"Ano kamo? Kasali na si Harvey sa Senior Kings?"
"Oo, nagulat nga ako. Hindi ko alam kung anong nasa utak ng kapatid ko. Nag-aalala nga ako kase si Shaira mismo ang nag-invite sa kanya."
"Okay lang 'yan. Hayaan mo muna ang kapatid mong sumali, malay mo magkaroon pala ng magandang outcome yung pagsali ni Harvey. Hayaan muna natin siya sa gusto niya, malaki na ang kapatid mo, luvs. May sarili na siyang desisyon at alam na niya ang tama at mali dahil labimpitong-taong gulang na siya."
Yan ang mga naririnig kong usapan nila kuya Russel at kuya Nathan sa loob ng kanilang kwarto. Nakabukas kasi ng kaunti ang kwarto kaya naman malaya kong napapakinggan ang kanilang usapan. Galing ako sa school at pagod din ako dahil sa aming training kaya gabi na rin ako nakauwi. Gusto ko sanang pumasok sa kwarto para magbihis kaya nga lang ayokong masira ang kanilang pag-uusap at maabala ko ang kanilang oras.
"Sige, luvs. Hahayaan ko muna siya ngayon pero kapag nalaman kong napahamak siya nang dahil sa sports na 'yan, hinding-hindi ko na siya papasalahin. Mahal na mahal ko naman talaga kasi yung kapatid ko kaya nga ganito ako mag-ingat sa kanya, alam mo na taga-probinsya siya at dapat hindi siya basta-basta nagtitiwala sa mga tao rito. Pero kahit ganun 'yun, kahit matigas ang ulo noong batang 'yun, mahal na mahal ko iyon dahil bunso ng pamilya namin 'yun."
Kabanata 12
Matigas
Matigas. Minsan bagay, minsan si junior este ako. Bakit?
Syempre noon, matigas ang ulo ko. Kapag inuutusan ako ni nanay na bumili sa labas kinatatamaran ko pa dahil mas inuuna ko ang mga ibang bagay tulad ng paglalaro ng DOTA 2, paglalaro ng basketball at paglalaro kay junjun este paglalaro namin ni Junjun, yung tropa ko sa probinsya na. Minsan kasi naglalaro kami sa bahay nila ng mga Nintendo consoles, like Nintendo DS, Nintendo Switch. Jowk! Cellphone lang talaga ang meron kami ni Junjun dahil hindi naman kami ubod ng yaman tulad ni Bryce at ng mga tropa niyang kurimaw.
Kontento na nga kami ni Junjun noon sa Clash of Clans, Candy Crush at Temply Run. Ngayon kasi puro MOBA na ang kinaadikan. Hindi kami sanay ni Junjun na magpa-load ng mahal kaya naman kapag gusto namin maglaro ng MOBA, sa mga piso net na lang kami umaasa. O 'diba? Ang poor namin ni pareng Junjun, nami-miss ko na nga 'yun eh. Siya lang kasi ang totoo kong kaibigan na lagi kong kasama sa mga kalokohan.
Matigas din ang ulo ko lalong-lalo na sa eskwelahan. Tamad ako at napaka-pilyo. Natutulog nga lang ako sa klase pero pagdating sa quiz may nasasagot ako, syempre salamat kay pareng Junjun. Nagtataka nga minsan sila ma'am at mga kaklase ko dahil kahit tulog ako buong discussion may nasasagot pa rin ako pagdating sa mga quizzes. Never kaming nagkahiwalay ng upuan ni Junjun kaya naman kapag magkasama kami at magkatabi ng upuan, dumo-doble ang gulo ng section namin dahil sa aming kapilyuhan.
Minsan na ring naipatawag ang mga magulang ko dahil sa mga mabababa kong grado. Kulang-kulang ang mga project ko kaya ayun sumasakit ang ulo ni mama sa akin. Halos lumuhod na nga siya sa harapan ng teacher ko para lang maawa sakin at bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na makabawi. Ang mahiwagang floorwax at ang special project hehehe.
Na-miss ko ang dating ako pero mas gusto ko yung Harvey ngayon. Dapat ko nang itigil ang mga kalokohan, tumatanda na ako at kailangan ko nang mag-seryoso. Darating din ang araw na magiging 18 na ako. Kailangan ko nang kilalanin ang sarili ko at ipagpatuloy ang nasimulan kong pangarap. Balang araw, babalikan ko din ang probinsya. Babalikan ko ang mga kaibigan kong sina Junjun at Obet. Babalikan ko ang mga taong naging kasama ko sa mga kulitan.
"Harvey? Gising ka pa rin ba?" tanong ni kuya Russel. Gising pa rin pala siya sa mga oras na 'to. Halos maghahatinggabi na. Di ako nagsalita at nagkunwari akong tulog. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ko si kuya Russel kung gising pa.
"Alam kong gising ka pa." niyakap ako ni kuya. "Big boy na ang bunso namin, patingin nga ng putotoy kung big na rin?"
"Pota kuya!" napadistansya ako ng kaunti. Kadiri si kuya.
"Biro lang, sinisigurado ko lang na gising ka. Nag-react ka edi gising ka pa pala." Tumawa naman siya. "Mukhang matigas 'yan, Harvey ah. Tignan mo, nakaturo na siya sa northeast." Tawang-tawa naman si kuya kaya napatingin din ako sa harapan ko. Pvta! Ang hard na pala niya. Hindi nga pala ako nakapagpalabas kanina.
"By the way, seryoso ka ba talaga?" tanong ni kuya.
"S-Saan?"
"Sa pagsali ng basketball team. Alam kong magaling ka pero pang-baranggay court lang naman ang galing mo, Harvey."
"Anong pang-baranggay court? Magaling kaya ako, hindi mo ba alam? Ay oo di mo pala alam, nakaraang taon wala ka sa probinsya, nanalo yung grupo namin nila Junjun at Obet sa liga dahil magaling kami, magaling ako. Ako pa nga ang naging mvp ng buong mini league." Pagmamayabang ko,
"Oo, 'yun nga 'yung sinasabi ko na pang-baranggay court lang ang galing mo. Baka hindi mo kayanin ang mga galing ng mga player dito sa Maynila lalong-lalo na sa campus?"
"Magtiwala ka nga sakin, kuya. Kaya nga ako ang pinili ni Shaira dahil nakikita niya ang galing ko, nakikita niya ang kakayahan ko. Mabuti pa nga siya eh, nakikita niya ang kaya kong gawin." Pagtatampo ko.
"Oo pinili ka nga ni Shaira. Pero, pag-aaral ang ipinunta mo rito hindi ba? Paano kung mapabayaan mo ang pag-aaral mo ng dahil lang diyan at papano kung matulad ka kay Bryce na-"
"Nang dahil sa basketball muntik nang makabuntis?" pagdugtong ko sa sinabi ni kuya. "Kuya, walang alam si Bryce sa nangyari. Hindi niya ginusto 'yun. Na-vetsin lang siya ni Shaira." Dagdag ko pa.
"Kaya nga lumayo ka sa Shaira na iyan dahil hindi mo pa siya kilala."
"Hindi pwede, kuya. Siya ang nagsali sa akin sa team, malaki ang utang na loob ko sa kanya."
"Mas malaki ba iyon sa utang na loob mo sa akin at kanila mama at papa? Mas mahalaga ba talaga yung sinali ka ni Shaira sa team kaysa sa pagpapa-aral nila mama at papa sa'yo, hah?"
Natahamik na lang ako sa sinabi ni kuya. Pero hindi pa rin nagbago ang desisyon ko. Unang linggo ko palang naman at wala namang masamang nangyayari sakin. Walang masamang mangyayari kung tama ang naging desisyon ko. Ibig sabihin kapalaran ko na siguro ang makapasok sa team at maging varsity kapag nagkataon.
Sumunod pa ang ilang araw, nagti-training pa rin ako. Tuwing umaga naman ang pasok ko kaya may panahon pang mag-training sa hapon pagkatapos ng dismissal. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Bryce pero ang mga kaibigan niyang kurimaw, madalas kong nakikita. Bihira na rin siyang magpunta sa bahay. Magkatabi lang naman kami ng classroom pero hindi ko siya nakikita. Baka sadyang busy lang talaga kami dahil ngayong sem nagkaroon na kami ng isang subject about sa mga research-research.
Si Jo ang laging nakakasama ko dahil bukod sa ka-grupo ko siya sa research project, lagi niya akong sinasamahan at pinapanood mag-training sa gym. Supportive siya at syempre pati na rin si Shaira, na nag-recruit sa akin.
Pagkatapos ng training namin ngayon, nilapitan ko si Jo na nakaupo sa likod ng ring. May malambot kasing upuan doon sa likod ng basketball ring at doon siya nanonood. Pagkalapit ko sa kanya, mabilis niyang sinuntok ang tiyan ko nang hindi ko alam ang dahilan. Napatingin lang ako sa kanya at sumenyas ng bakit gamit ang dalawa kong kilay.
"Wow, matigas na pala yung mga abs mo. Ilanga raw ka palang nagte-training pero batak na batak na ang katawan mo." Aniya kasabay ng pag-abot niya sakin ng tubig.
"Salamat dito, pre."
"La yun." Matipid niyang tugon. "Dalawang araw na lang mula ngayon, valentines na. May ka-date ka na ba ngayong darating na valentines?"
Natawa naman ako habang umiinom ng tubig kaya naubo ako. "Naku, wala akong panahon para sa pag-ibig. Mag-aaral na lang ako sa araw na 'yan o kaya naman magba-basketball ako buong magdamag."
"Si Shaira." Napatingin siya sa likuran ko kaya nilingon ko rin ang tinitignan niya. Kitang-kita ko si Shaira dito mula sa malayo. Nasa gym pa rin kami at kitang-kita namin na may kausap si Shaira na isang babae. Mukhang college student na at sa tingin ko'y kaedaran lang ito nila kuya Russel at Nathan. "Si Raiza 'yan hindi ba?"
Tumango-tango ako nang mamukhaan ko si Raiza. Nagbago ang buhok niya, mas umikli pa ito at mas lalong bumagay sa kanya. Ngayon ko lang din nalaman kay kuya na kapatid ni Shaira si Raiza. Parehas silang maganda pero ang pinagkaiba lang siguro nila is mas malandi ang ate niya. Jk!
"Wow, pare. Short hair na si ate niyo, Raiza." Sabi ng isang lalaki sa tabi namin. Ngayon ko lang napansin na ang mga tatlong kurimaw na matitigas ang ulo ang nasa tabi namin. Pinagmamasdan din nila ang pagbabago ng buhok ni Raiza. Gandang-ganda rin sila dito pero sa mga titig nila mukhang kanina pa sila tinitigasan dahil kung makatitig sila para silang nanggigigil. Nakasuot din sila ng mga jersey nila at mukhang kakatapos lang nila ng training sa baba at umakyat siguro sila para hanapin lang ito si Raiza.
"Oo nga, Justin. Pormahan mo na." narinig kong sabi ni Leiv at pinagtutulak niya si Justin.
"Ako na nga tutulak." Nagsalita naman si Lowell. "Dapat lakasan natin yung pagtulak para umabot hanggang kay Raiza." Nagtawanan naman sila pero maya-maya ay napansin din nila kami sa kanilang gilid. Nawala ang tawanan nila at napalitan ito ng normal na reaksyon.
"Alam niyo mga kurimaw, kahit anong tulak niyo hinding-hindi aabot kay Raiza. Ang layo-layo oh."
"Pakialam mo ba, huh?" maangas na sambit ni Justin. Nilapitan niya ako at bigla ko namang naalala ang nangyari noong nakaraang linggo.
[FLASHBACK]
"Tinatawanan mo ba ako? Naliliitan ka saken? Maliit lang ba tingin mo saken huh?" aniya't napatingin ako sa kanya.
"Wag ka ngang assuming, pre. May naalala lang ako kaya ako natawa. Isa pa wala akong ginawa kay Bryce. Kasalanan niyo yan kung bakit ako ang mas pinapaniwalaan niya kaysa sa inyo. And lastly, kung mayron mang totoong kaibigan dito. Hindi kayo kundi ako." Mahinahon kong sabi at saka ko siya nginisian.
"Well, well, well. I can't believe it. Paano nangyari 'yun? Why would the King of basketball believe in to you? What the heck is happening here?" hindi ko na maipinta ang mukha niya. Napapaimpit na lang ako sa pagtawa dahil ang taga-Maynilang ito ay naguguluhan na sa pag-iisip kung paano nangyaring nakuha ko ang tiwala ni Bryce.
"Just believe it. Open your heart, bro. And also, open your mind. Stop thinking negative thoughts on me. Tao lang din ako, pare-parehas lang tayo. Ang pinagkaiba lang naman natin ay mas mapera ka kaysa sakin. Pero I'm just an ordinary guy like you, pareho lang tayong nag-aaral dito. At please stop judging me for who I am nang hindi mo alam ang buong pagkatao ko. Remember the Swedish proverb, love me when I least deserve it because that's when I really need it." Ang sabi ko at nalaglag lang ang panga niya. Sana naman ma-realize na ng kurimaw na ito na mali ang iniisip nila sakin.
[END OF FLASHBACK]
"Ano hindi ka makatingin? Ba't ka na naman tumatawa? Baliw ka na ba?" sunod-sunod niyang sabi.
"May naalala lang ako, pre. Remember the Sweddish proverb." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.
"Wala akong paki dun!" matigas naman niyang sabi.
"Ano yun, Jus? Anong Sweddish proverb?" tanong naman ni Lowell. Nagtaka rin si Leiv kung ano ang Sweddish proverb na sinasabi ko.
"Ewan ko diyan. Kayo na lang kumausap diyan." Mabilis namang tumakbo papalayo si Justin at iniwan niya ang dalawang kapatid niyang kurimaw dito sa harap namin ni Jo.
"Pag may nangyari sa kaibigan namin, humanda ka talaga samin." Pananakot ni Leiv at umalis na rin silang dalawa ni Lowell sa harap namin. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa pababa ng hagdan ng gym.
"Bakit ako matatakot?" sabi ko sa isip ko.
"Hayaan mo na si Justin, siya lang talaga ang may problema. Tara sundan natin si Justin." Ani Jo at sinundan ko lang siya sa trip niyang gawin. Hinanap namin si Justin sa buong campus.
Natagpuan namin siya sa kabilang building, sa building nga mga junior highschool. May garden kasi doon sa baba at mga benches. Doon namin natagpuan si Justin na nakaupo sa mga benches at may kausap na lalaking may edad na siguro. Tantiya ko ay nasa 40+ na siguro yung lalaking kausap niya at nakausot lang ito ng casual. Mukhang seryoso silang nag-uusap. Pinilit pa nga ako ni Jonathan na makinig sa usapan. Nilapitan namin sila pero hindi nila alam na nasa likod lang nila kami, nakikinig sa kanilang usapan.
"Pa, ayoko na po maglaro ng table tennis. Hindi na ako masaya."
"Anak, para din 'to sa'yo. Gusto ko maging sikat na table tennis player ka. Kaya pagbigyan mo na ako bago pa ako kunin."
"Wag ka naman pong magsalita ng ganyan, papa. Pero alam niyo naman pong basketball ang hilig ko, hindi ko hilig yung table tennis."
"Alam ko pero tignan mo ang sarili mo. Look at yourself, anak. Bagay na bagay sa'yo ang suot mo, para ka talagang professional table tennis player. Sige na anak, kailangan ko ng umalis. Ipagpatuloy mo lang ang dating pangarap ko, ipagpatuloy mo anak. Gusto ko maging sikat na manlalaro ka ng table tennis at gusto ko sing-dami ng trophy mo ang dami ng medal na makukuha mo sa table tennis."
"Pero pa-" pahabol ni Justin.
"H'wag nang matigas ang ulo, Justin. Ako ang nagpapa-aral sa'yo kaya sundin mo ang gusto ko. Tama na ang panahon mo sa basketball, hinding-hindi ka magiging magaling katulad ni Bryce. Mag-focus ka na lang sa table tennis, mas mahalaga iyon hindi lang para sa'yo kundi para na rin sakin, anak."
Umalis na ang papa niya at naiwan siyang mag-isa na lumuluha. Gusto ko sana siyang lapitan pero pinigilan ako ni Jo. "H'wag, hayaan mo lang siya pre. Mas mabuti pang wag na tayong maki-alam sa problema niya." Mahinang sabi ni Jo.
Aalis na sana kami ngunit huli na ang lahat. Sinundan pala kami ng dalawang kurimaw sa likod namin at nakita rin nila si Justin na malungkot at lumuluha nang mag-isa.
"Ba't kayo nandito?" malakas na tanong ni Leiv.
Napatingin sa amin si Justin. "Kanina pa ba kayo diyan, Harvey?"
"Oo pre, mukhang kanina pa sila rito. Kakarating lang namin ni Leiv eh." Sabi ni Lowell.
"Pvta! Anong narinig niyo? Nakikinig ba kayo kanina? May narinig ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Justin.
"W-Wala, pre." Nilapitan niya ako bigla akong sinuntok sa mukha.
"Sinungaling!" sigaw niya.
Masakit ang ginawa niyang iyon pero hindi ko ininda. Sa halip na magalit ako kay Justin, umalis na lang kami ni Jonathan. Habang naglalakad kami pauwi, na-realize ko na parehas lang kami ng kalagayan. Kung siya, gusto ng ama niyang maglaro siya ng table tennis. Ako naman, gusto ni kuya na mag-focus lang ako sa pag-aaral dahil iyon daw ang mas makakabuti sa akin. Naiintindihan ko si Justin. Dahil sa gusto ng ama niya, pinilit niyang maglaro ng tennis table kahit na ayaw niya rito. Dahil hindi siya masaya, sa ibang tao niya dinadaan ang pagka-hate niya sa isang bagay lalong-lalo na sa akin.
Oo, hindi siguro tama ang makinig sa ibang usapan pero hindi rin tama na sinasarili lang niya ang problema. Mabuti na lang at ginawa naming makinig sa usapan dahil mas lalo ko pang nakilala si Justin. Isa lang din siyang binatang katulad ko na may sariling pangarap ngunit dahil sa tutol ang iba, napilitan siyang gawin ang gusto ng iba para sa kanya kaya naman hindi siya naging masaya. At the end, parehas lang kami. Parehas kaming naging matigas ang ulo. Pero wala eh, iyon ang gusto namin. Iyon ang gusto namin para sa sarili namin. At alam naming doon kami magtatagumpay dahil doon kami masaya. Gagawin namin kung ano ang nakakapagpasaya sa amin. At iyon ang paglalaro ng basketball.