Kabanata 6

1529 Words
Kabanata 6 What If "Ramirez... Three points." Natulala lang ako sa kanya habang tumatakbo siya sa loob ng court. Pawis na pawis na siya pero nakatutok pa rin siya sa paglalaro. Binabantayan ang bola na nasa kalaban. Nakasingit ako sa mga taong nanonood para makita ko ang kabuuan ng laban. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito si Bryce. Ang Idol ko... Nandito siya... Nagawa niyang maagaw ang bola sa kalaban dahil sa kanyang bilis. Nagsigawan ang mga tao nang tumatakbo siya papalapit sa kanilang ring kasabay nang pag-dribble niya sa bola. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan nang tuluyan niyang maipasok ang bola sa kanilang ring at nagkaroon sila ng dalawang puntos. Tumakbo siya sa ring ng kalaban kasabay nang pagtingin at pagkaway niya sa mga nanonood. Napasadahan niya rin ako ng tingin pero bigla naman siyang umiwas. "Go Bryce! Go Bryce!" pamilyar na sigaw ang narinig ko. Napalingon ako sa kabilang banda ng court at doon ko napagtantong nanonood na rin pala ang tatlo niyang kaibigan na walang ginawa kundi ang husgahan ang pagkatao ko. Napatingin ako sa scoreboard. Lamang ng dalawampung puntos sila Bryce sa kalaban. Alam kong panalo na 'to dahil 4th quarter na ng laban. Sa kalagitnaan ng panonood ko, nagulat na lamang ako nang may nagtapik sa likuran ko. f*****g Jo! "Ginagawa mo rito?" tanong ko. "Ibalik ko kaya sa'yo ang tanong? What are you doing here? Are you watching Bryce's game?" napangisi siya habang nakatingin sa akin. "H-Hindi. Malapit lang kasi ang bahay ko dito. N-Napadaan lang ako." Natataranta kong sabi. "Then? Why you're still here watching this game?" "Eh ikaw? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako? Baliw ka na ba, Jo?" Umiling-iling lang siya habang natatawa. "Di'ba sabi ko nga, I won't stop following you. Sinusunod ko lang ang sinasabi ni Shai. Kailangan kitang bantayan. Kailangan kong bantayan ang mga kilos mo. At kailangan ko ring alamin ang bahay mo kaya sinundan kita rito." "K-Kelan mo pa ako sinusundan?" pagtatanong ko sa kabila ng malakas na hiyawan ng mga taong nanonood. "Kanina pa, sa mall." Mabilis niyang tugon. "WHAT!" gulat kong sabi. "Yup, you were chasing Justin. As if naman na mahahabol mo siya, mabilis ang isang 'yon eh pagdating sa takbuhan." Natatawa niyang sabi. Kaya pala halos mawala na sa paningin ko si Justin dahil sa bilis nitong tumakbo papalayo. "Look, they're looking at us." Napalingon ulit ako sa kabilang banda kung saan nandon ang tatlong kurimaw na kaibigan ni Bryce. Nakatingin sila sa akin habang nag-uusap. Nagtatawanan din sila pero hindi ko alam kung bakit. "Looks like they're talking about you." "Oo nga eh. Nabu-bwiset ako sa kanila lalong-lalo na kay Justin. He stole my f*****g shoes. Man, that was a free shoes. A free shoes. Pero he just grabbed it. A f*****g w***e full of envy!" galit kong sambit kaya naman umalis na ako sa lugar na iyon nang tahimik. Nagtitimpi ako sa galit. Sobra na, sobra na talaga silang tatlo. I'm so humiliated. Sinundan pa ako ni Jo hanggang sa gate ng apartment pero hanggang doon lang siya. Hindi ko siya pinapasok dahil bawal ang outsiders sa loob. Saktong wala sila kuya Russel at kuya Nathan sa apartment, oras na siguro para paligayahin ang sarili ko. Stress na stress na ako dito sa Maynila. Gusto ko munang magparaos. Hinubad ko muna lahat ng sagabal na nasa katawan ko at tanging boxer shorts na lang ang tinira ko. Habang umiinom ako ng tubig, napansin kong may kumakatok pala sa pinto. Naku, baka si Jo lang 'to pero paano naman siya nakapasok. Pagbukas ko ng pinto, isang lalaking pawis na pawis na may maamong mukha at naka-jersey ang bumungad sa akin. Bakit ganoon? Ang bango pa rin niya kahit pawis na siya. Teka? Ba't ko ba siya inaamoy. Putragis! "Nandiyan ba si kuya Russel?" tanong niya. "W-Wala." Tugon ko habang pinagmamasdan ko siyang hinuhubad ang kanyang jersey. "B-Baka naman." Bumalik ako sa wisyo nang magsalita siya. "Bakit? Wala nga dito si kuya." "Alam ko. Baka naman." Aniya pero binigyan ko lang siya ng curious face. "Bakit ba?" "Baka naman gusto mong ayusin 'yang boxer mo, bakat na bakat na kasi." Tumawa lang siya at napatingin din ako sa boxer shorts ko. Halata na pala umbok shitz. "Biro lang yun, baka naman pwedeng maki-inom ng tubig. Kayo lang kasi yung alam ko na malapit yung bahay dito sa court." "Ah... Sige tuloy lang." ang sabi ko naman at mabilis siyang nagtungo sa ref para kumuha ng mineral water. Ang arti. Dito pa naki-inom. Samantalang kami sa probinsya, ayos na ayos na sa tigpipisong ice tubig. "Uhh...." Sambit niya pagkatapos niyang uminom ng malamig na tubig. "Salamat." At ibinalik niya ang bote sa ref. Aba'y nagtira pa talaga. Di nalang inubos. Nahiya pa. "Wala 'yun. Saka, panalo kayo di'ba? Congrats pala." Masaya kong sabi at inabutan ko siya ng kamay. Inabot niya ang kamay ko at saka ako niyakap. Naalala ko nga palang wala kaming suot na pang-itaas. Nagkadikit ang aming mga katawan at naipasa tuloy niya sakin ang malagkit niyang mga pawis. Lalakeng 'to di man lang nagpupunas. Gross. "Salamat. Oops, sorry malagkit nga pala ako. Papunas naman par, oh." Dapak! Gagawin talaga niya akong utusan. Langyang 'to. Sinunod ko nalang siya at dahan-dahan kong pinunasan ang kanyang likuran. Mabango pero ayaw na ayaw ko talaga ang pawis kaya't pinunasan ko ito ng maigi. Sa kanyang pagharap, bumalandra sa harapan ko ang magaganda niyang hubog. Pinapunas niya rin ito sa akin pero para sa akin wala naman itong malisya. Naiinggit pa nga ako dahil maganda hubog ng katawan niya. Samantalang ako may katawan lang. Nakabukas pala ang pinto kaya naman hindi namin namalayan na kakarating lang ni kuya Russel sa kung saan at nasa pinto siya ngayon habang naabutan niya akong nagpupunas ng pawis ni Bryce. Mabilis kong hinagis ang towel niya sa kanyang mukha nang mapansin ko si kuya Russel. "Kuya, kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Bryce. "Ah hinde. Kararating ko lang naman. Sige, tuloy niyo lang. Sweet niyo eh." Sabi ni kuya pero humalakhak lang ng malakas si Bryce. Ba't kaya ang saya niya ngayon? Parang noong isang araw galit pa siya sa akin. [FLASHBACK] "Man, ba't mo ginawa 'yun?" ani Lowell at umiling-iling ito sa akin. "You should never do that again, bro." ang sabi naman ni Dale. "B-Bakit naman? Anong mali doon? Anong mali sa ginawa ko? May mali ba?" sunod-sunod kong tanong. "Oo, maling-mali talaga. Tsk tsk." Sabi naman ni Justian/Ian/Garcia. "Anong mali? Anong mali?" pagtatanong ko. "Basta. Hindi mo pa kasi siya kilala. H'wag na h'wag ka munang magpapakita kay boss Bryce, baka masapak ka niya kapag nakita ka pa niya bukas." [END OF FLASHBACK] "Hindi kana ba galit, Idol?" lakas-loob kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung anong itutugon niya pero handa na ako kung magalit man siya sakin o kaya sapakin niya ako bigla rito. Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Ah 'yun ba. Sorry, na-stress lang kasi ako sa schoolworks. Pagpasensyahan mo na ako." Malumanay niyang sabi at saka sinuot ulit ang kanyang jersey shirt. "So, ayaw mo ba talagang sumali sa team?" pagtatanong ko. Hindi pa man siya nakakasagot ay biglang dumating ang tatlong estranghero este tatlong kurimaw sa apartment dala-dala ang isang bagay na pamilyar sa akin. Iyon ang kahon na naglalaman ng sapatos na ibinigay sa akin sa mall. "Bryce, stop making friends with him. You need to find out this." Ang sabi ni Justin at inilabas niya ang magagarbong sapatos. "What's that? Anong meron diyan?" pagtataka ni Bryce. Pati ako nagtaka. Ano bang meron? "That's mine-" ang sabi ko pero mabilis na sumigaw si Lowell. "NO! You've stole it!" "Oo nga." Sabi naman ni Leiv. "Hep-hep, anong meron dito? At saka sino kayong tatlo?" sabi ni kuya Russel pagkalabas niya ng kwarto. "Ah. I see. You're the brother of this delinquent guy, eh?" sabi ni Justin kay kuya Russ. "Delinquent bakit naman? Anong ginawa nitong kapatid ko?" nilapitan ako ni kuya Russ at inakbayan. "Ninakaw ng kapatid mo yung sapatos doon sa mall, I saw him. Galing siya sa mall at ipinakita niya sakin yung Air Jordan na ninakaw niya." Sabi ni Justin. Napalingon naman sa akin si Bryce nang masama. "H-Hindi, idol Bryce. Hindi ko yan ninakaw. Kusa 'yang binigay sa akin noong lalaki." Pagpapaliwanag ko. "Ah no? Magsisinungaling ka pa. Hindi mo ba alam na shop nila Bryce ang pinagnakawan mo." Sabi ni Leiv sa akin pero napailing-iling ako. "Hindi. Wala akong alam. At saka binigay yan sakin." Pagtatanggol ko pa rin sa sarili ko. Napailing-iling si Bryce habang nakatingin sa akin. Umalis siya kasama ang bitbit nilang sapatos. Sinundan naman ito ng tatlong kurimaw na mga judgemental. Fuck! Mapapamura ka nalang talaga dahil sa inis. Pinagalitan pa ako ni kuya Russel. What if kung hindi ako nagpunta sa mall... What if kung hindi ako nag-aral dito... What if kung nag-stay na lang sana ako sa probinsya... Hindi sana nagkakagulo ang buhay ko. Nagpunta ako rito para baguhin ko ang sarili ko pero para mas lumala pa 'yata sa paningin ng ibang tao. I am f*****g worse than before. Should I leave this home para mawala na ang problema ni kuya Russel?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD