NAGING napakahirap para kay Jen ang matawagan si Kiel. Pakiramdam niya iniiwasan siya ng lalak pero ano pa nga ba ang kanyang inaasahan? Wala siyang ibang maaasahan Kiel pero paulit-ulit niya itong kinukulit. Nakahinga siya ng maluwag ng sagutin ni Kiel ang kanyang tawag. "Kaya ka ba pumunta ng Canada para iwasan ako? Kahit ang sagutin ang tawag ko ay hindi mo sinasagot, Kiel. Ano bang nangyayari sayo? Nagkakandahirap-hirap ako rito para makasunod kaagad sayo pero ang tumawag man lang ay hindi mo magawa," galit niyang sigaw sa lalaki sa kabilang linya. "Ano ba ang problema mo? Hindi pa ba obvious na ayaw kitang kausap? Besides, wala akong obligasyon sayo Jen, alam ko ang lahat. Alam ko na ang ugnayan mo kay Jackson at lalong ko na rin na siya ang ama ng dinadala mo, hindi ba?" sagot pa

