CHAPTER 46

2091 Words

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Ang mga pasa ko ay unti unti na ring nabubura sa aking balat hudyat na ito ay pahilom na. Sandali akong nanatili sa aking kinatatayuan. Hinaplos ko ang bawat parte ng aking katawan na may bakas pa ng mga nangyari. Hindi madaling makalimot sa mga pananakit ni Timothy, pero hindi ko rin alam bakit andito pa rin ako para sakaniya. Oo masakit, pero ganon naman ata pag mahal mo iyong tao hindi ba? Martir na siguro akong maituturing. Isang linggo na, isang linggo na ang nakalipas ng umalis ito ng bansa. Ang sabi nito ay tatawag siya pag nagkaroon siya ng oras pero ni isa kahit text ay wala. Ganon ba ito ka busy? Naputol agad ang malalim kong pag-iisip ng tumunog ang aking phone. Ganon nalang ang karipas ko nang takbo mula sa banyo papuntang kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD