Kabanata 2
Settle These Things
Pasensya na Idol, hindi ko na uulitin.
Napasinghap na lang ako habang umuuwi nang mag-isa. Hindi ko na rin naabutan si Shai at sobrang dami na ng mga estudyanteng kasabay ko sa paglabas ng school. Panigurado akong siksikan ito pagdating sa loob ng jeepney kaya naman nagpunta muna ako sa mall na malapit lang sa school at doon ay nagtingin-tingin ako ng mga kung anu-anong mga bagay.
Maaga pa naman kaya napagpasyahan kong mag-window shopping. Bihira lang kasi akong makapag-mall sa probinsya kaya naman susulitin ko na ang mga panahong nandito ako sa Maynila. Naakit ang atensyon ko sa napakagandang sapatos na tinitignan ko ngayon. Ampupu naman oh! Sobrang mahal! Kung mag-iipon naman ako para lang dito sigurado akong aabutin pa ng ilang buwan.
Kung pwede lang ipagpalit ko si kuya Russel dito eh gagawin ko pero biro lang. Hanggang tingin na lang ang nagawa ko sa mga bagay na alam kong kahit kailan hinding-hindi mapapasakin dahil sa sobrang mahal nito at hindi ko kayang abutin. Naiinggit ako sa mga estudyante sa school, although hindi naman sila lahat mayayaman atleast nabibili pa rin naman ang gusto nila. Pero hindi ko dapat pinapa-iral ang inggit. Nandito ako para magsumikap. Para pagdating ng araw, kayang-kaya ko na bilhin ang mga 'yan. Bakit? Saan lang din ba nanggaling ang mga mayayaman? Di'ba sa hirap lang naman. Balang araw, ako naman ang nasa itaas. Balang araw ako naman ang titingalain ng lahat at ipagmamalaki ng pamilya. Sana makapagtapos na ako. Gustong-gusto ko na magtrabaho para kumita ng pera. Hays.
"Hi sir? Shoes po? New arrival po 'yan, Air Jordan 33." Ani ng lalakeng lumabas mula sa kanilang store. Mga nasa edad 25 pataas na siguro siya.
"Ah... Pasensya na po. Sa totoo lang, wala po akong pambili. Hanggang tingin lang po ako sa mga 'yan. Pagtya-tiyagaan ko na lang po yung World Balance kong sapatos sa bahay." Ang sabi ko.
"Awww. Taga saan ka ba hijo?" tanong niya.
"Taga-Cebu po ako sir. Nagpunta lang po ako dito sa Maynila para... Para mag-aral kasi mas advanced daw ang itinuturo dito sa Maynila." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan eh pinapunta ako rito para magtino. Inilayo ako sa mga kaibigan ko at inilagay ako sa bagong environment kung saan mapipilitan talaga akong magtino.
"Ah ganoon ba? So, galing ka pala sa Cebu na pagkalayo-layo at nagpunta ka rito sa Maynila?" aniya at tumango-tango ako.
"Ganoon na nga po, sir." Ang sabi ko at itinuloy ko ang pagtingin sa iba pang mga Jordan na sapatos.
"Well, because you've came from very far place and you're a nice and diligent person, I will give you this Air Jordan 33. Please accept it."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng lalaki at pinakuha niya sa mga taong nasa loob ang kahon na naglalaman ng sapatos na gusto ko. Hindi ako makapaniwalang ibibigay niya ito sa akin ng libre at walang kapalit.
"Er.... What is your name?"
"Harvey po, sir."
"Ah... Harvey, accept it. Gamitin mo iyan sa paglalaro mo ng basketball. We will see each other soon." Kumaway siya at saka umalis sa kanilang store. Focc! Totoo ba ito? Hindi ako makapaniwalang nakatanggap ako ng isang sapatos. Napakabait naman ng isang iyon at tamang-tama may dahilan na para sumali ako sa team. Pag naging varsity ako, wala ng problema sa pag-aaral. Lahat sagot na ng school, hays. Ito na yata ang sagot sa pangarap ko. Ito na ang unang hakbang para magpatuloy ako sa paglalaro ng basketball.
Pagkauwi ko sa bahay, laking gulat nila kuya Russel at Nathan ang dala-dala kong kahon. Laglag ang panga nila nang makita nilang may bitbit-bitbit akong kahon ng sapatos. Nginisian ko lang sila habang pinapasok ko sa kwarto ang sapatos.
"Saan galing yang sapatos? H'wag mong sabihing inubos mo lahat ng pera mo diyan!" galit na sambit ni kuya Russel.
"Easy lang. Bigay yan sakin ng-"
"Ng bakla? Ng sugarmommy? Ng sugardaddy? Ng jowa?" sunod-sunod naman na sinabi ni kuya Russel.
"Pota! Patapusin mo muna ako, kuya. Bigay yan ng mabait na lalake doon sa store. Hindi ng jowa o kung anu-ano pa."
"Eh bakit ka naman bibigyan ng ganyan? Siguro nilandi mo? Siguro may type sayo?"
"Focc! Kuya, binigay niya 'yan dahil mabait ako." Ang sabi ko at lumabas ako ng kwarto.
"Mabait? Saan banda Harv? Baka dinekwat mo 'yan sa store huh? Naku, malaman-laman ko lang na nang-nakaw ka."
"Judgemental mo naman, Russ. Malay mo binigay talaga 'yan sa kanya." Pagtatanggol ni kuya Nathan sa akin.
"Sorry na luvs. Nag-aalala lang ako sa kapatid ko eh."
Tinignan naman ako ni kuya Nathan. "Gusto mo pala ng sapatos, dapat sinabi mo na lang sakin para ako na ang bibili. Next time, pag gusto mo ng jersey or shorts marami ako sa bahay o kaya bibilhan kita."
"No thanks, kuya Nathan. Okay na ako sa ticket ng concert niyo. At saka, maliit na bagay lang naman 'to kaya siguro ibinigay ito sa akin. Babalik talaga ako doon sa store na 'yun kapag lumakas na ako sa paglalaro at varsity na ako ng school."
"ANO!" sabay na nagulat ang dalawa sa sinabi ko.
"Hindi ka magva-varsity. Mag-aaral ka lang. Wala nang iba, Harvey. Ayokong mawala ang pokus mo sa acads, ayokong matulad ka sa kapatid ni Bruce na-" huminto si kuya Russel sa pagsasalita. Nagkatinginan sila ni kuya Nathan.
"Na ano 'yun, kuya Russ? Bakit ano ba meron?" pagtatanong ko.
"Wag mo nang alamin, pero mas mabuti pang si Bryce na lang ang magsabi sayo dahil kaibigan mo siya. Kauspin mo siya, h'wag ako. Sige, kumain kana at magpahinga." Ang sabi ni kuya Russ at nagkulong na silang dalawa sa kwarto sa loob.
Pati pala sa pangarap ko, pagbabawalan din ako. Bawal ba silang pagsabayin? Oh, well. Hindi kasi nila ako naiintindihan. Hindi ba nila alam na kapag naging varsity ako sa school na 'to magiging libre na ang tuition fee ko at hinding-hindi na kami aasa pa kay tita. Pero ayoko nang makipagtalo, siguro tama nga si kuya Russel. Isasauli ko na lang siguro 'to kinabukasan sa store. Hindi ko naman 'to magagamit kaya mas mabuti pang ibalik ko nalang kaysa mabulok.
Kinabukasan, dumating na nga ang ikalawang-araw ko sa school na ito. Hindi ko nakita si Bryce pati ang mga tropa niya. Gusto ko silang hanapin pero baka isipin nilang nagpupumilit ako na pasalihin si Bryce sa team. Don't he worry, hindi ko naman na siya pipilitin kung ayaw niya. Hindi naman pumasok sa klase si Shai dahil sa pagpa-praktis niya sa cheerleading. As of now, wala pa naman akong bagong kaibigan dahil naninibago pa sila sa akin. Bagong mukha pa ako para sa kanila at syempre hindi naman sila basta-basta nagtitiwala. Lalong-lalo na mukha pa naman akong dukha.
Dala-dala ko ang sapatos na ibinigay sa akin ng lalake at dinaanan ko ang store nila. Hinanap ko ang lalaki at laking pagtataka naman nito kung bakit ang bilis kong bumalik sa kanya.
"It seems that you don't like the shoes, eh? Okay, feel free to choose other shoes." Ang sabi niya pero umiling ako.
"I will return it, sir. Sorry po, hindi po para sa akin ang sapatos na ito. Mas mabuti pong ibenta niyo na lang ito dahil hindi ko naman ito magagamit."
"Ooops. Sorry, no refund. Pag-isipan mong mabuti ang sapatos na 'yan. Libreng-libre lang 'yan at ang tanging gagawin mo lang ay ang suotin iyan habang naglalaro ka ng basketball. At gusto ko kapag bumalik ka rito, isa ka nang varsity sa school ninyo." Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo ang mga ito. "Go kid, and be proud to yourself. Follow your dreams and don't let others ruin your dreams. Alam kong kaya mo 'yan Harvey. We'll see each other soon. Someday, hehe."
Gusto kong umiyak sa harapan niya pero mukhang ang pangit naman tignan noon sa akin. Sobrang sakit lang na mayroon pa ring humahadlang sa nais kong pangarap. Paano ko ba ipaglalaban ang pangarap na ito kung hinuhusgahan ka na agad ng ibang tao. Paano ko ba maipapakita ang galing ko kung puro mali ko naman ang kanilang nakikita?
Gusto kong abutin ang pangarap ko ng walang humahadlang. Pero sa ngayon, I'll just need to settle these things first. Kailangan ko munang dahan-dahanin ang proseso hanggang sa maabot ko at mapagtagumpayan ko ang pangarap kong makapagtapos at kasabay nito ang maging isang sikat na varsity sa school na pinapasukan ko. I wish I can. I hope that it was so easy to settle these things na alam kong mahirap dahil alam kong may hahadlang at hahadlang pa rin sa gusto kong mangyari.