa bansa, ang Hermoso Avenue, ay doo niya ito nakilala. Sa buhay niya, wala siyang maituturing na best friend kundi si Xavier at Hasmin lang. Oo nga’t sa pinasok niyang larangan ay dapat na approachable siya at sociable. She can do that things pero hanggang doon lamang. Hindi niya hinahayaan na may ibang tao na mapalapit sa kanya ng husto. Pero iba si Hasmin. Ito lang yata ang taong nakilala niya na makulit at hindi tumitigil hangga’t hindi nito nakukuha ang gusto. Tulad nalang ng friendship nila. So far ay nagtagumpay ito na makuha ang friendship nila. Sa totoo lang kasi, nakakalimutan niya ang lahat ng mga problema niya sa buhay kapag kasama niya ang babaeng ito. Mukhang normal na kasi dito ang magiging sunny at bright na personality. “Where’s my pizza?”sabi niya ng makatapat niya dito. As usual ay nakapalumbaba na naman ang eksenang naabutan niya dito na halatang nag-day-day dreaming na naman. “Don’t tell me na si Paul na naman ang laman ng mga pantasya mo?”taas na kilay na sabi niya. Doon lang ito humarap sa kanya. Natigilan siya ng mapansin na malungkot ang ekspresyon ng kaibigan niya. Nag-alala man ay hindi niya pinahalata sa kaibigan. Umupo siya sa harap nito. “Problema mo? Bakit parang ang haba yata ng mukha mo ngayon?”ani niya. Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot sa kanya. “Naisip ko lang, lagi nalang ba akong mangangarap na maging akin ang lalaking gustong gusto ko? Hindi ba pwedeng maging totoo ang pangarap na yun?” Natahimik siya sa sinabi nito. Hindi kasi lihim sa kanya na kung gaano kalaki ang pagtatangi nito kay Paul na halos ilang taon din nitong inalagaan. Siya naman ang napabuntong hininga. Sa nakikita niya sa kaibigan niya ay mukhang depressed ito ng mga oras na iyon. “I give up.” Ani nito na halatang pati pagbigkas ng mga salitang iyon ay nahihirapan ito. “Suko na ako. Alam ko naman na hindi niya talaga ako kayang mahalin. Pero sana man lang ay makasama ko siya kahit na nakaw na sandali lang.”malungkot na sabi nito. Ilang sandal muna siyang hindi kumibo at pinagkatitigan ng husto si Hasmin. Mukhang nasa sukdulan na ito ng kawalang pag-asa sa pagsinta nito sa lalaki. “Bakit hindi natin siya kidnappin?” Sa sinabi niya ay agad na binalingan siya ng kaibigan. “W-what do you mean, Brix? Ki-kidnappin natin si Paul?”nanlalaking mata na sabi nito. Napatango siya. “Hindi ba’t gusto mo siyang makasama kahit na nakaw na sandal lang? Iyon lang ang maitutulong ko sa dilemma mo, Hasmin.” Hindi man ito sumagot ay alam niyang nais din nito ang naisip niyang paraan. “Paano?” Mula sa bag ay inilabas niya ang isang invitation card at iniabot sa kaibigan. “Sa birthday party ni Travis. Dyan natin siya kukunin. Sa ngayon wala pa akong solid plan kung paano natin gagawin. Ang mahalaga ay makasama mo siya at may pagkakataon ka pang mapaibig si Paul. May isa lang akong kundisyon kapag nagtagumpay tayo, Hasmin.” “W-what is it?” “Kapag umuwi kang bigo at hindi ka nagtagumpay na mapaibig siya, you must move on in your life. Forget him and move on. Iyon lang ang tanging kondisyon na gusto ko.” GAYA ng inaasahan niya ay dinumog ng mga kilalang personalidad ang party ni Travis Laurel. Mula pulitiko, artista at mga kilalang matagumpay na businessmen. Talagang isa sa maimpluwensya sa lipunan ang pamilya nito. Iginala niya ang paningin sa malawak na bulwagan ng mansion nito kung saan ginaganap ang party ng mga oras na iyon. Halatang sa simula pa lang ay enjoy na enjoy na ang mga bisita. Noong nakaraang araw pa plantsado ang plano nilang dalawan ni Hasmin. Alam niyang dapat na hindi siya makagawa ng pagkakamali sa bawat habang niya. marami din kasi ang nagkalat na bodyguards sa paligid. Ang kailangan lang niyang gawin ay siguraduhing hindi siya papalpak dahil siya ang lubos na malilintikan sa plano niya. Sa totoo lang ay hindi naman iyon ang unang beses na gumawa siya ng ganoong klaseng plano. Ginagawa niya iyon dahil sa trabaho niya. hindi lang siya humaharap sa television at nagbabasa ng balita. Gusto din niyang masiguro na totoong balita talaga ang hinahatid niya sa mga mamamayan. Malimit ay siya mismo ang nagiging spy at kumukuha ng ebidensya. Kaya sisiw na sa kanya ang bagay na gagawin niya ng gabing iyon. Nang makita niya ang grupo ng mga lalaki ay iyon na ang naging hudyat para simulan ang plano niya. agad siyang lumapit di kalayuan sa isang lamesa. “Hello, guys. Good evening.”bati niya sabay paskil ng isang mapang-akit na ngiti sa labi. Gaya ng inaasahan ay agad na natuon ang atensyon ng mga kalalakihan sa kanya. “You look gorgeous tonight, Ms. Brixianne.”agad na sabi ng isang lalaki na tumayo pa para kamayan siya. At kung hindi siya nagkakamali ay si Yasser Mueller iyon. Actually, kilala niya ang nasa mesang iyon kung saan nakaupo ang Hermoso Boys. Iyon kasi ang bansag ng mga residente ng Hermoso Avenue dahil ang mga ito ang pinakamayayaman at popular. “Of course, who wouldn’t recognize the fierce Cinderella of television?” Binalingan niya ang nagsalita. Hindi na niya sana papansinin ito ngunit hindi niya mapigilan ang sarili ba balingan ang lalaki na ngayon ay kasalukuyang nakatingin sa kanya at mataman siyang pinagmamasdan. Actually, ito agad ang una niyang napansin sa table. Yes, lahat ng kasama nito ay nag-ga-gwapuhan at malalakas ang appeal. At sino nga rin ba ang hindi nakakakilala kay Dexter Satillan? Dahil narin kasi sa klase ng trabaho niya ay marami siyang kilalang personalidad at isa na doon ang Dexter na ito. Maraming nagsasabi na isa ito sa pinakamagaling at mahusay na abogado sa bansa. Bakit nga ba hindi? Laging malalaking kaso ang nahahawakan nito at napapanalo nito iyon. Ang huling kasong hawak nito ay isa sa pinakakontrobersyal dahil sa politikong kinasasangkutan niyon. Isa siya sa mga tao na tumulong i-expose ang baho ng politiian na iton at ipaalam sa mga mamamayan ang totoong pagkatao niyon. Ang problema nga lamang ay may mga tao din na pilit iyon hinaharangan. Like Dexter Satillan. Kung hindi dahil dito malamang ay matagal ng nakulong ang taong iyon. Malas nga lamang at sadyang magaling itong abogado. But one thing is for sure. She hates this kind of man. She hates Dexter’s guts. “And who wouldn’t recognize the famous Dexter Santillan? Oh wait, ano nga bang tawag sayo ng mga tao?”umarte siyang nag-iisip habang malamig na sinalubong ang mga tingin ng lalaki. “The cold and heartless attorney of all time.” Gaya ng inaasahan niya ay mukhang hindi ito naapektuhan sa sinabi niya. katunayan ay wala siyang nababasang kahit na anumang emosyon sa mga mata ng lalaki. “I’m flattered na kilala pala ako ng isang tulad mo.”pormal na sabi nito. Nang hindi na siya makatiis sa mga patutsada nito ay masama niyang tinitigan si Dexter. Magsasalita pa sana siya ng may narinig siyang malakas na tikim. “Mas maganda ka talaga sa personal, Ms. Brix. Why don’t you join us?” sabi naman ng isang lalaki na si Kenesis at iniurong pa ang umupan na katabi nito para maupo siya. Halatang pinuputol na nito ang mainit na salitaan nila ng kaibigan nito. Sa ngayon, she will let Dexter win this time. Ang importante ngayon ay ang plano nila ng kaibigan niya. Ngunit imbes na doon siya umupo ay tinignan muna niya ang talagang tao na pakay niya sa grupo. Nakangiti lang ito sa kanya at nagmamasid. Kaya wala siyang inaksayang oras at agad siyang umikot malapit dito. “Sorry, Pare. Mukhang sa nakakadalawang kabiguan ka na ngayon gabi.”ani ni Yasser. Narinig lang niya ang mapang-asar na kantyaw ni Yasser kay Kenesis ngunit na niya iyon binigyang pansin. Mas mahalaga kasi ngayon ay si Paul. “If I’m not mistaken, you are Doctor Paul Cenon Cabrera, right?”ani niya na mas pinalawak pa niya ang pagkakangiti. “By the way, I’m Brixianne Mish Rodriguez.” Hindi naman siya nabigo na mukuha ang buong atensyon nito. Agad siyang umupo sa tabi ng lalaki. “I already know you, Ms. Brix. Wala yatang tao sa pilipinas ang hindi ka kilala.”nakangiting sabi ng lalaki sa kanya. Mukhang hindi niya masisisi ang kaibigan kung mahulog talaga ang loob nito sa lalaki. Sino ba naman kasi ang hindi magagawang ibigin ang lalaking kaharap niya ngayon? Dahil bukod sa gwapo at malakas na s*x appeal nito ay mabait pa. hindi rin kasi lingid sa kaalaman niya na natulungin sa mga nangangailangan ang lalaking doctor. Nakilala ito dahil sa mga organisasyong tinatayo nito at pinapalago na malaki at maraming natutulungan sa mga mamamayan nila. “You know what? Alam mo bang may plan akong i-feature sa show ko ang isa sa mga organization mo? Kaya nga na makita kita ay wala na akong inaksayang oras.”ani niya dito. Hindi lingid sa kanya na nakuha na niya ang atensyon ng binata. Well, isa sa mga natutunan niyang katangian ang mang-akit. Halos thirty minutes din silang nag-usap ng binata tungkol sa show niya at balak na pag-feature niya dito. Nang makita niya si Hasmin na may dala-dalang mga alak ay naging hudyat na iyon ng pangalawang yugto ng plano nila. “Care to drink?”sabi niya na agad na tumango ang binata. Agad niyang sinenyasan si Hasmin na nagpanggap na waitres. Siniguro nilang iba ang itsura nito ng mga oras na iyon. Kailangan ay hindi ito makilala ng kahit isa sa mga Hermoso Boys. Hinintay niyang ilapag ni Hasmin ang wine glass sa harapan nilang dalawa. Humugot muna siya ng hininga bago niya nginitian ng matamis si Paul at itinaas ang champagne na hawak niya. “Cheers?” Hindi niya inaalis ang tingin niya kay Paul habang marahan nitong iniinom ang alak na may lamang pampatulog. Sampung minute. Mayroon siyang sampung minute para gawin ang pinakahuling plano niya. and the rest ay si Hasmin na ang bahala para makuha nito ang lalaki. Tumayo siya at nagpaalam kay Paul. Nagkunwari siyang pupunta sa restroom. Kailangan niyang makapunta sa pinakalikod ng masion kung saan nakalagay ang pinaka main switch ng kuryente. At habang naka off ang ilaw ay doon na gagawin ni Hasmin ang parte nito sa plano. Ang kidnappin si Paul Cenon. Tiniyak muna niya na walang makakakita sa kanya habang papunta siya sa likuran ng mansion. Gaya din ng inaasahan niya ay walang kahirap hirap na nakita niya ang main switch. Agad niya iyong ibinaba and just an instant ay nawala ang kuryente sa buong mansion kasabay ng ingay ng mga tao sa labas na halatang gulat sa biglaang ng ilaw. Sinanay muna niya ang paningin niya sa dilim bago napagpasyahan na gumalaw mula sa kinauupuan. nang makalabas ay agad niyang tinawagan si Hasmin. “Update, please. Nasaan kayo ni Paul?”ani niya na sinadya niyang ipaos ang tinig. Mahirap nang may makarinig sa kanya, “Nasa kotse na kami ngayon.”sabi nito na halatang hinihingal. “We’re blocks away from Travis mansion.” Sa narinig ay doon lang siya parang nakahinga ng maluwag. Dahil wala sa kanya ang ikatatagumpay ng plano kundi nasa kaibigan. “Have a safe trip then. Notify me kapag nakarating na kayo.”sabi niya sabay baba ng telepono. “Who are you?” Nanigas siya mula sa pagkakatayo ng marinig niya ang baritonong tinig mula sa likuran niya. pilit niyang pinagana ang senses niya ng mga oras na iyon. “I said who are you? Ikaw ba ang dahlia kung bakit nawala ang kuryente sa buong mansion?” Sa tantya niya ay papalapit na ito sa kinaroroonan niya kaya pinamubuti niyang maging handa. Madilim pa din ang buong lugar kaya wala siyang dapata ikabahala ng husto. Hindi pa din siya nakikila ng lalaking ito. Pinakiramdaman muna niya ang bawat hakbang na gagawin ng lalaki. Nang sa tantya niya ay hahawakan na siya nito sa balikat ay agad niya tinabig ang kamay nito saka siya humarap dito. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin niyang inilabas nito ang cellphone. Marahil ay para ilawan siya. at iyon ang hinding hindi niya hahayaang mangyari. Wala na siyang inaksayang oras at sa pamamagitan ng highkick na ibinigay niya ditto ay humagis ang cellphone na kanina lang ay hawak hawak ng lalaki. “s**t!”anas ng lalaki na halatang nasaktan sa ginawa niya. Mula sa kinaroroonan ay ramdama niya ang malakas nitong paghinga. “Hindi ako papaya na makatakas ka.” Sabi nito sabay hawak ng mahigpit sa kamay niya. Kahit na madilim ay nasisiguro niyang malaking tao ang nasa harapan niya ngayon at walang dudang mas malakas ito sa kanya base na din sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. dahil kahit na may kaalaman siya sa martial arts ay mas makakabuti kung aalis siya sa lugar na iyon ng hindi siya masasaktan. she needed to think. Kailangan niyang paganahin ng mabuti ang isip niya. hindi nakakabuti kung matataranta siya ng mga oras na iyon. At dahil alam niyang anumang sandal ay magkakailaw na. at kapag nangyari iyon na nandoon pa siya sa mansion habang huli ng lalaking ito ay ibig sabihin lang ay katapusan na ng plano nila. Iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. Mabilis ang ginawa niyang pagkilos. Dahil kaliwang kamay lang naman ang hawak nito sa kanya ay madali niyang magagawa ang binabalak niya. Pagkahubad niya ng sapatos niya ay agad niya iyong pinulot at mahigpit na hinawakan. Walang pagdadalawang isip na ipinukpok niya iyon sa lalaking may hawak sa kanya na naging sanhi ng pagkakawala niya mula sa pagkakahawak nito kasabay ng malakas na pagtulak niya. Dahil siguro sa pagkabigla ay nasisiguro niyang natumba ang lalaki. Halatang nasaktan ito sa ginawa niyang pagpukpok nsa ulo nito. Wala na siyang inaksayang oras at agad siyang tumakbo papalayo sa lalaki. “Shit.”mahinang usal niya habang pilit na tinutunton ang gate palabas ng mansion. Wala na siyang pakialam kung may nabubunggo siyang tao basta ang nasa isip lang niya ay makaalis sa lugar na iyon. Mahirap ng mahuli pa siya ulit ng lalaking iyon. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng papalabas na siya ng mansion at pinaarangkada na niya ang sasakyan niya. “Muntikan na kong mahuli.”bulong niya habang mahigpit na hawak ang manibela. Naiinis siya dahil muntik ng masira ang perpektong plano niya dahil lang sa isang lalaki. She’s wondering kung sino ang lalaking iyon. Muli siyang napahugot ng hininga. Ang importante ay nagaw na niya ang parte niya at nasa kamay na ni Hasmin si Paul.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook