Dumating ang araw ng linggo. Ngayong araw din bumisita si kuya Nathan at sabay silang nagsimba ni kuya Russel. Hindi na ako sumama at nagpaiwan na lamang ako dito sa bahay nang mag-isa. Gusto ko munang magpahinga dahil sa wakas ay natapos na rin ang unang linggong paglipat ko ng school dito sa Maynila.
Nakaka-stress pala pero laban lang dahil nandyan ang pamilya at basketball na nagiging motibasyon ko sa pag-aaral.
"Uy, Harvey. Ikaw lang ang mag-isa dito?"
At syempre isa na rin sa nagiging motibasyon ko, si Bryce. Na may dala-dala atang masarap na pagkain.
Kabanata 11
Masarap
Hindi ko akalaing nagpunta siya dito. Hindi man lang siya nagpasabi. Hindi tuloy ako nakapaghanda at nakapag-ayos sa pagbisita niya.
"Ah, oo. Ako lang dito. Wala sila kuya eh, nagsimba." Sabi ko. Lumingon-lingon siya sa paligid at sinigurado niya talagang wala si kuya Russel sa bahay.
"Hmm. I see. Wala ba kayong training?" tanong niya at nilapag niya ang mukhang masarap na pagkain sa lamesa.
"W-Wala." Napatingin ako doon sa pagkain Saktong kakagising ko lang din at gutom na gutom na din ako. Hindi pa kase ako nakakapagluto ng almusal, tinanghali na ako magising.
"Ah ganun ba?" aniya at natahimik na lang siya bigla. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala niya ako tinititigan. "Mukhang gutom ka na, ah? O siya, para sa'yo talaga 'yan."
"T-Talaga ba, mukhang masarap ah." Masaya kong sabi. Binuksan ko na ang dala-dala niyang Tupperware at napapikit pa ako habang nilalasap ko ang amoy nito. "Hmmm...." Pag-ungol ko sa masarap na pagkaing naaamoy ko. Pamilyar sakin ang lutong ito at talaga nga namang na-miss ko na ang ganitong putahe.
"Masarap yan.... Pero mas masarap ako. Jowk." Sabay tawa niya.
"Mas masarap pa rin ito. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang porksteak na 'to sa'yo, ano? Jowk." At tumawa rin ako.
"Lol, gutom lang 'yan. Kumain ka nga lang nang malaman mo kung gaano ako kasarap este gaano ako kasarap magluto."
"Sige bah, sabi mo eh."
Naghanda na ako ng plato at kinuha ko na lahat ng kanin na sinaing namin kagabi ni kuya Russel. Kahit bahaw na ito pinatos ko na rin, wala e' gutom e'. Pati tutong hindi ko na rin pinalampas. Ganoon talaga ako katakaw kumain.
Unang subo ko palang, parang pamilyar na sakin ang lahat. Dejavu ba ito o ano? Parang natikman ko na ito dati. Bigla kong naalala si mama. Nagluluto pala siya nito dati pero ba't ganun? Kuhang-kuha nito ang lasa ng pagkaluto ni mama sa porksteak. Hindi kaya coincidence lang 'to? Hindi ko na rin namalayan na kanina pa pala ako naluluha.
"Grabe ka pala masarapan ano? Naluluha ka bigla." Malakas na tumawa si Bryce.
"Hinde, ano? Naalala ko lang si mama sa luto na 'to. Bakit parehas? Bakit parehas yung lasa, yung amoy, yung-"
"Sssshhh, kumain ka na lang. Dami mong satsat, gutom ka talaga." Pagpapatahimik niya sa akin. Tumahimik na lang ako at itinuloy ang pagkain. Hindi na ako nahiya sa harapan niyang kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. Parang feeling ko isang araw akong hindi nakakain. Ay teka! Hindi nga pala ako kumain kagabi dahil sa pagod. Nakalimutan kong kumain kagabi. Tanging naalala ko lang ay iyong nagsaing kami kagabi ni kuya Russel. Kaya pala ganito ako, gutom na gutom pagkagising.
"Hinay-hinay lang, baka mabilaukan ka niyan eh." Inabutan naman niya ako ng isang baso ng tubig. Ewan ko ah pero parang may kakaiba ngayon kay Bryce, nakangiti kasi siya ngayon. Mukhang may masama siyang binabalak, nilagyan niya kaya ito ng lason? O di kaya gumanti siya sakin at nilagyan niya rin ito ng vetsin?
"Ba't ka nakangiti diyan? Nilagyan mo ba 'to ng lason? O di kaya'y vetsin?" pagtatanong ko pero binatukan niya ako.
"Sira! Ba't ko naman gagawin 'yun sa'yo? Amp-feeling mo ah." Sabi niya habang umaarte siya na parang bading. Tseh! Vaklang two!
"Cute mo kasi kumain. Dapat pala lagi ka kain ng kain para lagi kang kyot." Nakangisi niyang sabi pero hindi ko na lang siya pinansin. Hinintay niya akong matapos sa pagkain kaya bigla siyang nag-volunteer na maghugas.
"Ano bah! Alam kong mabait kang tao pero hindi ibig sabihin nun magiging taga-hugas ka. Ganda-ganda mong lalake tas ang yaman-yaman mo pa tapos magiging taga-hugas ka lang dito? Pinalaki ka ng magulang mo tapos magiging taga-hugas ka lang dito? Tangeks kaba, par?" sabi ko at ayun napatahimik ko siya. "Mag-basketball ka muna sa taas, maghuhugas muna ako. Konti lang naman 'to. Basic."
"H'wag na, hintayin na kita dito."
"Sige, ikaw bahala. Nood ka muna porn diyan, pre este tv." Sabi ko at tinuro ko yung remote control na nasa kwarto ko. Tinatago ko iyon para hindi na ilipat ni kuya Russel yung channel na gusto kong panoorin. H4h4h4 sorry kuya, demonyo ang kapatid mo.
"HAHAHA Gago!"
"Minura ba kita? Idol lang kita tandaan mo, hindi ikaw yung nagpapakain sakin. Jowk." Natawa naman ang hari ng mga kurimaw sa sinabi ko.
"Actually... Hindi talaga ako yung nagluto niyan. Si kuya Bruce yung nagluto ng pork steak."
Bigla ko namang naalala ang kanyang kuya na si Bruce. Isa ito sa mga ex ni kuya Russel. Siguro si kuya Russel ang nagturo kay Bruce kung paano lutuin itong pork steak na katulad ng kay mama. Nakakainis naman si kuya Russel, hindi ko alam na marunong pala siya ng ganitong luto pero never naman niyang niluto para sa akin. Minsan kasi, puro luto ni kuya Nathan 'yung kinakain namin eh. Nakakasawa na! Jowk.
"Sensya na, lodi. Wala akong alam sa pagluluto. Basketball lang kasi alam ko eh." Bigla naman siyang nalungkot kaya kahit hindi pa ako tapos na maghugas. Nilapitan ko siya at nilagyan ng bula sa kanyang buhok.
"Asus, pa-humble."
"Focc!" sigaw niya. "Ano ba? Kainis naman 'to." Galit niyang sabi na ikinagulat ko.
"Ay sorry, par." Hindi ko mapigilang tumawa kahit na nagagalit na siya.
Tumawa rin siya kaya iyon, wala na bati na ulet. "Kainis ka eh, sinira mo hairstyle ko."
"Arti naman ng idol ko." Tinalikuran ko siya pero bigla naman niya akong hinubaran ng shorts. Ayun, mabilis at malakas niyang hinampas ang pwet ko. Mabuti na lang at may suot-suot akong brief.
"Aray kooo... Gagooo..."
"Aray kooo..." panggagaya niya sakin habang tumatawa.
Hinayaan ko na lang siya na tumawa at ipinagpatuloy ko na ang paghuhugas ng mga kinainan. Pagkatapos ko ay sinamahan ko siya sa sofa habang nanonood ng basketball league sa television. Itong league na ito ay lugar sa lugar. Bawat lungsod ang magkakalaban sa aming pinapanood. Kitang-kita ko sa mga mata ni Bryce kung gaano niya kamahal ang paborito niyang sports. Ganoon din ako, mahal na mahal ko din yung basketball.
"Balang araw, kapag nasa senior league na ako. Makakasali rin ako diyan." Aniya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nasa telebisyon pa rin ang kanyang atensyon.
"Ako din balang araw, magcha-champion kami at the same time magtatapos ako ng senior high." Ang sabi ko naman habang nakatingin sa telebisyon.
Nakakatuwa dahil parehas naming hilig ni Bryce ang ganitong sports. Dito kasi kami kumukuha ng lakas at motibasyon. Dito namin nahuhubog at nakikilala ang aming mga sarili. At syempre ito rin ang nagiging daan para mas magkaroon ka ng maraming kaibigan.
Dahil sa basketball, marami na akong natututunan at alam kong mas marami pang parating na aral akong makukuha. Ang sports ding ito ang tumulong sakin para makilala ko ang sarili ko at mahanap ko talaga ang gusto kong makamit sa buhay. Hindi man ako pinalad sa kayamanan pero papalarin naman ako sa mga aral na makukuha ko sa mga bawat pagsubok na dadating sa akin. Whatever obstacles or barrier would came to me, hinding-hindi ako susuko dahil nandito na ako.
Napaka-palad ko dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan, isang idolo na katulad ni Bryce. Magkaiba man kami ng antas ng pamumuhay pero iisa lang naman ang aming minimithi. Isa lang naman ang aming ninanais. At isa lang din ang aming isinisigaw at ipinaglalaban. At iisa lang din ang aming gusto. Ang makamit ang isang masarap na tagumpay.