Kabanata 5
Three Points
"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Agad naman akong nagpunas ng luha bago ako magsalita at tumugon sa kanyang tanong.
"W-Wala. Ikaw bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" ang sabi ko pero umiling lang siya.
"Nah, I'm just making sure na ayos ka lang. Magagalit si Shai sa akin kapag nalaman niyang hindi kita kasama."
"Could you please tell her na nakapag-decide na ako?" sabi ko at abot tainga naman ang ngiting naging reaksyon ni Jonathan.
"Yown! I'll text her na nakapag-decide ka nang sumali sa te-"
"NO! A BIG BIG NO!" malakas kong sigaw na ikinagulat niya. "Tell her na ayaw kong sumali. Find other guys out there. Hindi niyo ako kailangan. Wala kayong mapapala sakin."
"H'wag kang sumuko, Harv. Alam kong badtrip ka lang dahil sa sinabi ni Leiv kanina, please be matured h'wag mo siyang pakinggan."
"Kaya nga, I'm immatured right? Dahil talaga probinsya ako. Dahil baguhan lang ako dito. Hindi niyo kailangan ng isang probinsyanong katulad ko sa pagsali sa team niyo. Marami diyang iba na gustong sumali, please give them a chance."
"It is now your chance, Harvey. Isipin mo na lang kapag naging varsity ka sa tea-"
"I KNOW! I KNOW! ALAM KO!" muli kong sigaw.
"H'wag mo akong sigawan! Alam kong galit ka lang dahil kay Leiv, please don't mind him. Naiinggit lang sila sa'yo kaya ka nila sinisiraan. Kasi bago ka pa lang dito pero nakikitaan ka na ni Shai ng future mo sa basketball. Samantalang sila, nag-try out pa makasali lang sa team."
Pinag-isipan ko ang sinabi niya ng mabuti. Pero nakapag-decide na ako, buo na ang desisyon kong tumanggi sa offer ni Shai. And I'm feel very sorry to her dahil hindi ko nagawang pilitin si Bryce within this day. Konting panahon na lang ang natitira para sa laban pero hindi pa rin sila nakakabuo ng team. Kapag nagpatuloy pa iyon, baka hindi na makasali ang school namin.
"Stop convincing me! H'wag niyong pilitin ang mga taong ayaw talaga sumali. Please, hayaan niyo na lang ako." Naglakad ako paalis sa garden pero huminto ako sandali. "And please don't follow me again. I quit!"
"I won't stop following you." Narinig ko ang kanyang sinabi kahit na unti-unti na akong lumalayo mula sa kinatatayuan niya. Gusto ko munang mapag-isa at magisip-isip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Tama nga siya, ito na ang chance para maipakita sa iba ang gusto ko. Para maging proud sila sa akin pero kaya ko ba talaga itong ipaglaban? Susuko ba ako o lalaban? Hays. Napakahirap talagang magdesisyon, lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon. Gulong-gulo, litong-lito na ang isip ko. Dapat siguro magpakamatay na lang ako para matapos na 'to, pero hindi pwede. Alam kong may pag-asa pa para bumangon. Gusto ko munang dahan-dahanin ang magiging desisyon ko sa lalong madaling panahon.
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtungo sa mall na malapit sa school para hanapin ang lalaking nagbigay sa akin ng sapatos. Maganda siguro kung sa kanya ako hihingi ng payo. Mabait siyang tao kaya naman alam kong matutulungan niya ako at isa pa may tiwala na rin ako sa taong iyon.
Nasa tapat na ako ng store nila pero hindi ko mahanap ang lalaking nagbigay sakin ng sapatos. Hindi ko pa man din alam ang pangalan niya kaya naman nahiya na rin akong magtanong. Siguro mas mabuti pang umuwi na lang ako ng maaga para hindi magalit si kuya Russel sa akin.
"Ahem." Isang pag-ubo ang umagaw sa atensyon ko at napalingon ako sa likuran ko. "Anong ginagawa mo rito sa shop? Huh?"
"W-Wala naman. Nagtitingin lang." mahinahon kong sabi. Si Justin ito at mukhang may hinahanap rin siya sa loob ng store. Parehas rin kaming naka-uniporme, sigurado akong dumiretso muna siya dito sa mall bago umuwi. Nagkatinginan lang kami hanggang sa pinagmamasdan na niya ako mula ulo hanggang paa.
"B-Bakit, pre? May problema ba?" mahinahon ko pa ring tanong pero tumawa lang siya.
"Oo meron. Nagtataka lang kasi ako kung anong ginagawa ng isang katulad mo dito sa mall at sa tapat pa talaga ng shoe store." Muli siyang humalakhak na parang nang-iinis. "Gusto mo ba ng sapatos? Para saan? Gagamitin mo ba sa pagsali mo sa team? Pwes, h'wag ka nang mangarap dahil hanggang tingin ka na lang sa mga 'yan."
Nainis pa ako lalo sa kanyang mga sinabi pero this time nakapag-pigil ako. Kung sa dalawang kaibigan ni Bryce nailabas ko ang galit ko, pwes dito napigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko't lalong-lalo na nandirito kami sa loob ng mall. Ewan ko ba, bakit parang pare-parehas lang ang mga ugali nilang magto-tropa. Pare-parehas silang mga mapanghusga at kung ano-ano ang masasakit na sinasabi. Nature na yata nila ang ganito. Nature na nila ang pagiging matapobre.
Despite of being rude, nagpakumbaba ako. Nginitian ko lang siya hanggang sa mag-iba ang reaksyon niya sa ginawa ko.
"Actually, hindi ko naman kailangan bumili eh. Kasi meron na ako." Sabi ko.
"Ah oo. Meron ka palang sapatos, yung bulok mong sapatos na galing pang probinsya na may bahid pa ng mga putik." Humalakhak na naman siya nang pagkalakas-lakas.
"Hindi pre, brand new eh. Air Jordan 33 lang naman." Pagmamayabang ko.
"Sows, walang maniniwala sa'yo dito! Ikaw magkaka-Jordan na sapatos? Well, in your dreams."
Hindi ko siya sinagot at inatupag ko ang pagbukas ng bag hanggang sa tuluyan ko na ngang inilabas sa pagmumukha niya ang naka-kahon pang Air Jordan 33. Nalaglag ang panga niya sa kanyang nasaksihan. Isang promdi nga na katulad ko na mahirap pero may Air Jordan 33. Isang malaking sampal iyon sa pagmumukha niya dahil sa kayabangan niya. Ako naman ngayon ang humahalakhak sa harapan niya. Napakagat ng labi si Justin at para bang naasar na sakin. Hinayaan ko lang siyang mainis habang muli kong tinatago sa bag ang sapatos.
"Teka-teka patingin nga muna." Aniya kaya mabilis ko naman itong inabot sa kanya para mapatunayan kong tunay nga ang sapatos at hindi keme-keme lang.
"Fake 'to." Matigas niyang sabi.
"Ah talaga ba, akin na nga." Aabutin ko sana pero mabilis niyang iniwas ang kahon. Mabilis siyang tumakbo papalayo at saka ko siya hinabol.
"Hayop ka Justin! Akin na 'yan!" sigaw ko sa kanya habang patuloy ko siyang hinahabol.
"You want this! Then c'mon follow me." Sigaw din niya na may kasabay pang pagtawa.
Hinabol ko pa siya hanggang sa ika-apat na palapag pero mabilis siyang naglaho. Tuluyan na siyang nawala nang makatuntong ako sa ika-apat na palapag ng mall. Naiinis na ako sa lalaking 'yun pero kumalma pa rin ako. Kalma lang Harv, kalma lang.
Kung saan-saan na ako napadpad pero wala na talagang Justin akong nakita't nahanap. Sumuko na rin ako sa paghahanap dahil hapon na. Hindi pa ako nagtatanghalian kaya't kailangan ko nang umuwi para na rin makapagpahinga dahil napagod ako sa takbuhan at habulan namin ni Justin. Naku, humanda lang talaga 'yun bukas. Bugbog sarado 'yun sakin. Jowks!
Pagkababa ko ng jeep, agad akong nakarinig nang malakas na hiyawan na nagmumula sa katabing baranggay namin. May court kasi doon at mukhang may naglalaban. Dinala ako ng mga paa ko patungo roon at ako naman itong Harvey na hinayaan lang ang sarili na mapadpad sa court n iyon. Sobrang daming taong nanonood, sigurado akong magaling ang player na pinapanood nila o di kaya'y pogi. Ganoon naman lagi eh. Kahit magaling ka pa pero pangit ka, wala ka pa ring fanbase. Pero kakaiba dito sa court na 'to. Tanging iisa lang ang may itsura sa kanilang lahat. Sa lahat ng mga manlalaro siya lang ang angat. At kapansin-pansin din syempre ang napakaputi niyang balat at napakagandang tindig ng pangagatawan. Pamilyar siya sa akin, pero hindi naman siguro siya ang lalaking 'to. Sigurado akong kahawig niya lamang ito.
Paano naman mapapadpad ang lalaking 'yun sa baranggay namin. At isa pa malayo 'yun dito. Siguro isang sakay pa ng Jeep. Paalis na sana ako dahil sa dami ng mga tao at napakaingay nang marinig ko ang sinabi ng announcer na siyang nagpalakas ng ingay ng mga tao at nagpalakas din ng t***k ng puso ko.
"Ramirez... Three points!"
Ewan ko ba kung bakit pero napabalik ako sa court. Paano siya nakapunta rito? Ito ba ang dahilan ng hindi niya pagpasok?