Dear Diary,
Ang weirdo ni Jacob kanina. Hindi niya ako pinapansin habang naglalakad kami papasok sa klase. Nagsimula siyang magalit ng may lumapit na sophomore student sa akin para mag-abot ng sulat. Malay ko bang love letter yun?! At tsaka bakit siya magagalit e hindi ko naman siya boyfriend. Nakakainis! Porke ba palagi kaming magkasama may karapatan na siyang magalit sa akin ng walang dahilan. Oo nga at nagbibigay siya sa akin ng chocolates, bears at flowers pero hindi niya naman sinasabi kong nanliligaw siya. So ano, mag-aassume lang ako? Bahala nga siya sa buhay niya. Hindi nga ako nagagalit sa kanya kapag may mga babaeng basta nalang humahalik sa pisngi niya tuwing dadaan kami sa hallway. Bakit nagagalit din ba ako kapag nakikipaglandian siya kay Cheska, hindi naman di ba? He is so being unfair to me. Bahala siya sa buhay niya.
(Later ko na tatapusin ang kwento ko sayo DD, papalapit si Jacobo sa akin.)
Love,
Penelope Santos
***
Nagpapaligaw
"Penelope Santos, mag-usap nga tayo."Matigas ang pagkakasabi ko rito.
"Ano naman ang pag-uusapan natin Jacobo Dela Cruz?" Mariin din nitong tanong sa akin.
"Bakit ka nagpapaligaw sa iba?" Naiinis na tanong ko rito.
"Malay ko bang may gusto sa akin yun. Teka nga, so why are you angry if someone's courting me? Hindi naman kita boyfriend."
"Hindi ka pwedeng magpaligaw sa iba. Do you understand me?"
"And why? Hindi ka si Daddy para pagbawalan akong magpaligaw. My parents wanted me to experience the feeling of being courted."
"Kasi ako ang naunang nanligaw sayo." Mahinang sambit ko dito.
I feel off-guarded when I say the words.
"Why am I not aware that you're courting me?" Nanlalaki ang mata nitong tanong sa akin.
"I don’t know with you. But I know that I am courting you. Baka dahil manhid ka lang?"
"No, I'm not!" Tumaas ang boses nito.
"Eh bakit hindi ka aware na nanliligaw ako sayo?"
"Because you didn't say it. Ayaw ko namang mag-assume about it."
"Manhid ka talaga!"
"Kung manhid ako, e di sana wala akong feelings sayo." Nag-walk out ito matapos niyang sabihin na may nararamdaman din siya para sa akin.
Ako naman ay napapangiti habang nakasunod rito.
***
"Caroline, hindi ba sasabay sa atin si Penelope sa pagpasok? Male-late na tayo." Kunwaring galit na tanong ko sa aking kapatid.
"She texted me already, maaga siyang pumasok kasi isinabay siya ng Tita at Tito. Na-miss ko tuloy agad si Ate Penny." Exaggerated na inporma nito sa akin.
"Ah ganun ba? Tara na." Nauna na akong pumasok kay Caroline sa loob ng sasakyan. Iniisip ko kung paano ito susuyuin matapos ang nangyari kahapon.
"Kuya, kilala mo ba si Red Singson? Yung poging vocalist ng bandang RAINBOW BAND?" Tumingin ako sa kapatid ko na mukhang kinikilig sa pinanunuod nitong video sa cellphone.
Ang RAINBOW band ay isang sikat na banda sa aming paaralan. Si Red Singson ay gaya kong isa ring senior student, nasa Section B nga lang.
"What about Red?" Wala ako sa mood makipag-tsismisan sa kapatid ko. May iba kasi akong iniisip.
"Alam mo ba, tinanong niya si Ate Penelope noong isang araw kung pwede ba daw siyang manligaw."
"Anong sinagot ni Penelope?"
"Sabi ni Ate Penny, magpaalam daw muna siya sa daddy at mommy niya. Ang cute nga ni Ate Penny habang sinasabi iyon."
"Anong sabi ni Red?"
"Dadalaw daw siya sa bahay nila Ate Penny one of these days para magpakilala at magpaalam sa parents niya. Ang swerte talaga ni Ate Penny, andaming nanliligaw."
"Aside from Red, sino pa ang nanliligaw sa kanya?"
"Yung practice teacher namin. Pinadala nga niya sa akin yung chocolate at card kahapon kaso hindi ko pa naibibigay kay Ate Penny kasi di siya nakisabay."
"Asan na ang card at chocolate?"
"Andito sa bag ko."
"Ibigay mo sa akin. Ako ng mag-aabot kay Penelope sa classroom namin." Inilahad ko ang aking kamay rito.
"No. Ako ang inutusan ni Sir, so ako ang magbibigay kay Ate Penny." Tinaasan ako nito ng kilay.
"Amina na sabi e.." Hinila ko ang bag nito palapit sa akin.
Nakita ko yung card pero hindi ang chocolate.
"Nasaan na ang chocolate?"
Biglang lumambot ang expression ng mukha ni Caroline.
"Kaya nga ako sana ang mag-aabot kay Ate Penny para naman maexplain ko sa kanya na kinain ko na yung chocolate. Nalulusaw na kasi at sayang naman."
"Ang sabihin mo, masiba ka talaga. Dalaga ka na Caroline kaya mag-diet ka na."
"Masiba? Huh? I am entitled to be like this because I am on my adolescent stage. Ikaw nga dati kahit isang palangganang kanin kaya mong ubosin." Parang mangangain ng tao ang mukha ng kapatid ko dahil sa sobrang pagkainis sa akin.
"Duh? Ikaw lang ang masiba no?" Binuksan ko ang pinto ng sasakyan bago pa ako mahambalos ng sling bag nito. Mahirap na, made of genuine leather pa naman ang bag nito.
***
Dear Diary,
Nagtalo kami ni Jacob kanina. Nagteks kasi si Caroline sa akin na kinuha ng Kuya niya ang card na ipinabibigay ng practice teacher niya para sa akin. Si Jacob na raw ang mag-aabot sa akin. Pero nung tinanong ko si Jacob kung nasaan na yung card bigla na naman itong nagalit. Itinapon na daw niya sa basurahan! The nerve talaga ng lalaking yun. Hindi ko nga siya pinansin hanggang sa uwian namin. Masyado na niyang pinakikialaman ang buhay ko.
Pero inabangan nya ako sa gate ng school namin. Pinauna na niyang umuwi ang kapatid niya at driver. Wala pa naman akong sundo kasi nga alam ng parents ko na sasabay ako sa kanila. Tapos nung dumaan si Red Singson at inalok akong hinatid bigla nalang niya akong hinila palayo rito. Sumakay kami ng taxi hanggang sa park ng subdivision. Doon nag-usap kaming dalawa. Nagtalo kami nuong una. Sabi niya nagseselos daw siya sa mga lalaking nanliligaw sa akin. Sabi ko naman bakit siya magseselos? Sinagot niya naman ako. Gusto ko ngang maiyak sa sinagot niya. Mahal daw niya ako kaya nagseselos. Porke ba nauna akong magsabi na mahal ko siya. Mahal na din niya ako? Hindi ko siya sinagot noong una pero inulit na naman niya ang sinabi niya. Sinampal ko siya. Pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Kaya ayun DD, boyfriend ko na si Jacob. Kinikilig pa rin ako kapag naalala ko ang tawag niya sa aking "Mine" dahil sa kanya lang daw ako at vice versa. Sabi pa niya sakin ako lang ang mamahalin niya. Kapag nasa tamang gulang na raw kami, magpapakasal na kaming dalawa. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa parents namin na mag-bf gf na kami. Sana naman hindi sila magalit. Si Jacob lang una't huling lalaki kong mamahalin.
Feeling in love,
Penelope Santos