"Sir, eto po bang kulay pink ang kukunin mo?" Nandito ako ngayon sa isang sikat na gift shop. Naghahanap ako ng mabibiling regalo para sa Mine ko. May nakita na akong bear na mas malaki pa sa akin. Iyon ang bibilhin ko para sa kay Penelope.
"Yes, yung kulay pink nga Miss." Medyo may kamahalan ang bear na bibilhin ko pero mas mahal ko naman ang pagbibigyan ko.
"Ang swerte naman ng girlfriend niyo, Sir." The sales person started to make a small talk with me.
"Mas swerte ako sa kanya." Mas swerte nga talaga ako kay Penelope.
Sa dami ng karibal ko, ako ang pinili niya. Tapos tanggap pa ako ng parents niya. May mahihiling pa ba ako? Bihira na ang mga magulang na pumapayag na makipag-nobyo ang anak.
I remember how nervous I am when we decided to tell our parents about us. They were delighted to know our relationship. At pinagsabihan lamang kami na huwag gagawa ng mga bagay na ikakasira ng aming kinabukasan. Because if we truly love each other, we can wait for the right time. At wala akong balak na sirain ang ibinigay nilang tiwala sa aming dalawa.
Ipinara ko ang taxi sa harap ng gate ng bahay ng mga Santos. Nagpatulong ako kay Manong Driver na bitbitin ang bear sa loob ng bahay nila. Nasa church ngayon si Penelope kaya nga minadali ko ang pagpunta dito sa bahay. Pinaupo ko ang malaking bear sa ilalim ng malaking Christmas tree ng mga Santos. Nakikita ko na ang magiging reaksyon ni Penelope sa regalo ko sa kanya.
"Manang, what time po kaya darating sina Penelope?" Tanong ko sa kasambahay nila.
Naglilinis kasi ito sa may sala.
"Ay nandiyan na po yata sila, Sir Jacob. Naririnig ko na po kasi ang boses ni Sir."
Inayos ko ang bouquet ng bulaklak na dala ko. Tumayo ako at inantay na magbukas ang unahang pintuan. At nakangiting naghintay sa kanila.
Naunang pumasok ang katulong na may dalang pinamiling gamit panhanda. Sumunod ang magka-akbay na parents nito. Nagmano ako gaya ng palagi kong ginagawa.
"Ang aga naman ng manugang ko. Wala naman kayong laging Instik di ba?”
“Wala po, tito.” I said even if I know that he is kidding me.
Tinapik ako ng daddy ni Penelope sa balikat habang nakangiti.
“Keep it up, young man. Prove to us that you really deserve our Penny."
"Ang sweet naman ni Jacob. A bouquet of flowers in the morning. My God, who wouldn't fall for you? Handsome, gentleman and smart." Halatang boto talaga ang mommy nito sa akin ever since.
"Thank you po, Tita and Tito. Everything for your princess." Sagot ko naman sa mga ito.
"Oh, we should leave the prince and the princess alone, hon." Yakag ng mommy nito pagkapasok ni Penelope sa loob ng bahay.
"Bulaklak para sa pinakamagandang dilag sa buong mundo." Inabot ko rito ang bouquet ng bulaklak sa kanya.
She is smiling so wide with so much tenderness on her face.
"Thank you, Mamang Pogi." I know that is not manly to accept na kinikilig ako sa sinabi ni Penny but I couldn’t help it.
"So inamin mo din na napopogian ka sa akin?" I teased her. Hinila ko siya palapit sa akin. Niyakap ko siya saglit bago iginaya papunta sa mahabang sofa sa salas nila.
"Duh?! Saan banda ang pogi diyan?" Balik-asar nito sa akin. Hinawakan nito ang baba ko na para bang may sinisipat ito sa mukha ko.
"In denial. Halika ka diyo, Mine. I will show you something." Hinila ko siya ulit patayo. Inilagay ko ang dalawang kamay sa mga mata nito.
"Ano na naman ang pakulo mo this time, Mine?" Simula ng naging kami ni Penelope palagi ko itong sinosorpresa ng kung ano-anong maliliit na bagay.
"Basta. Huwag maninilip kung hindi magkakakuliti ka." Biro ko dito. Sinusubukan kasi nitong baklasin ang kamay ko sa mga mata niya.
Eksaktong nasa harapan na kami ng malaking Christmas Tree ay tinanggal ko ang kamay ko sa mga mata niya.
"Now, you can open your eyes." Unti-unti itong nagmulat ng mga mata.
"Oh my God, Mine. Ang cute ng bear. It's so huggable!" Bulalas nito ng makita ang regalo ko sa kanya. Dali-dali itong umupo sa floor malapit sa bear at niyakap ito ng mahigpit.
"Do you like it, Mine?" Lumapit ako sa kanya at nakiyakap na rin sa giant bear.
"I just don't like it. I love it, Mine. Dadalhin ko 'to sa kwarto at yayakapin tuwing matutulog ako sa gabi." She said dreamily.
"As if it was me?" I tried to ask.
"Yeah. Para kapag katabi ko siya, para na rin kitang katabi." Nakalabing sagot nito sa akin.
"Let's name it. This will be our first baby." I initiated.
"What about JaPen? Yun parang JaDine ang dating." She recommended.
"JaPen stands for Jacob and Penelope. Nice! Sige yun nalang name niya, Baby JaPen." And we hugged the bear together.
***
December 25, 2015
Dear Diary,
This is the happiest Christmas in my entire life!
First Christmas na may kasama kaming magcelebrate -- Dela Cruz and Santos family. Yeah, Jacob's family joined us celebrating Christmas. We went to church together for mesa de gallo. May exchange gifts, palaro, raffles and sayawan pa.
But the most exciting part was the exchanging gifts. Hindi si Jacob ang nabunot ko kundi si Yaya. Hulaan mo kung ano ang binigay ko sa kanya? Binigyan ko siya ng ticket para magbakasyon ng tatlong buwan sa hometown nito sa Cebu. I know she misses her kids too.
I have my own car now. It's Mom and Dad's present to me. But I don't think I can use it already because I don't know hoq to drive. Ninong and Ninang bought me a necklace. Isang scrapbook naman ang binigay sa akin ni Caroline. But my Mine, he gave me a giant teddy bear. It's sooo cute!
I also have gifts for them. A family shirt for all of us. Ha-ha! I made it myself. And it looks good to us. Customize mugs for Manong (the driver), Yaya and Manang (the maid). May couple shirt din para sa aming dalawa ni Jacob. And I know Caroline will get jealous so I bought her a new pair of shoes.
I have been feeling so blessed not because I got lot of presents but because I am feeling loved. Gifts are just material things. It is futile without love.
And I thank God for everything. But I am thanking God most because He gave me wonderful people this year.
Sana next year kasama pa rin namin sila for Christmas. At sa susunod pang mga years.
Oops, I forgot to tell you. Sa New Year doon naman kami sa mga Dela Cruz makiki-celebrate. I'm so excited.
Love,
Penelope Santos