Kabanata 13

1408 Words
"Anong narinig mo kahapon?" Nalaglag ang panga ko ngayon habang nasa terrace. Binisita ako ni Justin habang nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin. Walang practice ang lahat ng mga athlete ngayong araw kaya maaga akong nakauwi dito sa bahay at nagpahinga na lang ako sa terrace. Di ko rin akalain na magpupunta dito si Justin. Ba't kaya galit pa rin ito sa 'kin? "B-Ba't ka nandito? Anong ginagawa mo rito?" pagtataka ko. "Nothing, I just want to make sure if wala ka nga talagang narinig sa usapan namin kahapon ng papa ko." Ano bang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Ba't naman siya magagalit sakin kung narinig ko ang kanilang usapan? Mas maganda nga iyon dahil mas maiintidihan siya ng ibang tao. "Wala 'yun. Wala naman akong narinig-" Mabilis siyang lumapit sa akin at kinuwelyuhan ako. "Siguraduhin mo lang, dahil kapag nalaman ng tropa ko 'yung about sa pag-uusap namin. Wasak ka sakin!" at binitawan na niya ang kwelyo ko. Anong wasak? Wawasakin niya ba ang pagmumukha ko? "Ba't kaba ganyan? Ba't ang laki ng galit mo sakin, huh? Naiingit ka ba sakin?" sabi ko pero tumawa lang siya. "Hindi ako maiinggit sa'yo. Pera pa lang, walang-wala ka na." mayabang naman niyang sabi. "Oo marami kang pera pero hindi sa'yo 'yun, sa mga magulang mo 'yun. Nag-aaral ka palang, humihingi ka pa lang ng pera sa magulang mo kaya h'wag kang umasta diyan na parang rich." "Ano? Ulitin mo yung sinabi mo?" aniya. "Bingi ka ba? Oo nakukuha mo nga ang lahat ng mga bagay na gusto mo pwera lang sa isang bagay na gustong-gusto mo pero ayaw naman ng papa mo" sabi ko at mayabang akong humalakhak. "Fvcking liar!" lalapit sana siya sa akin para ambahan ako pero naunahan ko siya. Tinulak ko siya ng malakas papalayo sa akin. Kahit matigas ang katawan niya, nagawa ko pa rin siyang matulak papalayo sa akin. "So strong, eh?" "Umalis kana dito, baka gusto mong maabutan ni kuya dito at pagtulungan ka pa naming sapakin." Inis kong sabi sa kanya pero hindi pa rin siya bumaba. "Ow, nananapak din pala ang kuya mo. I thought nananambunot siya." Humalakhak naman si Justin na ikinainis ko pa lalo. "Tangina, namumuro ka na talaga ah. Konting-konti na lang talaga masasaktan ka na sakin." Inis kong sabi. Tumawa lang ulit siya. "Sige nga, patingin kung paano ka magalit? Ilabas mo dali. Gusto kong makita ang bagsik ng probinsyanong tulad mo." Alam kong mas malaki siyang tao kaysa sakin pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na siya papalagan. Ayoko sanang masaktan ang kumag na 'to pero pinipilit niya talaga ako. Sinikmuraan ko siya dahilan para mapa-atras siya sakin. Wala pala siya e', wala pala ang isang 'to pagdating sa bunuan. Walang malaki sakin. Walang malaki sakin pagdating sa pakikipag-bunuan. Kabanata 13 Malaki "Wow ang laki naman niyan!" Hindi ako makapaniwalang makakatanggap ako ng cake na ganito kalaki at mukhang masarap. Pinuntahan pa ako ni Jo dito sa bahay para lang ibigay itong malaking cake na ito. Ang sabi niya, pinagawa ito sa akin ni Shaira bilang pasasalamat sa pagsali at para sa advance valentine gift niya sakin. "Oo nga. Ang mahal siguro nito. Ano? Tikman na natin?" "Mamaya. Pagdating ni kuya Russel. Gusto ko sabay-sabay natin kainin 'tong cake." "Teka?" napatingin si Jo sa mukha ko. "Anong nangyari diyan? Ba't may pasa?" Naalala ko tuloy yung nangyari kanina lang bago dumating si Jonathan dito sa bahay. [FLASHBACK] "Oh ano? Asan na ang yabang mo?" tinawanan ko lang siya habang namimilipit sa sakit. Ang buong akala ko'y habang-buhay na lang siyang mamimilipit sa sakit pero bigla siyang lumapit sa akin at sinuntok ako sa pisngi. Mabilis ang pangyayari kaya hindi na agad ako naka-iwas. "Hindi lang 'yan ang aabutin mo sakin!" untag niya bago siya umalis. [END OF FLASHBACK] Nakakainis. Nakahabol pa ng suntok ang kurimaw na iyon sakin. "Ah wala 'to." Nahihiya kong sabi. "Nga pala, bago ako umakyat dito sa apartment niyo. Nakita ko si Justin malapit dito sa lugar ninyo, siguro galing 'yun sa court ng baranggay niyo. Siguro hinahanap niya si Bryce pero wala naman siya doon." "Ah, siguro nga." Napasinghap na lang ako habang hinihintay si kuya Russel. Ang tagal naman kasi ng lalaking 'yun, 'di kaya nag-date pa sila ni kuya Nathan? Maya-maya ay may kumatok na sa pinto. Ang buong akala ko ay si kuya Russel na ang kumakatok pero pagbukas ko ng pinto. Si Shaira ang bumungad sa akin kasama ang kanyang ate na si Raiza, ang crush ng tatlong kurimaw. "Kayo pala, Shai at ate Rai-" "Raiza, I am Raiza." Aniya at kumindat pa sa akin. "Sabi ko nga." Sa isip ko. "Akala ko bawas na 'yung cake pero ba't 'di niyo pa binabawasan?" tanong ni Shaira. "Uh, eh. Hinihintay ko pa sila kuya." Tugon ko naman at biglang tumawa ang ate niyang si Raiza. "Speaking of your kuyas." Sabi ni Raiza habang nakatingin siya sa baba. Paakyat na siguro sila kuya. "Anong meron dito?" tanong ni kuya Russel. "Wow, kanino galing yung cake?" tanong din ni kuya Nathan. "Samin ng kapatid ko." Mataray na tugon ni Raiza. Nagkatinginan lang sila kuya Nathan at Russel sa isa't-isa. "Oh well, reunion pala ang meron dito. Why not we shall start eating that big cake?" "Kayo na lang, busog pa kami ng luvs ko eh." Tugon ni kuya Nathan sa kuya ko. "Tara na luvs, make love tayo sa kwarto?" "Sige, luvs." Tugon ni kuya Russ at nagtungo silang dalawa sa kwarto. "Whatever." Napa-irap naman si ate Raiza. "Kayo kumain na kayo, dito lang ako sa terrace. I just want to feel the fresh air." Dagdag pa niya. "Sige, sis. Samahan ko lang ang La Nuevo Rey ng campus." Sabi ni Shaira sa ate niya. "Ano 'yung La Nuevo Rey?" pagtataka ko. "The new King ang ibig-sabihin nun, Harvey." Sabi ni Jo sakin. Lumapit na si Shai sa cake at mabilis niya akong pinahiran ng icing sa mukha. Gumanti rin ako at pinahiran ko siya ng icing. Nakisali rin si Jo sa amin at nagharutan lang kami sa buong apartment. "Look who is here." Nagsalita si ate Raiza kaya naman natigilan kami sa harutan. "What does the old king doing here?" "Si B-Bryce nandiyan, sis?" gulat na tanong ni Shaira at dali-dali siyang lumabas patungo sa terrace. "Nasan si Harvey, nandiyan ba siya?" narinig kong tanong ni Bryce. Nasa hagdan pa lang siguro siya. "He's here, why?" pabalik na tanong ni Raiza kay Bryce. "Ano 'yang dala mo?" tanong ni Shai habang napairap. Hindi ko pa rin nakikita si Bryce dahil nasa hagdan pa siya. Tanging boses niya lang ang naririnig ko mula dito sa loob ng apartment. Umakyat pa si Bryce hanggang terrace kaya naman kitang-kita ko na siya mula dito sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako. Napansin ko din ang bagay na dala-dala niya. Pumasok siya loob nang at inabot ang bagay na dala-dala niya. Para sakin ba 'to? "A-Ano 'to, pre?" tanong ko. "Basta, buksan mo nalang bukas. Napadaan lang din ako dito, aalis na rin ako, pre." Aniya at tumalikod na siya sakin. Tinignan niya muna si Shaira bago siya umalis. Nagkatinginan sila ng ilang segundo pagkatapos ay nilisan na niya ang apartment. Medyo mabigat ang shopping bag na binigay niya sa akin. Curious naman ako sa laman nito kaya agad kong kinuha ang nasa loob nito. Nanlaki ang mata ko dahil isang malapad at mahabang kahon ang natanggap ko. "What's that?" pagtatakang tanong ni Shaira habang nakataas ang kanyang kilay. "Well, let's see, Harvey. Open it. Open that present." Masayang sabi ni Jonathan. Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuksan ang malapad na kahon. Sabay-sabay napa-O ang mga bibig namin dahil sa aming nakita. Malaking picture frame ang natanggap ko sa kanya na may kasamang larawan ng mukha ko. Animated ito at mukhang pina-edit pa sa mga magagaling na editor dahil sa ganda ng pagkakagawa nito. May nakasulat pang idol na pang-calligraphy ang font sa ibaba ng larawan ng mukha ko. Nagkatitigan lang sila Shaira at Jonathan, habang ako pinag-iisipan ko pa rin kung para saan ba itong regalo na ito? Malaki na nga ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa sapatos, tapos bibigyan pa niya ako nito. Mukhang sobra na pero Malaki rin ang pasasalamat ko kay Bryce. Hindi dahil sa binibigyan niya ako ng mga kung ano-anong bagay kundi ang pinapahalagahan niya ako bilang isang idol o isang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD