HIMAS-HIMAS ni Angelica ang kanyang may kalakihang tiyan. Apat na buwan na ang kanyang tiyan. May kalakihan na iyon samantalang si Jen ang alam niya ay magpipitong buwan na ang tiyan. Hindi niya mapigilang hindi isipin ang kapatid. Gustong-gusto niya itong tawagan pero hindi niya magawa. Hindi niya napigilan ang hindi pagtulo ng kanyang luha ng mga oras na iyon habang mag-isa siyang nakatitig sa malawak na swimming pool. Nasa palawan pa rin siya ng mga oras na iyon kasama ang kanyang asawa at ang mga magulang ni Kiel. Masasabi niyang napakasaya niya dahil sa bagong yugtong ng kanyang buhay pero may bahagi ng kanyang pagkatao ang naiisip pa rin ang kanyang mahal na kapatid. Wala naman siyang nakukuhang tawag kay Jackson kaya ang iniisip niya ay nasa mabuting kalagayan lamang ang mga ito. Gu

