NAPAHILAMOS sa mukha si Kiel dahil sa nangyari. Agad kasi nag-init ang ulo niya ng makitang may kahalikang iba si Angz. Hindi matanggap ng puso niya na may ibang humalik dito. Pilit niya mang pinipigilan ang nararamdaman dito pero hindi niya naman magawa. Akala nito nakamove on na siya dahil may babae itong nakita na kasama niya pero ang totoo bestfriend niya Colleen at kinausap niya lang na tulungan siya. Galing US si Colleen at nagbabakasyon lamang sa Pilipinas. Wala naman itong kamag-anak sa Maynila kaya sa kanya nakituloy pansamantala. Mabuti na lang at game si Colleen sa kanyang mga plano at hindi siya magawang tanaggihan. Nakiusap lang siya sa kaibigan para pagselosin si Angz. Alam niya rin na magagalit si Jen kapag nakita nitong may iba siyang babae at tama siya na sasabihin nito k

