TUESDAY

1201 Words
August 25, 2015 Buwan ng Wika "Good morning, class!" Masiglang bati ng aming adviser na si Mrs. Felicidad Geronimo. "Good morning, Ma'am!" Halos sabay-sabay naman naming bati sa aming guro. "I want to remind all of you guys to vote for our representatives for Bb. Buwan ng Wika. Choose between Cheska Santiago and Penelope Santos only. Pero siyempre dapat yung galing sa ating section ang suportahan natin. Do you understand, class?" Paalala nito sa amin. “Yes, ma’am!” Two weeks ago pinili ako ni Ma'am Geronimo na mag-represent ng klase namin sa Bb. Mutya ng Wika 2015. Cheska volunteered herself kaya dalawa kaming representative ng klase. Every year kasi siya ang pambato ng klase namin sa patimpalak ng kagandahan. Pumayag lang naman ako dahil sa advice ni Ma'am Geronimo na sumali ako sa mga extra-curricular activities dahil running for valedictorian ako. And Cheska is running for salutatorian too. "Okay guys, sabay-sabay tayong pumunta sa Gym. Kung maaari iwasan ang mag-ingay." Nakasuot kami ng national custome ni Cheska. Ang mga kaklase naman namin ay nakasuot ng kulay red na t-shirt. Iyon kasi ng kulay ng klase namin. Konserbatibong "Buca Mangga" ang suot ko samantalang ito naman ay baro't saya na moderno ang pagkakatahi. "Girl, galingan mo sa Q&A portion ha?" Sabi sa akin ni Lora. "Papalakpak kami ng malakas. Promise bhe." Solid fan ko talaga si Krizza. "For sure ikaw na ang Best in Talent. Sa mala-anghel mong boses, I’m sure you will, ate." Sabi naman ni Caroline. Marami talaga ang nagsasabing maganda talaga ang boses ko. "Bhe, don't forget to smile ha? Ako ang photographer mo ngayon. Ang pretty pretty mo na talaga!" Sabi nito habang nakasabit ang digital camera nito sa leeg. "Thank you, guys. Gagalingan ko promise. Para sa inyo, para sa buong class, para sa family at sa ating lahat!" I am so determined to win this contest.   Pupunta na sana ako sa upuan na naka-assign sa akin ng marinig kong may tumatawag sa aking pangalan. "Penelope! Penny!" Boses ni Jacob. Lumingon ako at nakita siyang humahangos na naglalakad palapit sa akin. "Goodluck…" Hinawakan nito ang dalawa kong kamay at bahagyang pinisil ito. Dumukwang ito ng kaunti sa akin at hinalikan ang nuo ko. Mabilis itong bumalik sa pwesto nito ng magsalita ang MC. Samantalang ako naman ay saglit na natigilan bago pumunta sa pwestong upuan ko kahilera ng iba pang kandidata. *** "Ang ganda talaga niya, pre." Usal ni Lucas habang nakapako ang mga mata sa entablado. "Maldita nga lang…" Sabi naman ni Marco rito. "Hwag kayong judgemental uy! Baka naman defense mechanism niya lang yan." Saway ko sa mga ito. Magkakatabi kaming nakaupo sa monoblock na nakalihera para sa section namin. Pinag-uusapan nila si Cheska na sumasayaw bilang talent nito. Magaling itong sumayaw dahil leader ito ng cheering squad. "Ang susunod na kalahok ay si Bb. Penelope Santos mula ulit sa Section A." Una akong pumalakpak sa lahat bilang pagsuporta sa dalaga at sumunod naman ang iba. "Ano ang ipapakita mo sa amin magandang binibini?" Tanong ng baklang MC kay Penelope. "Ako po ay aawit.." Magalang na sagot naman nito rito. Nagsimula itong umawit ng isang Tagalog na kanta. Sa Ugoy ng Duyan ang pamagat. Tumahimik ang lahat upang makinig sa malamyos nitong boses. Tahimik ang lahat habang nakikinig sa pag-awit nito. "Ang ganda pala ng boses ni Pen-Pendangga…" Hindi naiwasang komento ni Alex, ang kaklase naming laging binubully si Penelope. Noon. At hindi na pwedeng gawin ngayon lalo pa at nandito na ako. "Grabe ang ganda niya na no? Kung alam ko lang dati na gaganda siya ng ganyan, pinormahan ko na." Sabi ni Marco habang nabibighaning nakatingin kay Penelope. "Swerte mo, Pareng Jacob.” Siniko ako nito. “Maganda, mayaman, mabait, matalino at mukhang mapagmahal. Jackpot ka talaga kay Penny! Lahat na yata nasa kanya na!" Sabi naman ni Lucas sa akin. Ngumiti lang ako sa mga ito. Swerte talaga ang lalaking mamahalin ni Penny. "Hoy! Mga itlog hindi si Penny ang girlfriend ni Jacob kundi si Cheska." Sabat naman ni Moira na kaibigan ni Cheska na nakikinig pala sa aming usapan. “Hindi namin hinihingi ang opinion mo, Moi.” Turan ni Alex sa sinabi ng babae. “Baka kasi hindi kayo informed, mga kumag!” "Whatever!" Sabayang bigkas ng tatlo - Lucas, Alex, at Marco. Nagpatuloy ang sagutan ng mga ito samantalang ako naman ay nakatingin sa itaas ng entablado kung saan ay tinatanong ng host si Penny. "May nobyo ka na ba hija?" Tanong ng hurado kay Penelope. Q&A portion na at siya na ang nakasalang. "Wala pa po." Kiming sagot nito. May hiyawan akong narinig mula sa mga kalalakihan doon sa likuran.   "Okay ito ang katanungan mo..May nobyo ka at mahal mo siya. Ngunit nais ng mga magulang mo na magpokus ka sa iyong pag-aaral. Ano ang gagawin mo?" "Salamat po sa inyong katanungan. Una po sa lahat, wala pong edad o panahon ang pag-ibig. Pangalawa, nirerespeto ko po ang aking mga magulang. Kung sakaling nasa ganung sitwasyon po ako, kakausapin ko po ang aking mga magulang pati na din ang aking nobyo. Ipapaintindi ko po sa kanila na kahit bata pa ako ay nagmamahal din po ako. Pwede ko naman pong gawing ispirasyon ang pagkakaroon ng nobyo para po mas umangat ako sa klase. At ipapaunawa ko naman sa aking nobyo na dapat maging responsable kami sa aming relasyon. Patutunayan naming pareho na karapat-dapat kaming bigyan ng pagkakataon para mamukadkad ng magkasama. Higit sa anupaman, ang pag-aaral ko po ang aking prioridad sa buhay. Maraming salamat po!" “Maraming salamat sa iyong napakagandang kasagutan, Bb. Penelope Santos. Pwede ka ng bumalik sa iyong pwesto.”   *** August 25, 2015 Dear Diary, May good news ako sayo! Nanalo ako bilang Bb. Buwan ng Wika 2015. First time kong sumali tapos nakuha ko agad ang title. Ang saya-saya ko talaga. Proud na proud si mommy at daddy sa akin. Pero may secret akong sasahihin sayo. Alam mo bang hinalikan ako ni Jacob bago magsimula ang patimpalak kanina. Pero sa nuo lang naman. Kinilig talaga ako kanina. Feeling ko may gusto siya sa akin. Kanina ng tinanong ako ng judge, siya ang inisip kong magiging boyfriend ko. Alam mo ba DD, crush ko si Jacob. Feeling ko nga mahal ko na siya. Kaso DD sila na yata ni Cheska kasi palagi silang magkasama. Minsan nga nakita kong niyakap siya ni Cheska. Pero bakit ganun gusto ko pa rin siya. Sabi ni Caroline madalas daw umalis ang kuya niya, siguro dinadalaw niya si Cheska. Alam mo DD parang nagalit si Cheska sa akin. Sana naman hindi niya pagbawalan si Jacob na makipagkaibigan sa akin dahil natalo ko siya. I really hope so talaga! DD, di ba maganda na ako? Kung maganda na ako sana magustuhan na ako ni Jacob. Nakakainis naman kasi, ako naman ang nauna niyang nakilala pero bakit si Cheska ang ginirlfriend niya? DD secret lang natin 'to ha? Thank you, DD! P.S. Bukas ng gabi kakain kami sa labas para icelebrate ang pagkapanalo ko. Sana talaga makasama si Jacob sa amin. Si Ninang, Ninong at Caroline pumayag na, si Jacob nalang ang hindi ko natatanong kasi sinamahan niya si Cheska kanina. Iteteks ko nalang siya later. Love, Penelope Santos  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD