Kabanata 3

1952 Words
Kabanata 3 Basketball at Diploma Hindi ko alam kung bakit mas lalo pa akong nagka-interes na maglaro ng basketball. Sa probinsya kasi, kahit marunong naman talaga ako at lagi kong pambato sa mga liga never akong sumali sa team ng school namin para ipanlaban sa iba't-ibang mga rehiyon. Hindi naman kasi ako active na person, tamad ako. Puro bisyo lang ang alam kong gawin sa probinsya, puro pambababae. Ewan ko nga ngayon kung bakit bigla na lang akong nagka-interes pa lalo tungkol sa isang sikat na larong ito. Isa pa, malaking tulong kasi ang sumali sa team para naman maging proud ang pamilya ko. Ang kaso, hindi nila ako naiintindihan. Akala nila hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagba-basketball. Wala talaga silang bilib sakin. Nakakatampo lang dahil handa naman akong magbago, kaya nga nagdesisyon din akong pumunta rito sa Maynila eh. Para magbago, para iwanan na at kalimutan ang dating ako. Kasi ang bagong ako, isa nang sikat na basketball player. Kung... alam lang ng iba ang kakayahan ko. Kung alam lang nila kung ano ang kaya kong gawin. At handa akong magbago makamit ko lang ang pangarap kong makapagtapos at makasali sa team. "Harvey!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Si Shai pala ito at may hawak-hawak na dalawang bola. "Oh?" sabi ko. "Napapayag mo na ba siyang sumali sa team?" tanong niya. "Hindi pa, eh. Sorry, mukhang mabibigo kita. Kinausap ko siya kagabi pero umalis lang siya. Mukhang galit nga sakin eh." "Naku, ganoon talaga 'yun. Palibhasa kasi.... Hays. Change topic." Aniya at inabot niya sa akin ang dalawang bola. "Pumili ka ng bola, ang isa para sa basketball, ang isa naman ay para sa volleyball. C'mon choose, Harvey." Mabilis ko namang iniabot ang bola ng basketball. "Good. Perfect! Perpect ang body mo at ang looks. Pwedeng-pwede ka na magsimula ng training, leave your class at pumunta ka na ng gym." Nabitawan ko ang bola dahil sa kanyang sinabi. "B-Bakit, Harvey? May problema ba?" pagtatanong niya. Agad ko namang pinulot ang bola at nagda-dalawang-isip ako kung ibabalik ko ito sa kanya. Hindi. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako nakakapagdesisyon ng buong-buo kung itutuloy ko ba ang pagsali. "P-Pwede bang next time na lang?" binalik ko ang bola sa kanya. "Hindi ako prepared, wala akong jersey." "Ay. Dapat sinabi mo kahapon pa. Sige, babalikan kita bukas. But don't worry about the jersey, kami na ang magpo-provide noon sa'yo. You have 24 hours to think. Think twice, thrice, Harvey. Bihira lang akong mag-offer ng ganito sa'yo at huwag mo nang sayangin ang pagkakataon. Ako na ang lumalapit sa'yo, all you have to do is to accept my offer. Kapag naging sikat na varsity ka sa team, sigurado akong sobra-sobra pa ang pasasalamat mo sakin." Aniya. Natahimik at natulala ako sa kanyang sinabi. Kaya ko ba talagang gawin ito? Kaya ko bang isuko ang lahat para sa pangarap ko? "Bye-" "Sandali!" pagtigil ko sa kanyang pag-alis. "May pasok tayo di'ba? Hindi kaba papasok?" tanong ko. "Nah! May practice kami, alam na 'yan ni Prof. Sige, bye na!" at umalis na si Shai. Naiwan na naman akong mag-isa na nakatayo sa hallway, nag-iisip sa kung ano ang mga posibilidad na mangyari sa pagsali ko sa team. Nandyan yung magagalit si kuya Russel dahil mapapabayaan ko daw ang pag-aaral ko. At nandyan din syempre si Bryce, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa pagsali ko. Siya dapat ang nandito sa kalagayan ko ngayon eh. Siya dapat itong binigyan ng offer ang kaso naipasa naman sa akin. "Ano? Tinanggap mo?" may boses ng lalaki na nagsalita sa likuran ko. Akala ko si Bryce na pero shutang ama! Si Lowell lang pala. Naka-jersey siya ng football. At may dala-dala siyang soccer ball. Halatang galing siya sa praktis dahil sa pawis na tumatagak sa kanyang mukha. Ngayon ko lang din napansin na may itsura din itong si Lowell. "H-Hindi pa, bakit?" ang sabi ko. "Please... Don't accept that offer." Aniya na parang malungkot ang pagkasabi. "Bakit naman?" pagtataka ko. "Wala! Sabagay, nasa sa'yo pa rin naman 'yan. Mabuti ngang i-accept mo na lang ang offer ni Shai, di'ba diyan naman kayo umaasa? Sa mga libreng offer? Porket lumalapit na sa inyo ang grasya, tatanggapin niyo talaga hindi kayo marunong tumanggi. Mga promdi nga naman." Nainis ako sa kanyang sinabi at talagang na-offend ako. Nagawa ko siyang sapakin ng mabilisan sa kanyang mukha pero hindi siya gumanti. Nagmukha lang akong tanga at napahiya sa harapan niya dahil tumatawa pa ang kurimaw na 'yun pagtapos ko siyang saktan. "C'mon hit me, man. Ipakita mo sa mga estudyante dito ang ugali niyong mga promdi. C'mon make proud of yourself, hindi mo ba alam na pwede kang sumikat at i-bash ng mga tao dahil sa ginagawa mo sakin." Sabi niya. Tinamaan niya ako nang malakas sa dibdib ko gamit ang kanyang dala-dalang bola. Dahilan iyon para masaktan ako. Marami nang mga estudyante ang nanonood sa amin sa hallway kaya naman nahiya na ako. Bumalik ako pabalik sa loob ng classroom at napayuko na lang sa desk ko. Paking shet! Gusto kong umiyak sa galit. Gusto kong iparamdam sa kanya ang galit ko pero hindi ko magawa dahil ayokong magkaroon ng gulo. Walang-wala talaga ang tapang at siga ko dito sa Maynila. Ano bang laban ko sa kanila? Pag kami na guidance ako ang kawawa. Wala na ngang galang at respeto, wala pang pera. "Pre. Pre..." may isang lalaking boses akong narinig. Kinakalabit niya ako at ginigising. "Bakit?" pagtatanong ko nang bumangon ako mula sa pagkakayuko. "Sumama ka sakin, pinapatawag ka." Sabi niya. "Sino naman?" "Hindi ko alam basta sumama ka nalang sakin." Sumunod ako sa kanya hanggang sa makababa kami ng quadrangle. "Alam mo Gabriel, mali yung ginawa mo." Aniya at napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Paano ako nakilala ng isang 'to? "Hindi mo dapat ginawa 'yun." Sabi niya at naglalakad pa rin kami sa kung saan. Wala akong paki sa pinupuntahan namin dahil nakayuko lang ako. "Nakita kita kanina sa hallway, at ngayon usap-usapan ka na ng mga babae pati na rin sa room." Hindi ako umiimik at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Hanggang sa sumakay kami sa isang elevator at nakarating kami sa malaking gym. Malawak pa ito at napakaganda. Ngayon lang ako nakapunta rito. Malayo palang natatanaw ko na si Shai, dahan-dahan itong tumatakbo patungo sa akin kasabay din ng pagtalon ng kanyang bagay na nasa harapan. Napaiwas ako ng tingin sa mga 'yun at hinintay na makalapit si Shai sa akin. "Salamat Jo." Sabi niya sa lalaking kasama ko na naghatid sa akin patungo rito sa gym. "By the way, Harvey siya pala si Jo, short for Jonathan. Classmate natin siya and he's my messenger sa mga kaganapan na nangyayari sa Campus. Ibig sabihin lang noon, kilala niya mostly of the students including you, also. At tinext niya ako kanina, what happened within you and Lowell?" Napalunok ako. Shuta naman oh! Nakalabas pa ang kanyang cleavage kaya lalo akong pinagpawisan. "W-Wala yun." "Anong wala?! Sige, nandito pala si Lowell sa gym nagpa-praktis. Siya na lang ang tatanungin ko." Sabi niya at malakas niyang tinawag si Lowell na busyng-busy sa pagpa-praktis ng football. "Uy, Shai. H'wag." Pagpigil ko pero di siya natinag. Napangisi na lang ang katabi kong lalaki na si Jo dahil sa hindi ko mapatigil si Shai sa pagtawag kay Lowell at ngayon papalapit na ang lalaking naka-away ko kanina. Oh guys, wait for the round 2. Ako naman ang hahagis ng bola sa pagmumukha niya. Jokes! "Bakit Shai?" nakangisi itong tumingin kay Shai. Nagawa pa nitong hindi tumingin sa akin. "Wala, bumalik kana sa paglalaro." Mataray na sabi ni Shai at bumalik na ulit si Lowell sa pagpa-praktis. Again, ni-hindi niya talaga nagawang tumingin sa akin. Duwag ata ang kurimaw. "Hmm... Something fishy here." Sabi ni Shai at napakunot ang noo ko. "Bakit pati sa akin pinagtatakpan niya ang ginawa niyo kanina? Kayo ba ni Lowell?" "Gago hindi-" mabilis akong napatakip sa bibig ko dahil sa ginawa kong pagmumura. "Sorry, Shai." At nginisian ko lang siya. "Hinde ako natutuwa huh?" tinarayan niya ako. "Kahit hindi niyo aminin yung warla niyo kanina alam ko naman na totoo yun because I have my messenger. Walang eksenang hindi nalalaman ng messenger kong si Jo, mas mabilis pa siya sa mga CCTV na naka-install dito sa loob ng campus. Kaya be aware!" ang sabi niya. "O sige, bumalik na kayo sa room. Baka ma-miss niyo ang mga lessons ng Prof, sayang ang tuition." Dagdag pa niya at sabay na nga kaming bumalik ni Jo papunta sa room. "Totoo yung sinabi ni Shai? Mas mabilis ka pa daw sa CCTV? Weh? Ano ka? Robot?" Tumawa siya ng malakas. "Hinde, siraulo. Hinde naman lahat alam ko, syempre Shai was kidding. May ilang certain people lang siyang inassign sa akin at isa ka na roon, including Bryce and company. At yung iba pang mga athletes. Gusto niya kasing updated siya sa mga atheletes na nakikilala niya eh, you know. 50% ang chance na sa lahat ng mga athletes na inassign niya sa akin ay mga palihim niyang crush, kaya kabahan ka na." tumawa ulit siya na parang tanga. Hindi ko gets? So, may 50% chance pala siya na may gusto sakin kaya niy ako sa sinasali sa team? What! Ano ba talaga siya rito? Bakit parang ang lakas-lakas naman niya sa mga coach, at kung makapagkuha siya ng athlete nakukuha niya agad. Pero teka lang? Hindi naman athlete si Bryce ah? "B-Bakit si Bryce? Di'ba hindi naman siya atleta?" pagtatanong ko. "Hmm... I want to keep this secret to you, pre. She's Shaira's ex-boyfriend. Kahit hanggang ngayon habol na habol pa rin si Shai dito sa lalaking 'to. Ewan ko ba kung bakit." Biglang sumagi din sa isip ko si Bryce. Bakit nga pala hindi ko siya nakita ngayong araw? [FLASHBACK] "Ang totoo kasi nyan, never... Never siyang naglaro dito sa school. I was a fan of him back when we are junior highs. Sa mga liga lang siya sa sumasali like sa mga baranggays pero pagdating sa school, nire-reject niya ang mga offer sa kanya ng basketball team. Imagine, team na mismo ang lumalapit sa kanya para kunin siyang player pero he never accept any offers. "Bihira lang siya magkaroon ng mga friends dito sa school kaya nga nagulat ako dahil a newbie like you was his new friend. You must convince him to join the team, or else ikaw na lang ang ipe-present ko sa team. Nga pala, I am a cheerleader at pwedeng-pwede kita ipasok sa team." [END OF FLASHBACK] "Basta ang alam ko lang, matagal na silang naghiwalay. And Bryce never accept any offers na galing kay Shai o sa mga coach. Hindi niya rin gustong sumali." Nagpatuloy sa pagsasalita si Jo habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. [FLASHBACK] "Hindi ka magva-varsity. Mag-aaral ka lang. Wala nang iba, Harvey. Ayokong mawala ang pokus mo sa acads, ayokong matulad ka sa kapatid ni Bruce na-" [END OF FLASHBACK] Sobra akong nalungkot habang paakyat na kami sa building. Napaka-swerte ni Bryce. Sikat, mayaman, gwapo, magaling din sa basketball samantalang ako magaling lang sa basketball the rest na sa kanya na lahat. Kung ako lang si Bryce, kung ako lang siya. Lahat gagawin ko, ipagpapatuloy ko ang gusto ko. Kung nasa katawan lang ako ni Bryce, ia-accept ko ang offer ni Shai. Pero syempre hindi ko pababayaan ang pag-aaral. Pagsasabayin ko ang pangarap ko, ang gusto kong makamit. Ang basketball at ang diploma na magiging basehan sa kasiyahan ko. Ito na yun eh, ito na ang hinihintay ko. Isang pangarap ang naghihintay dito sa akin sa Maynila pero paano ko nga ba sisimulan ang hakbang patungo sa tagumpay na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD