DALA ng emosyon ay hindi napigilan ni Angelica ang sarili. Kahapon niya pa nalaman na dalawang buwan na pala siyang buntis at wala namang ibang ama kundi si Kiel lamang pero tulad ng sinabi niya kanina kay Jen ay hindi niya ipapaalam kay Kiel ang tungkol sa kanyang dinadala. Ayaw niyang guluhin pa ang lalaki lalo na akong may iba na itong minamahal. Naiintindihan niya naman si Kiel. Naiintindihan niya kung lumayo ito para makalimot---at para iwan si Jen. Deserve nito ang mahalin at magmahal. Ibibigay niya ang kalayaan na iyon sa lalaki. Isa pa masaya na siya na kahit man lang alaala ay binigyan siya ni Kiel. Mamahalin niya ang magiging anak nila. Sa ginawa niyang pananakit kanina kay Jen ay wala siyang naramdaman na pagsisisi, dapat nga ay noon niya pa ito sinaktan pero hindi niya ginawa

