“Its because I can't get you out of my head, Delila.” Halos ilang segundo ata akong napatitig dito at hindi kumikilos sa aking pwesto. Humakbang ito papalapit sa akin at ako naman ay umatras. Umisang hakbang pa muli ito bago ito tumigil nang makita nito na wala na rin akong aatrasan. Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin at para na namang tambol ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Napapikit ako ng mariin at tila inaasahan ang kaniyang mainit at malambot na labi pero ang kamay nito ang dumapo sa aking noo. Napamulat naman ako at sinikap na hindi salubungin ang tingin nito. Nakakahiya! “May sinat ka pa. Kumain ka na ba?” humiwalay ito sa akin at naglakad papalapit sa kama habang tinatanggal ang neck tie nito. “H-Hindi pa,” hindi ko alam bakit nauutal ako at tila yata babalik

