Nangangatal ang aking kamay at pinanlalamigan ako habang palabas ako ng banyo. Hawak hawak ko ang PT at malinaw na malinaw doon ang resulta. Nadatnan ko ang dalawa sa sala na kanina pa ako inaantay. Si Aling Pasing na alalang alala at si Alexa na hindi mapalis ang ngiti lalo na nang makita ako na naglalakad patungo sa gawi nila. “Ano na?” hindi na nito hinayaan na iabot ko sakaniya iyon ito na mismo ang kumuha sa akin. “Oh Jusko! Delila, buntis ka!” kita ko ang paglawak ng ngiti ni Alexa at ni Aling Pasing ng makita ang dalawang guhit sa PT. Dalawang guhit... positive. Nagtatalon si Alexa at niyakap ako ng mahigpit, “Ate! Magkakaroon na rin ng isa pang bata rito sa bahay. Hindi na maiinip si Buboy!” Nilapitan ako ni Aling Pasing at niyakap din pagkahiwalay ni Alexa sa akin, “Kung

