First Day
"Kuya, can you make a little bit faster? We're going to be late on our first day of school." Sigaw ni Caroline sa akin. Kabaliktaran ng excitement ni Caroline, I am not feeling excited on my first day.
Bumaba ako sa sala ng walang pagmamadali. Naabutan ko roon ang kapatid ko na nakasimangot sa akin. Pero nabigla ako ng makitang prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa si Penelope. Biglang kumabog ang puso ko ng ngumiti ito sa akin.
"Good morning, Jacob!" Bati nito sa akin.
"Morning too." Ganting-bati ko dito.
"Ate Penny, let's go na. Kuya is being so paimportante na naman. Nakakainis!" Nagdadabog na hinila ni Caroline ang bag nito na nakapatong sa center table. Tumalima naman ito at sumunod sa kapatid ko.
"Okay lang ba kong makisabay ako sa inyo sa pagpasok sa eskwela? Masama kasi ang pakiramdam ng driver namin. Nagpaalam naman na ako kay Ninong at Ninang." Lumingon pa ito sa akin para lang sabihin iyon.
"No worries. Iisa lang naman tayo ng pinapasukan. Hindi ka makakaabala sa amin." Sagot ko rito.
"Why don't you make sabay nalang to us every day Ate Pen? Watcha think, Kuya? Para naman hindi siya nag-iisa sa pagpasok. At para may kausap na din ako habang nasa byahe." Suhestiyon ng kapatid ko.
"Okay lang naman sa akin. Better ask Penelope first kung gusto niya sumabay sa atin every day."
"Gusto ko. I mean, I would be very glad." Mababasa sa mga mata nito ang kasiyahang nadarama.
Classmates
"Ate Penny, mauna na ako sa inyo ni Kuya ha? Doon pa kasi ang room ko sa kabilang building e." Paalam ng kapatid ko sa amin.
Bumeso ito kay Penelope bago umalis.
"Saan ang room mo? Ihahatid na kita." Hindi ko kasi alam kung anong section siya pero alam kong pareho na kaming graduating at nasa senior years.
Humarap ito sa akin at iwinasiwas ang kamay niya.
"Huwag na, Jacob. Malapit nalang din naman ang room ko. Baka ma-late ka pa kapag inihatid mo pa ako."
"Maaga pa naman. Anong section mo ba?" Ulit kong tanong dito.
"Section A." Parang nahihiya pa nitong sagot sa akin.
"Tara na. Sabay na tayong pumunta sa room natin." Hinawakan ko siya sa palapulsuhan nito para hilahin.
Nabigla yata ito na malaman na kasama ako sa section ng mga matatalino. Wala na kasing slots para sa ibang section kaya isiningit nalang ako ng principal sa Section A kahit na average lang ang grado ko.
"Talaga? Section A ka din?" Namamangha nitong tanong nito sa akin.
Ngumisi ako dito. Kinindatan ko siya bilang sagot sa tanong nito.
Awkward
Nakita ko kong paano nanlaki ang mga mata ng mga kaklase ko. Napasinghap ang iba. Sino ba naman ang hindi? Hila-hila ko si Penelope papasok sa loob ng room namin.
"Ay taray, nag-make over ang lola ko." Sabi ng isang kaklase namin.
Kaibigan siguro ito ni Penelope dahil doon ito dumerecho pagkapasok namin ng room. Ako naman humanap ng bakanteng upuan sa likuran.
"Gumanda si Pen-Pendangga ahh. Siguro dahil may boyfriend na."
"Boyfriend niya ba talaga yan? In fairness, ang gwapo niya. " Kinikilig naman ang isa kong kaklase.
"Ang swerte ni Pen, heartthrob ang dyowa. Well, ang ganda na rin naman ni Pen ngayon."
"Ang swerte naman ni Pen."
"Hindi sila bagay."
"Oo nga, mas bagay kami. Ano kaya name niya?"
"Mukhang suplado, sis." Sabi naman ng isa.
Nakikinig lang ako sa mga bulong-bulongan ng mga kaklase ko ng biglang tumahimik ang lahat. Limang babae ang sunod-sunod na pumasok sa room namin.
"Andito na ang Queen Bee, umalis ka sa pwesto namin." Utos ng bagong dating sa kaklase kong nakaupo sa harapan. Yuko ang ulong sumunod ito at tumabi sa akin sa likuran.
"Miss, sino ang mga yun?" Tukoy ko sa mga bagong dating na nagpaalis sa kanya.
"Ahh yun ba? Cherry Blossom ang tawag sa grupo nila. Ganyan talaga sila. Kababaeng tao, mga bully."
She was about to speak more to me when I saw the gang bullying Penelope. Nasagi kasi ni Penelope yung leader ng Cherry Blossom.
"Lumuhod ka sa harapan ng Queen Bee at humingi ng tawad! O gusto mong bigyan ka namin ng Red Card." The hell this woman saying. Ano 'to girl version ng F4?
Nakayuko si Pen ng lumapit ako.
"Isn't her sorry enough to you? Hindi Diyos yang leader niyo para luhuran. Bullying is a crime. Didn't you know that?" Pagtatanggol ko kay Penelope.
"Jacob, hayaan mo nalang sila. They won't harm me." Suway sa akin ni Penelope.
"Oh my! Jacob, is that really you? Do you still remember me? I'm Chelsea, the one..." Bulalas nito ng makilala ako but I cut her words.
"Oh yeah, Chelsea. I never thought na sa likod ng kagandahan mo ay nakatago ang isang bully." I sounded so disappointed to her.
"I'm sorry… I'm sorry, Pen. It was just a misunderstanding. Girls say sorry to Penelope. Lalong lalo ka na Marga." Utos ni Chelsea sa mga alipores nito na agad namang sumunod sa sinabi nito.
***
Dali-dali akong umakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto at sumalampak sa kama. Kinuha ko ang diary ko sa ilalim ng unan ko. Iniwan ko ito doon kanina.
June 8, 2015
Dear Diary,
First day of school, yey! Masayang-masaya ako kanina bago pumasok. May makakasabay na akong pumasok sa eskwela every day. Hulaan mo?! Of course, you know them, it's Caroline and Jacob. Si Jacob ka-section ko pa.
Alam mo ba DD, andaming nangyari kanina sa first day of school ko. Akala ko masusurprise sila dahil sa make over ko, hindi pala. Na-surprise sila kasi nakita nila kaming magka-holding hands ni Jacob. Si Jacob kasi hinila ako sa kamay papasok sa room namin. Ayun, pinag-usapan kami ng mga kaklase namin.
Pero alam mo ba DD hindi pa rin nagbabago ang pagtingin nila sa akin. Ako pa rin si Pen-Pendangga sa mga kaklase ko kahit na maganda na ako. Kanina hindi naman sinasadyang nasanggi ko si Chelsea pero binully ako ng mga friends niya. Buti nalang talaga ipinagtanggol ako ni Jacob. Kasi kung wala si Jacob dun, itutulak na naman nila ako ng malakas sa pader. Masakit kaya yun!
Pero alam mo DD kahit ganun ang nangyari kanina, masaya ako. Imagine may isang poging lalaki na nagtatanggol sayo. Para akong Princess na sinaklolohan ni Prince Charming. Kinikilig ako! Hala, bakit ako kinikilig? But anyways, Jacob is the first guy who fight for me aside from dad. He's also the first man to hold my hand aside from dad. Ambait niya sa akin. Sa Sunday 'pag nagsimba kami ng Mommy magpapasalamat ako kay God kasi ibinigay niya si Jacob sa akin - silang dalawa ni Caroline para maging kaibigan.
Wala man akong madaming kaibigan sa makakasama sa oras ng kasiyahan, atleast may iilan naman akong maaasahan sa oras ng kagipitan.
Goodnight na DD. Bukas ulit.
P.S. Gigising ako ng maaga bukas para maghanda ng almusal bilang pasasalamat sa pagtatanggol sa akin ni Jacob kanina.
Love,
Penelope Santos
***
"Wow, ang sarap naman nitong sopas na niluto mo, Manang." Di ko mapigilang i-appreciate ang luto ng helper namin.
"Oo nga, Manang. Masarap ang luto mo ngayon. Parang labored with love." Si Caroline naman ang nambola kay Manang ngayon.
"Ay, naku mga bata hindi ako ang nagluto niyan. Galing yan sa kabilang bahay. Pinadala daw dito ni Penny sabi nung katulong na naghatid kanina. Si Penny daw mismo ang nagluto niyan para kay Jacob." Detalyadong sagot nito sa amin.
"Tsk. Are you sure it's for Kuya and not for me, Manang?" Maarteng tanong naman ni Caroline dito.
"Para nga kay Jacob yan. Tignan mo pa yung card na nakadikit dun sa tupperware." Inginuso nito ang takip na nakapatong sa isang malinis na plato.
Dearest Jacob,
Thank you for yesterday. I really appreciate what you've done. Eat this breakfast as a token of my gratitude. Please do share the soup I made with Caroline.
Again, thank you:)
Sincerely,
Penny
Tumaas na naman ang isang bahagi ng labi ko. Gratitude. Marunong talaga itong tumanaw ng utang na loob. It is my duty to save her from any harm. She is my god-sister for goodness sake. I will not let anyone hurt her. Ipinasok ko sa bulsa ng pantalon ang card na galing kay Penelope at nagpatuloy sa pagkain.
"You're smiling like an i***t, Kuya." Puna ni Caroline sa akin.
"What?" I asked.
"Kumakain ka lang ng sopas but you smiled like a sick-loved fool." Nakangusong sabi nito sa akin.
My sister is so cute.
Binato ko siya ng binilot kung tissue and she throw it back to me.
Napangiti akong muli.
I can't help it.
Parang may sariling isip ang mga labi ko -- at gusto nilang ngumiti ng walang rason.