Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa full length mirror na nandito sa kwarto ko. Nakasuot ako ng isang tube backless red long gown. Ang buhok ko ay naka bun at may ilang hiblang nakalaylay na nakakulot. Naramdaman ko ang presensya ng lalaki galing mula sa likuran ko. Lumitaw din ang repleksyon nito sa salamin. Sobrang makisig ito sa suot natuxedo na tinernohan ng kulay pulang polo at itim na neck tie. Ang buhok nito ay hagod paitaas ay may ilang hiblang nakababa.Kitang kita ang hubog ng panga nito at ang matangos na ilong nito na talaga namang bumagay sa kulay asul nitong mga mata. “Lets go?” tumango ako nauna itong tumalikod na agad ko rin sinundan. Pagkababa namin ay agad na sumalubong sa akin si Alexa na nakaformal dress, hawak hawak nito si Buboy na napaka cute sa tuxedo nit

