HINDI tumutol si Angelica nang dalhin siya ni Kiel Palawan. Ang gusto nito ay doon silang dalawa magpakasal. Mabuti na rin iyon para mapalayo muna siya kay Jen. Gusto niya na rin munang pagtuunan ang kanyang sarili lalo at magkakaanak na sila ni Kiel. Ayaw niya naman na isilang ang kanilang anak na hindi pa sila kasal. "Hindi mo lang alam kung gaano mo kami pinasaya Angelica. Alam ko na masayang-masaya ngayon ang aming anak dahil sayo. Akala nga namin ay hindi na siya babalik dito sa Pilipinas. Nabalitaan ko kasi na naghiwalay kayong dalawa pero ang nagagawa nga naman ng pag-ibig hindi ba? Heto ka ngayon kasama ng anak ko at bibigyan niyo pa ako ng apo," wika ng mama ni Kiel sa kanya kaya napangiti siya. "Sa maikling panahon ay sobra na ang pinagdaanan namin ni Kiel at sa tingin ko po hi

