SINADYANG puntahan ni Angelica ang bahay ni Kiel. Gusto niyang mahingi ang number ni Kiel kay Manang Helen. Nagulat pa si Manang Helen nang makita siya. “Angz?” bulalas nito. “Hi Manang, kumusta po kayo?” tanong niyang nahihiya sa matanda. “Okay lang ako, ikaw? Kumusta ka na? Pumasok ka na muna,” yaya pa nito sa kanya kaya ngumiti siya. Ang akala niya ay galit ito sa kanya. Sumunod siya sa matanda. “Alam mo simula ng umalis si Kiel ay ako nalang mag-isa rito,” ani pa ng matanda sa kanya. Pagpasok niya ng bahay ay kaagad na tumambad sa kanya ang kanyang mga larawan na ginawa ni Kiel. Nakasabit ang mga yun sa dating pinaglalagyan na labis niyang ipinatataka dahil ang alam niya ay pinalitan na iyon ni Kiel. “Akala ko ay inalis na ni Kiel ang mga yan?” tanong niya. “Naniwala ka naman?

